Suddenly everything change : Why?

144 5 0
                                    



Fuck!

Sala naman sa timing ang tawag ni Tope. Dapat kasama ko si Alliya sa dinner pero heto't nagmamadali ako sa pagmamaneho ngayon para makabalik sa aking emperyo.

Nakuha na nila si Eron sa tulong ng reaper na aking pinagkakatiwalaan, isa ito sa mga Santillan. Isa sa mga matitinik na reaper ng Felier Group.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa aking destinasyon.

Tumunog ang hudyat ng pagbubukas ng elevator. Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ng nagmama-kaawang Eron. Malaki ang halaga na pinahiram ko sa kanya at halos magiging walong buwan na siyang tinutugis ng mga tauhan ko. Kung hindi ako pasensyosong tao siguradong isang araw lamang na delay sa napag-kasunduan ay pinatrabaho ko na agad sa reaper ang taong ito.

Ngunit dahil sa mga sunod-sunod na mga pangyayari ay ngayon ko lang ito napag-tuunan ng pansin. Napatid na lahat ng pisi ko sa paghihintay ng resulta na mahanap ang gagong ito.

Dinukot ko ang kunai na regalo sa akin ni Kabo mula sa Japan kung saan nagsimula ang lahat. Pina-ikot ko ito sa aking kamay, sobrang talas nito at sabik na akong magamit ang armas na ito. 

Napailing-iling ako bago napangiti. Nakaka-miss, matagal-tagal na rin ng huling gamitin ko ito. Tanda ko pang halos hindi na makilala ang pagmumukha ng taong nakatikim ng torture mula sa akin at ang balita ko'y baldado na ito ngayon at nag-babagong buhay na.



Sumandal ako sa glass door, malinaw kong nakikita ang maluha-luhang mata ni Eron habang nakaluhod sa isang bilao ng balatong. Anong kalokohan ang pinag-gagawa nina Tope. Ginawa nilang school type ang pag-paparusa. Matanda na si Eron para makaranas ng pang-estudyante na kaparusahan.



"OUT!" 

Mabilis silang napahinto sa pagtawa at saka lumingon sa kinatatayuan ko. "LABAS!" Tinagalog ko na at baka umiral na naman ang kabobohan ng mga inutil kong tauhan.

Parang mga sinilihan ang puwet sa pagkaripas ng takbo ang PG pati sina Tope at Indo. Nang maka-alis silang lahat at kami na lang ni Eron ang nasa silid ay pinaputok ko na ang mga buto sa aking kamay.

Kita ko ang paglunok ni Eron kasabay ang panlalaki nito ng mata. Mukhang naaalala na niya kung sino ako. Ako lang naman ang ultimate nightmare niya. 

Yumuko ako para pantayan siya sa kanyang pagkakaluhod. Tinitigan ko siya dahil after nito hindi ko na maaalala ang dati nitong itsura. "Alin ang gusto mong unahin ko?"

Napangisi ako ng mabasa ko sa mga mata ang pagtatanong patungkol sa tanong ko. "Tonta!, paa, kamay, dila o ang pangit mong mata? Alin Eron? SAGOT! Limang segundo. ALIN?" Mabilis kong idinampi ang kunai ko sa kaliwa niyang pisngi bago ko hinalbot ang buhok sa kanyang ulo. 

Nang wala pa rin akong narinig na sagot ay hinila ko siya patayo at inihampas ko siya sa center table. Itinarak ko ang kunai sa kanyang palad at narinig ko ang malakas niyang palahaw. "N'.. ma..awa maawa..k..ka...N"

Awa? matagal na iyong nawala sa bokabolaryo ko. Bilang lamang ang binibigyan ng awa at hindi kabilang doon si Eron. "Kamusta ang dalaga mong anak ha Eron? Balita ko dinala mo sa Casa. Dise-sais Eron! Menor de edad ang panganay mo, wala kang kaluluwa." Tinanggal ko ang kunai bago ko muling itinarak sa kanyang kamay. 

"Ahhhhh...hi..hindi iyon totoo N'. Mahal ko ang ana..k ko."

"SINUNGALING. Ang ayaw ko sa lahat buking na't lahat ay tumatanggi pa." Iniharap ko ang kanyang mukha sa aking gawi bago ko siya binigyan ng magkakasunod na suntok sa mukha. Mula sa malakas niyang boses na nag-mamakaawa hanggang maglaho ang ang kanyang boses at ang tanging naririnig ko na lang ay ang bawat tunog ng pagtama ng aking kamao sa kanyang basag na mukha.

Ramdam ko na ring napunit na ang balat sa aking kamao. Habol na rin ang aking hininga. Huminto ako sa pagsuntok. Satisfied ako sa resulta ng bagong pagmumukha ni Eron. Hindi mo na makikilala ang mukha niya ngayon. Duguan na ito, putok ang labi at namamaga ang buong mukha. 

Napangisi ako. I miss this.

"N...ta..ma na," mahina nitong daing.

"Saan mo dinala ang bunso mong anak at ang iyong asawa?" Hindi ko matanggap na may ganitong nilalang. Mula sa record ay nalaman ko ang mga kagaguhang pinaggagawa ng Eron na ito. Hindi lang ito may atraso sa akin, mas malaki ang kasalanan nito sa sariling pamilya na ito mismo na nagka-nulo upang colateral at pambayad sa milyong-milyon na pag-kakautang. How could he?

Nakaka-panggigil. Hinigit ko ang kaliwa niyang kamay at saka ko pinutol ang hinliliit nitong daliri. "AHHHHHH!"

"NASAAN?"

"Hin..di ko na a.lam nak..atakas sila...man..niwal..a ka.. N''

Good! at least wala sila sa kamay ng demonyo.

****



"Manong mali, doon tayo sa kabila liliko." 

"Ah pasensya na Ma'am Ganda, maingay kasi kaya hindi ko narinig agad ang inyong sinabi." Nag-u-turn si kuya manong bago kami bumalik sa tamang ruta.

Napahagikhik ako. Malapit na ako Nine, magkikita tayong muli.

****





Muli kong iniharap ang kanyang mukha sa akin. "Ngayon gusto ko ng malinaw na sagot."

"O..po N'' 

"Listen I'll be nice if you answer this. Sino ang pumo-protekta sayong grupo?" I need information about them, it will really help us to know who is this group that trying to mess with Felier Group.

Maling response. Umiling ba naman itong si Eron. Akala ba niya nagbibiro ako sa tanong ko sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na putulin ang palasinsingan niyang daliri sa kaliwang kamay. "SAGOT GAGO!"

I count 3 in my mind before I cut the middle finger. His shout and cries can be heard outside of this room. I know it because I'm fucking great.

****



"Bakit po tayo huminto manong?" Ang init-init naman! Sabik na akong makita muli si Nine.

"Naku Ma'am Ganda, tumirik po tayo. Hanggang dito ko na lang po kayo maihahatid." 

Tumingin ako sa paligid. Malapit na ito kay Nine. "Sige po dito na lang ako Manong bungi." Binuksan ko ang aking pitaka bago ako kumuha ng treinta pesos at iniabot kay manong.

Maglalakad na lamang ako. TAMA! Ang galing-galing ko talaga.

****





"Dalawang daliri na lang ang pwede mo isalba Eron. Sasagot ka na ba ng matino?"

"N'... p..papat..ayin...nila a...ko," saka ito muling umiling.

"Natatakot ka sa kanila? Puwes mas matakot ka ngayon dahil baka hindi ka na sikatan ng araw." Muli ay pinutol ko ang hintuturo nitong daliri.

Napatawa ako. Natatakot ito sa grupong iyon. Bakit? Hindi ba ito natatakot sa kaniya? Baka nakakalimutan nito kung sino siya.

Hinigit kong muli ang kanyang kamay. "Ako si N', nakikilala mo ako. Alam mo ba ang kaya kong gawin. Alam mo bang mas walang kaluluwa ako kaysa sa ibang masasamang tao. HA! " 

Itatarak ko na ang kunai sa hinlalaki ni Eron ng ...





"Boss pasensya hindi ko napigilan si Ma'am," hangos na sabi ni Tope.

Bigla kong nabitawan ang kunai at dahan-dahang lumingon sa likuran. 

NO! FUCK

Why? 

Bakit naandito siya? Damn it!

****

suddenly everything change.........why .....why

Bella :)































Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon