Episode 25: Iiyak mo lang, hindi ako titingin

41 3 0
                                        

Marami pa din ang naka palibot sa bonfire na nagbibigay liwanag sa mga estudyante na masiglang sumasayaw. Sina Kate at Lanz ay sumasayaw na may pagka-ilang sa isa't isa. Nakalagay ang kaliwang kamay ni Lanz sa baywang ni Kate at ang kanang kamay niya, ay nakahawak sa kaliwang kamay ni Kate. Si Kate naman, nakapatong ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ni Lanz. Ang dalawa ay maikli na hinahakbang ang kanilang mga paa, sumasayaw sa sweet song na pinapagtugtog sa ngayon.

Ang mukha ni Lanz ay hindi maipinta ng dahil sa magkahalong saya at hiya na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Kahit pa hindi niya alam kung paano sisimulan ang gusto niyang pag usapan, ginagawa niya pa din ang lahat para malabanan ang nararamdaman niya.

"Uhmm-"

"May gusto kang sabihin 'di ba?" pinutol siya ni Kate sa pagsasalita dahil hindi niya na matiis ang pagiging mahiyain ni Lanz.

"H-Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan 'to..." sinabi ni Lanz ng nakatingin sa mga bituin. Hindi talaga siya makatingin ng derecho kay Kate.

Iniisip ni Kate na sayang ang lakas ng loob ni Lanz kanina sa pagyaya niya sa kanya sumayaw kung siya ay mawawalan din pala ng lakas loob ngayon.

"Huminga ka ng malalim. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong sabihin. Makikinig ako," yan ang mga words of encouragement ni Kate kay Lanz. Napatingin naman bigla si Lanz sa kanya pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Kung ganoon... may t-tanong ako..." nauutal niyang sinasabi.

"Ano 'yun?"

"M-May.. may gusto ka ba kay Szanon?"

Nagulat si Kate sa tanong ni Lanz. Dito pa lang ay nagtataka na siya kung bakit niya ito tinatanong at kung paano niya nasabi na may gusto siya kay Hailey. Dahil dito, nag-isip si Kate ng birong sagot.

"Bakit mo natanong? Nagseselos ka?"

Nagulat at nahiya naman si Lanz sa tanong niya. Huminto siya pagsayaw kaya naman napahinto din si Kate.

Nagtataka si Kate sa mga nangyayari dahil biniro niya lamang si Lanz, ngunit hindi niya alam na hahantong sa ganito ang mga mangyayari.

Yumuko si Lanz, at naharangan ng buhok niya ang kanyang mga mata.

"Oo... nagseselos ako..." sinabi ni Lanz. Nanatili siyang nakayuko pero nagsimula na uling humakbang ang mga paa niya. Sumabay si Kate sa muling paghakbang ng mga paa niya at sumasasayaw na sila uli ng slow dance ngayon.

Hindi alam ni Kate ang sasabihin niya, nagulat talaga siya ngunit nananatiling kalmado pa rin. Hindi niya makita ng maayos ang mukha ni Lanz dahil nahaharangan pa din ng buhok niya ang mukha niya.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ang isa ay nahihiya at namumula ng sobra. Ang isa naman ay sinusubukang bumuo ng isasagot.

Hindi na natiis ni Lanz ang pagkatahimik nila, kaya inipon niya na ang lahat ng lakas loob niya para sa pagkakataon na 'to. Isang pagkakataon na hindi dapat sayangin.

"Kate... gusto kita..." tumingin siya ng derecho sa mga mata ni Kate at sa mga salitang ito, muli siyang nagulat dahil sa dalawang bagay. Una ay dahil sa confession niya, at pangalawa ay dahil nakita niya na naman ang seryosong personalidad niya.

Sa kabilang banda, sina Alexis at Hailey ay magkapatong pa din sa isa't isa. Nagulat ang dalawa ngunit hindi nakakilos agad dahil sa nangyari.

"A-Ano 'to? Labi ba 'to ni Go?!?" tanong ni Hailey sa sarili niya, natataranta.

Agad na inangat ni Hailey ang ulo niya dahil sa gulat at hiya. Hindi niya naman intensyon na mahalikan si Alexis. Dahil dito, pareho silang namumula. Agad din namang tinulak ni Alexis si Hailey ng malakas. Sa sobrang lakas ay napa-upo si Hailey at tumama na naman ang likod niya sa pintuan.

Unintentional GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon