Episode 13: Santo ka ba?

71 5 0
                                        

Sa loob ng 30 minutes ay natapos sila maglinis sa right wing ng ground floor. September 1, 2020, 9:00am ay nakatapos din sila sa paglilinis ng walang imik sa isa't isa. Marami man gustong itanong si Hailey, lalo na patungkol sa pagsali nila sa Quiz bee ay hindi naman niya nagawang magtanong pa ulit. Nagyaya si Hailey na umakyat na ng 2nd floor para doon maglinis.

"Tara, sa 2nd floor naman-"

"Alam ko." Mabilis na sumagot si Alexis.

Tumahimik naman si Hailey at nauna na lang siya na umakyat papuntang 2nd floor. Kasunod niya namang naglalakad si Alexis paakyat.

Pagdating nila sa taas, agad na kumilos si Hailey. Si Alexis naman, nagpahinga muna.

"Nakakatamad talaga..." nakatingin lang siya kay Hailey na napakasipag maglinis.

Lumapit si Alexis sa mga bintana at napansin niya na maalikabok ang mga ito.

"Anak ng... ang daming janitor dito pero wala man lang bang nakakapansin ng mga alikabok na 'to?!" Nairita si Alexis kaya binagsak niya ang walis at dust pan na hawak niya at nagulat si Hailey sa ginawa niya. Kaya ngayon, nag decide si Alexis na bumalik ng stock room para kumuha ng mga panglinis ng bintana.

"Babalik ka ng stock room?" Tanong ni Hailey.

"Oo!" Sagot ni Alexis habang naglalakad pabalik ng stock room.

"Okay..." Nagpatuloy naman si Hailey sa pagwawalis niya.

Pagdating ni Alexis sa stock room, agad niyang hinanap ang mga rag at mga spray.

"Ano ba naman 'yan!!! Maghahanap na naman ako!!!" Naghalungkat na naman siya sa stock room at sa kaka reklamo niya sa sarili niya, nakahanap din naman siya ng mga rag at mga spray. Kumuha siya ng tig-isa nito. Pagkakuha niya, bumalik na siya agad sa right wing ng 2nd floor ng building nila para bumalik sa paglilinis.

Napansin ni Hailey si Alexis mula sa malayo. May dala siyang rag at spray. Napaisip si Hailey na baka gamitin ito ni Alexis sa mga bintana.

"Para sa bintana ba 'yan?" mahinahon niyang tinanong.

"Oo! Ba't ka ba tanong ng tanong?!" Sagot ni Alexis.

Nagpatuloy na lamang si Hailey sa pagwawalis niya. Ngunit hindi na niya mapigilan pa ang sarili na kausapin si Alexis tungkol sa Academic Week.

"May tiwala ako na mananalo tayo sa Quiz bee."

"Edi mag aral ka." Sagot ni Alexis, habang nagpupunas ng mga bintana.

"Sigurado ka ba na ayaw mo sumama saming tatlo para mag review?" Pilit ni Hailey. Dahil para sa kanya, hindi lang ito basta pag aaral. Ito rin ay para mapalapit si Alexis sa kanila.

"Ang kulit mo din eh noh? Sabi nang kaya ko nga mag isa!" Pilit din ni Alexis. Nagpapakita na naman siya ng naiiritang mukha.

Pagkatapos sumagot ni Alexis ng ganoon ay sumuko na si Hailey sa pagpilit sa kanya na sumama sa kanila na mag review. Nagpatuloy ang dalawa sa paglilinis.

Lumipas ang ilang oras, 11:45nn at malapit na ang lunch break ay natapos na maglinis sina Hailey at Alexis simula ground hanggang 3rd floor. Makikita mo sa kanilang dalawa ang pagod at hirap. Pawis na pawis si Hailey kaya naman hinubad niya muna ang sweater na pang-patong niya.

"Ang init talaga..." Nagulo ang buhok at ang puting polo niyang long sleeve sa paghubad niya ng kanyang sweater kaya inayos niya ito.

"Alam mong mainit, naka sweater ka pa kasi. Tignan mo ko, puting long sleeve lang, kaya presko!" Banat ni Alexis.

"Eto ang tamang uniform dito sa Alexavier University, kaya sinusunod ko lang." Banat naman ni Hailey pabalik sa kanya.

"Santo ka ba?? 'Wag ka masyadong mabait, maaga ka mamamatay niyan hahaha! Tignan mo, hinimatay ka pagkatapos masuntok ng dalawang beses sa mukha, masyado ka kasing nagpapakabayani. Sinabi ko naman sayo na 'di ko kailangan ng tulong mo, nakialam ka pa din." Malokong sagot pabalik ni Alexis.

"Nahinto 'yung gulo 'di ba? At hindi ka nasaktan kasi kakagaling mo lang sa matinding insidente noong araw na 'yun." Bumanat uli pabalik si Hailey.

Tumahimik si Alexis dahil bigla niyang naalala kung ano ang mga nangyari noong araw na nawalan ng malay si Hailey dahil sa gulo na sinimulan ng tatlong lalaking siga na humamon sa kanya. Naalala niya din na hindi man lang siya nagpasalamat kay Hailey sa pagtatanggol na ginawa niya sa kanya. Hindi niya magawang mag apologize at magpasalamat dahil sa taas ng pride niya.

"Okay lang, hindi ko naman iniintay na magpasalamat ka. 'Wag ka mag alala." Sabi ni Hailey, na para bang inaasar niya si Alexis. Sinusubukan niyang basahin ang iniisip niya.

"Ha?!! At sino naman ang magpapasalamat?! 'Di ko kailangan gawin 'yun kasi ikaw naman ang nakialam! 'Di ko kasalanan 'yun!" Pinagsisigaw ni Alexis.

"Relax ka lang..."

"Paanong relax eh iniinis mo ko?!?!" Sa galit ni Alexis, ay umamba siya ng suntok kaya naalerto si Hailey at humanda siyang umiwas. Pero bago makasuntok si Alexis ay biglang tumunog ang bell dahil saktong 12:00nn at lunch break na. Mabilis na naglabasan ang mga estudyante at napansin nila sina Alexis at Hailey.

"Ayan na naman!!! Suntukan ba ulit 'to? Woooohh!!!" Sigaw ng mga lalaking estudyante. Palagi talaga silang suportado sa panonood ng gulo.

"Si Alexis at Szanon magkasama na naman! Ayieeeeee!!!" Sigaw ng mga fangirls nilang dalawa.

"Argh... bwiset!!! Ang ingay na naman!!!" Binangga ni Alexis si Hailey, kinuha niya ang mga pang linis niya at umakyat siya ng 4th floor.

"Sandali lang, Go!" At sumunod naman si Hailey sa 4th floor.

"Nakakakilig talaga silang dalawa!!!" at patuloy na nag ingay ang mga fangirls nilang dalawa.


Unintentional GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon