Late na nakauwi si Hailey sa kanila. Pagbukas niya ng pintuan ng bahay ay sinalubong siya ng kanyang nanay nang nakangiti.
"O anak, buti nakauwi ka na. Kumain ka na ba?" Tanong ng kanyang nanay, at biglang kumulo ang tiyan ni Hailey.
"......."
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Natawa ang kanyang nanay.
"Halika na't kumain ka na. Bakit ba kasi late ka na nakauwi? Halos 9pm na."
"Sige Ma, kakain na ko." Pumwesto na si Hailey sa dining table at nagsandok ng kanyang kakainin. Umupo naman ang kanyang nanay sa harap niya para makipag usap. Dahil gutom na gutom na siya ay sinimulan niya ng kumain.
"May hinatid po ako Ma. Kaklase ko."
Nagulat ang kanyang nanay at agad na nagtanong.
"Babae yan 'di ba? Bakit mo hinatid? Nililigawan mo ba?" Nakangiting tanong ng kanyang nanay.
"Opo Ma, babae po, at hindi ko po siya nililigawan. Naaksidente kasi at ako na ang nag volunteer na tulungan siya." Sagot ni Hailey habang ngumunguya ng kinakain niya.
Nagulat na naman ang kanyang nanay.
"Naaksidente?! Anong nanagyari?! Wala ba siyang sundo? Mga magulang niya? Nasaan?! Sunod sunod na pagtatanong ng kanyang nanay.
"Ma, relax.... Wala siyang sundo. Busy mga magulang niya. Ang tatay niya, Director ng school, at ang kuya niya ang Principal naman ng school."
Makikita mo sa mukha ng nanay niya na nabibighani siya.
"Swerte ka pala dyan anak. Kaibiganin mo yan ha?" Biglang singit ng kanyang nanay.
"......... Ma. Hindi ganyan kababaw ang rason ko para makipag kaibigan sa isang tao." Seryosong sagot naman ni Hailey.
"Ikaw naman, hindi mabiro..." Sabay ngiti ng kanyang nanay, bigla siyang sumingit ulit, "Sigurado ka wala kang gusto sa kanya?"
"Wala po Ma." Sagot ni Hailey.
"Eh bakit mo siya hinatid? Bakit ka nag volunteer na tulungan siya?" Naiintrigang tanong ng kanyang nanay.
Napahinto si Hailey sa pag subo ng kanin at napaisip.
"Bakit nga kaya? Hindi ko din alam Ma." Sagot ni Hailey.
"Hmm... Siga na, ubusin mo na 'yang kinakain mo.
Tumuloy na ng kain si Hailey hanggang sa wala ng matira sa plato niya. Pagkatapos niya kumain ay hinugasan niya na din ang kanyang kinainan.
"Akyat na ako, Ma. Good night."
"Good night, anak."
Pag akyat ni Hailey sa kanyang kwarto ay agad siyang nagpalit ng damit. Pagkatapos niya magpalit ay humiga na siya at kinuha ang papel sa loob ng bag niya na inabot ni Kate na tungkol sa napag usapan para sa Academic Week.
Nang mabasa ni Hailey ang buong papel ay nakita niya ang kanyang pangalan. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Ako na naman pala ang lalaban ulit sa quiz bee..."
Nakita niya ang pangalan niya na nakatapat sa Math at Science quiz bee. Isa siya sa representative sa boys. Sa English naman ay si Lanz ang binoto ng mga kaklase. Nakalagay naman ang pangalan ni Kate sa tapat ng English quiz bee as representative ng girls.
Sa pagpapatuloy ni Hailey sa pagbabasa ay nagulat siya sa nakita niya dahil nakita niya ang pangalan ni Alexis sa tapat ng Math and Science quiz bee. Sa gulat niya ay napa upo siya sa kama. Tumahimik si Hailey, nag iisip.
BINABASA MO ANG
Unintentional Game
RomansaAlexis Go was a delinquent who lives as an aristocrat. Her father owns the school she's attending but that doesn't matter to her at all. All she want was to fight and smack people to their bones. Along those years, there's a guy named Szanon Hailey...
