Where is She (Nine Felier) Book 2
The names, events and places in this story are all fictions. Some of the scenes are not applicable to young readers. Read at your own risk. Thanks everyone.
Prologue
Gusto kong hanguin ang lahat ng katinuan na meron ako. May natira pa ba sa akin? Bakit sunod-sunod na mga pasabog ang nangyayari. Ngayon nakatayo ako sa harapan ng isang sunog na bahay.
Do I deserve this?
Am I that evil for this to happen? Ilang kurap ang ginawa ko, pero bakit hindi nagbabago ang nasa harapan ko? "Bakit?" pumikit ako ng mariin.
"AHHHHHHHH BAKIT!!!!!!!!!!?" malakas kong sigaw. Sumisikip ang dibdib ko. Pinapangunahan na ako ng takot. "Hindi pwede" napatingala ako sa kalangitan.
"IS THIS MY PUNISHMENT FOR BEING EVIL?" I desperately shouted.
Naitikom ko ang aking dalawang kamay. Kumukuha ako ng lakas na humakbang. Humakbang pauna. Mabigat ang bawat paghinga ko. Hindi ko matanggap na ganito. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko.
Are they dead?
Napalunok ako sa pang-apat kong hakbang. Umaalingasaw ang mabahong amoy na nasusunog. Hindi na makikilalang bahay ang nasa paligid ko. Dahil nga gawa sa kawayan ang buong kabahayan ay madaling kumalat ang apoy. Naging malaking pangsiga ang buong kabahayan. I hold my breath and search for any possible clue of what happen.
Burnt table, burnt casserole, burnt painting. Everything is burnt.
Inilibot ko ang aking mga mata. I can't smell any roasted meat. "Damn it!" napaupo ako bago ko guluhin ang aking buhok. Ipinatong ko ang aking ulo sa tuhod. I wash all my dirty thoughts in mind. I really need to clear my mind.
"Ser sinundan ko ho kayo, baka kako sasakay kayo pabalik sa sentro. Wala na ho kasing dadaang sasakyan diyan mamaya"
Napatunghay ako sa narinig. Si manong tricycle driver ay matiim na nakatingin sa pwesto ko. "I know they are still alive" I murmured before I get my knees to stand up.
Fuck! Where are they?
Where is She?
*****
Kanina pa kami lakad ng lakad ni Aimee. "Aimee mag-drawing ako para may pambili tayo ng pagkain" humarap siya sa akin bago ngumiti.
"Pagod ka na ba?" umiling agad ako kay Aimee ayokong mag-alala siya sa akin. Oo sobrang sakit ng katawan ko. Sira-sira ang suot kong bestida at medyo nilalamig na rin ako dala ng malakas na ihip ng hangin pero hindi ako pwedeng magreklamo. Ayoko na ulit umiyak si Aimee.
"Kapag may nakita tayong tricycle ay sasakay tayo"
"Eh wala tayong pera Aimee. Tatanggihan lang nila tayo" bumuntong hinga si Aimee bago siya dumukot ng kung ano sa kanyang bulsa. Lumitaw ang kakaibang papel na may mukha ng matanda.
"Mabuti nailagay ko sa bulsang ito ang dollars na bigay ni Nine. Ang problema lang natin ay money changer. Wala nun sa sentro kundi sa kabilang bayan pa"
Humarap sa akin si Aimee. Panandalian kaming huminto sa paglalakad. "Edi lalakarin natin hanggang kabilang bayan, Aimee. Malakas ako Aimee at kaya ko pang maglakad ng malayo" May tumakas na luha sa kanang mata ni Aimee na mabilis niyang pinunasan bago siya ngumiti sa akin.
Awa ang nakikita ko sa mga mata niya. Awa niya sa sinapit ko. Sa sinapit namin.
Kasalanan lahat ito ni Nine dahil iniwan niya kami. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Hindi niya tinupad ang pangako sa akin. Isa siyang malaking sinungaling. Ayoko na sa kanya. Sabi niya ayaw na niyang makita pa ako kaya ayoko na rin siyang makita.
Pinahid ko ang ilang luha sa aking pisngi at baka mapansin ni Aimee na umiiyak na naman ako.Para kay Aimee magiging matapang ako. Kakayanin ko kahit wala siya.
BINABASA MO ANG
Where is SHE (Nine Felier) Book 2
RomanceHe already knows who she is but now the main problem is that the girl of his life is missing. Only left is the ashes where all of his memory of her begin. Will he be able to find her or totally loose her again for the second time around? Another jou...