Episode 8: Tanggalin ninyo ko sa listahan

94 4 0
                                    

Tahimik na bumabalik sina Hailey at Alexis sa kanilang classroom. Gusto na pag usapan ni Hailey 'yong tungkol sa quiz bee pero hindi niya makausap si Alexis dahil awkward ang naging sitwasyon kanina. Pero naiisip niya na mas maganda kung kakausapin niya na si Alexis bago sila makarating ng room. Kaya naman nag lakas loob na si Hailey.

"Uhmm.. Alexis-"

"At sino naman may sabi sa 'yo na pwede mo 'kong tawaging Alexis?!" Maangas niyang sinabi.

Tumahimik saglit si Hailey.

"Uhmm, Go... 'yung tungkol sa quiz bee-"

"Ayoko." Pinutol niya na naman ang pagsasalita ni Hailey.

"Sabi na nga ba..." Sinabi ni Hailey sa isip niya.

Pero dahil 'yun ang napag desisyunan ng buong klase, dapat 'yun ang masusunod.

Maya maya lang, nakarating na si Alexis at Hailey sa room. Si Alexis ang bumukas ng pintuan. Si Hailey naman ang sumara nito. Pagpasok nila ay wala pa din si Ms. Tampelix. Mula sa maingay na classroom ay naging tahimik ng pumasok siya. Umupo na siya sa kanyang upuan, at ganoon din si Hailey.

Sa wakas, dumating na si Ms. Tampelix. Binati niya ang buong klase.

"Good morning, class."

"Good morning, Ms. Tampelix." Bati ng mga estudyante pabalik.

"Simulan na natin ang homeroom." Naghahanap si Ms. Tampelix ng absentee pero nakita niya si Alexis sa upuan niya.

"How are you, Alexis?" Tanong ni Ms. Tampelix.

"Ayos lang ako Ma'am." Sumagot naman si Alexis.

"Good. Alam mo ba na kasali ka sa quiz bee para sa Academic Week natin?"

"Tanggalin ninyo ko sa listahan. Ayoko sumali." Walang interes na sinabi ni Alexis.

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase niya.

"Shhh!!!" Sinita ni Ms. Tampelix ang buong klase dahil umiingay sila.

"Pumayag ako na maging isa ka sa representatives ng girls sa class natin dahil alam kong kaya mo lumaban sa Math at Science. Ang alam ko lang na magiging problema ko sa'yo ay alam ko na 'di ka papayag. Pero ikaw ang binoto ng buong klase, walang may ibang gusto na sumali, at may tiwala sila sa'yo na kaya mo kaya ikaw ang napili." Habol ni Ms. Tampelix.

Hindi nagsalita si Alexis. Nakatingin lang si Hailey sa kanya. Umaasa siya na papayag si Alexis para di na siya mahirapan pang pumilit sa kanya.

"Sige na, Alexis. Ikaw na ang lumaban. Ibibigay ko na 'to sa student council. Since kayo ni Hailey ang representatives natin sa Math at Science, magtulungan na lang kayo sa pag review. Inaasahan ko na mananalo tayo ah?" Hindi na binigyan ni Ms. Tampelix si Alexis ng choice. Nagsalita naman ang mga kaklase niya at nagbigay ng suporta.

"Kaya mo 'yan, Alexis!"

"Alam ko tayo ang mag uuwi ng madaming medal!"

"Kayang-kaya ni Icerage Princess 'yan! Woooh!" Umingay na sa buong classroom.

Tinawag ni Ms. Tampelix ang mga representatives.

"Szanon, Lanz, Kate and Alexis. Make sure to study for the competition, especially you, Lanz."

"Yes, Ma'am!" pabirong sumagot si Lanz, at nagtawanan ang mga kaklase niya.

"Kainis..." Binulong ni Alexis sa sarili niya. Wala na siyang nagawa kundi sundin si Ms. Tampelix.

Nagtaas ng kamay si Kate at tumayo. Mukhang may itatanong siya.

"Ma'am, 'di niyo man lang ba kami tutulungan mag review?" Tanong niya. Napatingin naman ang lahat kay Kate.

"Sa line-up natin, I doubt na kailangan ninyo pa ng tulong ko. Nandyan ka, at nandyan din si Szanon. Alam kong kayang kaya niyo na yan." Sagot naman pabalik ni Ms. Tampelix kay Kate. Tiwalang tiwala siya sa mga estudyante niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa din naaalis sa mukha ni Alexis ang inis. Dahil dito, nahihirapan si Hailey na lapitan siya at kung paano siya kukumbinsihin na mag review kasama sila.

Naging maayos ang morning classes nila.

Dumating na ang break time. Agad na lumabas si Alexis ng classroom nila, papunta sa canteen para bumili ng kakainin. Nilapitan ni Hailey si Kate para pag usapan kung paano kakausapin si Alexis.

".....uhmm Kate...?"

"Oh?" Sagot ni Kate, habang nagbubukas ng dala niya na biscuits.

"Sa tingin mo ba kaya mong kausapin si Go para makapag review tayo para sa Academic Week?" Tanong ni Hailey.

"Hindi ko alam. Hindi naman kami nag uusap."

"Pareho naman kayong babae. Baka pwede mo siyang mapilit." Sinabi ni Hailey.

"Susubukan ko." Sagot uli ni Kate.

"Salamat."

Pagkatapos nila mag usap ay tinapos na ni Kate ang pag kain niya sa mga dala niya na biscuits. Sila Hailey at Lanz naman ay nag decide na pumunta ng canteen para humanap ng pwedeng kakainin. Hanggang sa maabutan na naman nila na nasasangkot na naman si Alexis sa gulo...

"Heto na naman tayo, Szanon..." Ang mga salita ni Lanz nang mapa buntong hininga siya.


Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon