Bella: Mga readers vote naman kayo diyan and write your comments. ^,^
Bakit mo ginupit?
Bumabagal na ang mga pagkilos ko. Ilang beses na rin akong napuruhan ni Jack. "Shit" hinawakan ko ang aking panga. Idinura ko sa sahig ang mapait na dugo.
"Bwiset ka talaga Nueve" tinapunan ko siya ng matalim na tingin pero napangisi ako. Wow I'm really great. Bangas na talaga ang mukha ni Jack. Sulit ang mga natamo ko dahil medyo namamaga ang kilay ni Jack at may malaki na siyang pasa sa pisngi. Putok ang labi niya at may dugo ang ilong.
He looks like shit and it feels so good.
Mukhang naasar siya sa pagngisi ko at kumilos siya palapit sa akin. Tinadyakan niya ako pero nasalag ko gamit ang kanan kong braso. Hindi siya pwedeng makalamang. Oo at medyo wala na akong makita dahil nasapol niya kanina ang mata ko. Alam ko ring namamaga na ang mukha ko pero pareho lang kami. Kahit papaano sa ginawa naming ay naibsan ang galit ko sa kanya. Naibunton ko na sa bawat suntok, bawat tadyak at bawat pagsigaw sa kanya.
"Hindi ko alam na bagong atraksyon pala sa Casa ang mano-manong labanan" mabilis kaming napalingon sa nagsalita. Napahawak ako sa aking hita bago naupo sa sahig. Habol habol ko ang aking paghinga, ganun din si Jack.
Magkasalikop ang kamay ni Gun. Kanina pa niya siguro kami pinapanuod. Nakasandal siya sa isang estante. Napatungo ako. Ginulo ko ang aking buhok. Shit bakit ako umiiyak? Humahalo sa pawis ko ang luhang nakatakas sa mga mata ko.
Nakaramdam ako ng pagtapik sa likuran ko. "Tara na Kuya Nine. Pinahanap ka sa akin ni Kabo. Ang galing sobra. Sabi ni Kabo sa Casa daw ako magsimulang maghanap. And viola your really here" Pinalis ko ang kamay niya. Tinapunan ko muna ng tingin si Jack na nakasandal sa gilid ng upuan. Nakapikit ang mga mata.
Napailing ako bago tumayo. Inalalayan ako ni Gun ng muntikan akong matumba. "Hindi ko alam na referre pala ng away ang ipinunta ko dito"
"Shut up Gun" mahina kong ungot. Noong isang araw pa akong napipika sa mga maiingay.
****
Nagising ako sa mahinang tapik ni Aimee sa aking pisngi. Nakatulog pala ako. Inilibot ko ang aking tingin. Nakahinto na ang bus at naglalakad na sa gitna ng mga upuan si Sister Edna. Bigla akong napatayo. Kumapit ako sa damit ni Aimee palabas ng bus.
"Aimee, Alliya tayo muna'y kumain. Isang oras pa ang byahe papunta sa simbahan"
"Sige po Sister"
****
"Bakit dito mo ako dinala?" Nasa harap na kami ng pintuan ng pad ko.
"You need Ate Shon" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ayokong gamutin ang sugat ko. Kailangan ko ang kirot at sakit na nararamdaman ko para magising ako sa aking kagaguhan.
Itinulak ko siya saka ako pasuray-suray na naglakad palayo sa pintuan. "Fuck!" napasandal ako sa hallway. Narinig ko ang tunog na pagbukas ng pintuan. Hindi ako lumingon. Kailangan kong makalayo dito. Humakbang akong muli at sa ikatlong subok ko ay humarang sa harapan ko ang nag-aalalang mukha ni Shon. Sumunod pa ang bubwit.
"K..ku..ya?" umiling ako sa kanya nang itaas niya ang kanyang kamay para sana hawakan ang mukha ko. Nginisian ko si bubwit at biglang nagtago sa likuran ni Shon. Hah! natakot sa itsura ko.
"Ate Shon ikaw na bahala diyan kay Kuya tapos puntahan mo si Kuya Jack sa Casa. Basag din ang mukha. Nagrambulan silang dalawa"
"I told you to shut up Gun" ngumiti lang siya sa akin bago ako tinapik sa balikat. Lumakad na rin siya palayo sa amin.
****
Kinublit ko si Aimee saka ako ngumiti sa kanya ng malapad. Ang ganda ng simbahan. Madaming puno at halaman sa paligid at mabango din ang simoy ng hangin. Pumikit ako at suminghot. Pagmulat ng mga mata ko ay ngiti ni Aimee ang bumungad sa akin.
"Mukhang gusto mo dito"
"Tama si Sister Edna, Aimee maganda nga dito at sariwa din ang hangin parang iyong sa dating bahay natin" lumapit ako sa mga nakatanim na bulaklak. "Aimee may paro-paro. Ang ganda ng kulay niya medyo magulo" napatawa si Aimee sa sinabi ko.
Yumuko ako bago ko tinitigan ang kulay rosas na bulaklak. Inilapit ko ang aking ilong saka ko inamoy. "Anla bakit walang amoy? Bakit hindi siya kagaya ng bulaklak sa gubat?"
"Mas sariwa kasi ang hangin sa atin kaysa dito kaya siguro walang amoy"
Napatingala ako kay Aimee. "Mga iha halina kayo dito sa loob at nang makapagpahinga na"
Tumayo na ako at kumapit ulit sa damit ni Aimee. Si Sister Edna ay nakangiti na naman sa amin. Kanina ipinakilala niya kami kay Father Sebastian at tinanggap nila kami na pansamantalang manuluyan sa simbahan. "Aimee ang bait nila"
"Oo nga kaya magpakabait ka ha. Huwag matigas ang ulo" tumango-tango ako sa kanya. Hapon na pala.
****
"Aray"
"Kasalanan mo yan Kuya. Ano bang pumasok sa isip mo at nakipagbasag mukha ka kay Kuya Jack. Iyan ang napala mo. Hindi ko na makita ang gwapo mong mukha" pinapahiran ako ni Shon ng bulak sa talukap ng aking mata.
"You look horrible Kuya Nine" singit ni bubwit na nakikiususyo sa ginagawa ni Shon.
"Hayaan mo na lang sabi ang sugat ko. Hindi mo naman kailangang gamutin" Pumaling ako paiwas sa panibagong bulak na idadampi niya.
"Kuya huwag namang malikot. Ang tigas ng ulo mo" nayayamot na ang mukha niya.
"Yeah Tita Shon. Kuya Nine is a hard headed old man" kinuha ko iyong maduming bulak at inihagis sa mukha ni bubwit. Anong old man ang pinagsasasabi niya? I'm only 25.
"Tita Shon oh, si Kuya Nine inaaway ako" aba't sumiksik pa kay Shon. Napangisi ako ng pagtaasan ako ng kilay ng kapatid ko. Aba't kinampihan pa iyong bulinggit. Kaasar. Wala na ba akong kakampi?
****
Napatitig ako sa harap ng salamin. Pinatuloy kami ni Sister Edna sa isang bakanteng silid. Malaki ang silid at malambot ang higaan na-ugtol ang katawan ko kapag humihiga. Nasa labas si Aimee kausap ni Sister.
Pawala na ang mga sugat ko sa labi at sa pisngi. Napatitig ako sa repleksyon nang aking mata. Malungkot ang mata ko kahit ilang beses akong ngumingiti sa harap ng salamin. May nahagip ang mga mata ko isang makintab na bagay sa parteng likuran. Ibinaling ko ang aking tingin doon.
"Gunting?"
Muli humarap ako sa salamin. Napatitig ako sa buhok ko at sa gunting. Lumunok ako bago gawin ang napagpasyahan na ng isipan ko. Kailangan ko itong gawin. Magmula ngayon kakalimutan ko ang lahat ng mga ala-ala sa Sitio Felipe, kasama siya.
"Bakit mo ginupit?" nagtatanong ang mga mata ni Aimee. Nakapasok na pala siya nang hindi ko napapansin. Lumapit siya sa akin. Dinampot niya ang buhok kong nalaglag sa sahig.
Tumungo ako. Mali ba ang ginawa ko? "Umiiyak ka na naman" napatunghay ako.
"Upo ka at aayusin ko ang gupit mo. Sayang ang maganda at mahaba mong buhok Alliya"
BINABASA MO ANG
Where is SHE (Nine Felier) Book 2
RomanceHe already knows who she is but now the main problem is that the girl of his life is missing. Only left is the ashes where all of his memory of her begin. Will he be able to find her or totally loose her again for the second time around? Another jou...