Episode 27: Mas maraming estudyante ang mahaharot

42 4 1
                                        

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng academic week. Ang miyerkules, 23rd ng September 2020 ay isa na namang payapang araw sa Alexavier University. Simula ng gabi ng bonfire noong huling araw ng academic week, naghinay-hinay na ang gulo sa campus. For the past two days, wala pang gulo na nagaganap na dati ay araw-araw may gulo na sinisimulan si Alexis. Napansin ito ng karamihan sa estudyante ng high school department. Ang pagiging payapa sa high school department ng Aleaxavier University ay naging isang malaking misteryo at usapin. Madalas na pinag uusapan ito sa cafeteria, hallways, classrooms, at lalo na sa faculty. Hindi lang ito ang naging usapan. Never na din na late si Alexis sa klase. Tila napapansin ng karamihan ang pagbabago ni Alexis. Mas lalong gumanda ang resulta ng quizzes niya nitong nakaraang dalawang araw. Ngunit, marami pa ding estudyante ang takot sa mga tingin niya.

Naging pinaka usapin din ang pagsasasama nina Hailey at Alexis na napapansin ng mga estudyante. Dahil sa malakas na appeal nilang dalawa ay kapansin-pansin talaga sila. Si Szanon Hailey Dela Vega, ang top student ng high school department ng AU, at si Alexis Go, ang pinaka nakakatakot na siga sa buong high school department ng AU.

Pagkapasok na pagkapasok ni Lanz sa classroom ay madami ang bumabati sa kanya ng maligayang bati dahil ngayon ang araw ng kaarawan niya. Nagpasalamat siya sa mga bumabati sa kanya. Nagbigay ngiti ito sa kanya pero kahit na batiin pa siya ng karamihan, ang pinaka inaabangan niya lang naman na bumati sa kanya ay walang iba kundi si Kate.

Lumapit si Lanz kay Kate na nakaupo sa second row sa harap.

"Hi Kate!" bati ni Lanz sa kanya.

"Good morning, Lanz. Happy birthday," bati ni Kate sa kanya pabalik.

Hindi mapigilan ni Lanz ang pag ngiti ng wagas. Ramdam mo na umaga pa lang ay buo na agad ang araw niya.

"Thank you Kate!" at pagkatapos ni makipag-batian ni Lanz kay Kate, dumerecho na siya sa upuan niya ng nakangiti.

Habang nagbabasa si Hailey ng kanyang dictionary ay napansin niya na si Lanz na pumasok sa classroom, at saka binati.

"Happy birthday, Lanz." Bati niya. "Bakit parang sobrang saya mo?"

"Binati kasi ako ni Kate! Ang saya-saya ko ngayon Szanon!!!" hyper na pagsagot ni Lanz.

"Nakikita ko nga. Saka pinayagan ka na niya manligaw 'di ba? 'Yun din ba ang dahilan kung bakit sobrang saya mo ngayon?"

"Oo, Szanon! Nako, 'di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon! Eh ikaw ba, ayaw mo manligaw kay Alexis?"

"H-Huh? Gusto ko lang siya maging kaibigan..." namumula si Hailey habang sinasabi ito kay Lanz.

"'Yan ka na naman Szanon! Hahaha!" tinawanan lang niya ang kanyang kaibigan.

Bumukas ang pintuan ng classroom at si Alexis ang nasa likod nito. Agad na nagbago ang ihip ng hangin sa classroom nila. Walang ibang mas naunang nakapansin ng pagbabago niya kundi ang section niya. Kung dati ay ayaw nila kay Alexis, ngayon ay mas lalong dumami ang mga kaklase niya na gusto siya mas kilalanin pa at kaibiganin. Pinagtanggol pa nga nila si Alexis noong awarding ng academic week mula sa mga estudyante na kung anu-ano ang pinagsasasabing masama tungkol sa kanya.

"Good morning Alexis!" binabati siya ng kanyang mga babaeng kaklase.

"Ahh... hi." Ito lamang ang naging sagot niya sa kanila ngunit nagbigay ngiti pa din ito sa mga kaklase niya. Noon, hindi nila kayang batiin si Alexis, pero ngayon, kapag binabati na nila si Alexis, bumabati na siya pabalik.

Hindi natin masisisi si Alexis kung hindi pa siya gaanong open sa kanyang mga kaklase dahil wala namang magic. Walang bagay na sa isang iglap ay mangyayari agad. Ang pagbababago ay unti-unti nangyayari. Ang mahalaga ay hindi ka hihinto sa kagustuhan mong magbago.

Unintentional GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon