Too close yet too far

488 26 3
                                    

Bella: Super thanks sa mga abangerz super duper appreciated ko po mga sunod-sunod na positive na comments or critic niyo. Again I want all of you my lovely readers to see the next exciting, thrilling and craziness of my story hahaha. Peace. Vote kayo dyan ha, isang click lang, it wont do any harm ^,^ Sa lahat po na nakabasa ng Pain and Lies doon po ang pamilya ni Samuel, kulet o bubwit.

Too close yet too far

"Nine, lets go" mahinang boses mula kay Kabo na nasa may likuran ko. Gusto magpuyos ng damdamin ko sa kung bakit ako hindi sinagot ng maayos ni Aimee. Hell, I didn't mean to shout at her it just that I really want to see her. Tell me, what's wrong with that? What's wrong with her? Why she can't tell me? Kung gaano ako kabilis nagalak na makita ay ganun din kabilis nawala ang pag-asa ko ng tumanggi siya. Shit. Why?

"Nine mali-late ako sa next meeting ko. Who's that girl ba?" saka ko lamang naibalik sa reyalidad ang katinuan ko sa boses na narinig. I sighed exasperated before I turn around to face Kabo.

"Can I stay, Kabo"muli lumingon ako sa pintuang kinakitaan ko kay Aimee. I need to know where she is.

Lumapit sa pwesto ko si Kabo as if she checking what's in my mind. Umiling siya kaya awtomatikong kumunot ang noo ko. "Hindi pa oras Nine, may panahon para diyan" hinawakan niya ang kaliwang kamay ko saka niya ako hinigit papunta sa pinagparadahan ko ng barako motor. Just so fucking shit, I can't say no to whatever Kabo's word. No one in our family will defy her ever. The youngest in Felier generations. The main reason why we our still alive and kicking.

Two step before we reached the parking area I made I sudden halt. 'hindi pa oras Nine, may panahon para diyan' muli ay kumunot ang noo ko. Kabo words puzzle me, and then it hit me. So she's really here, I said at the back of my mind. Maihatid ko lang si Kabo sa lakad niya ay babyahe ako agad pabalik dito. Kaya ba ako ang napili niyang samahan siya sa Simbahan na ito sa kabila ng allergy ko sa holy places ay dahil gusto niyang magkaroon ako ng clue kung nasaan ang babaeng hinahanap ko?

****

May mainit na kamay na humahaplos sa mukha ko. Pamilyar ako sa kamay na dumadampi sa balat ko. Nagmulat ako ng mata at natagpuan ko ang medyo malungkot na mukha ni Aimee. "Nakita ko siya. Hinahanap ka niya" una'y naguguluhan ako sa sinasabi ni Aimee pero "Gaya ng ipinangako ko hindi ko sinabi kung nasaan ka" ng matapos niya ang idinugtong na salita ay napatungo ako. Bakit lumitaw sa balintataw ko ang nakangiting mukha ni Nine. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa kabila na ako naman ang may gusto at humiling sa kanya una pa lang. Dapat kong panindigan.

Tumunghay ako ng may ngiti kay Aimee. "Gutom na ako Aimee. Diba ngayon tayo susunduin ni Tatay Juan?" tumango si Aimee at pumaling ang tingin nito sa gilid kung saan nakakahon na ang ilang gamit ko. "Tapos ko na isilid ang mga kagamitan ko sa pagpipinta Aimee, kain na tayo"

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti siya pero parang hindi naghatid ng saya sa akin ang mukha niya. Mali ba ang ginawa ko?

****

"SHIT"naisadsad ko ang motor naminamaneho sa gutter dahil sa pag-iwas. "Just fucking shit. Kabo you alright?" binuksan ko agad ang helmet niya, at lumitaw ang nakangiti niyang mukha. Binaliwala ko iyon saka ko sinuri ang mukha ng bunso kong kapatid. Nang masigurado kong walang galus si Kabo ay ibinalik ko ang tingin sa fortuner na biglang kinain ang lane ng dinadaanan namin. Binuhat ko si Kabo pababa sa motor. Haharap na sana ako para sugurin ang bullshit na driver ng fortuner ng hawakan ni Kabo ang laylayan ng suit ko. Umiling siya at nakaguhit pa rin ang ngiti sa labi niya. Ako ba'y pinagloloko ni Kabo? Muntikan na kaming mapahamak dahil sa gagong driver na iyon, of course I won't let him leave without any broken bones.

Nakarinig ako ng tunog at pagbukas ng pintuan. Lumingon ako at ganoon na lang ang inis ko ng makita ang pagmumukha ng taong lumabas sa pintuan ng sasakyan. What the heck? Fier? Zombie? Vampire? How could he? I want to strangle his neck, muntikan ng mapahamak ang bunso kong kapatid dahil sa kapabayaan ng pagmamaneho ng isa ko pang kapatid. He doesn't look like human. He's skin is white like raddish.

Mabibigat ang bawat hakbang na ginawa ko palapit sa kinatatayuan niya ng mapahinto ako nang may maliit na bulto ang lumabas din sa pintuan ng sasakyan. May maliit na kamay ang humawak sa laylayan ng white long sleeve ni Zombie. Napabilis ang paghakbang ko saka ko hinigit si bubwit palayo kay Bampira. "Bakit kasama mo Samuel ha?" Darn nag-antay ako na sasagot siya pero passive lang ang mukha niya.

"May I know your name little boy?" nakayukong Kabo na nakalapit na pala sa bubwit.

"I'm Samuel"

"Then what is your surname?" Mas lumapit si Kabo kay bubwit at hinaplos pa nito ang pisngi ng bata.

"Cortez po" ako ngayon ang napataas ang kilay sa pinagsasabi ng batang katabi ko. He's a Cortez? One of the powerful families in Sta. Catarina. Ang Sta. Catarina ay isang malawak na bayan. Industrial at may makabong teknolohiya. Hindi nahuhuli sa isa sa mga mauunlad na bayan sa bansang Pilipinas. Cortez and Contreras are the names of the most influencial citizens in Sta. Catarina, while Felier is the most influencial organization in the whole regions of the Philippines. Govern by one family named Felier Group. The head of the Group is none other than Kabo. At her young age she lead the organization for the vision of obtaining balance between illegal and legal transaction and businesses around the territory of Philippines.

Umayos sa pagkakatayo si Kabo at humarap siya sa akin. "Nine ihatid mo ngayon si Samuel sa tarangkahan ng hacienda ng mga Cortez"

"Pero ihahati—"

"Fier will be with me, send the kid to his family. Siguradong nag-aalala na sila sa bata" nakuyom ang kamao ko. Sa pinaka-dulo ng bayan ng Sta. Catarina matatagpuan ang hacienda ng pamilya Cortez. Aabutin ako ng tatlong oras sa byahe papunta pa lang doon kahit naka-motor ako. Halos anim na oras bago ako makakabalik. Kailangan ko pang makabalik agad sa simbahan. Ano ba Kabo? Gusto ko siyang makita. Bakit pakiramdam ko hinaharangan niya akong magawa ko iyon. "Sige ihahatid ko siya Kabo pupun—"

"No you need to send him now and not later, Nine" her voice is so firm. She is commanding me. I sighed. Still I can't disobey her. Just fucking shit.

"Masakit Kuya Nine" napahigpit na pala ang hawak ko sa kamay niya. Ayokong mag-burst ng inis ko dahil wala akong karapatan lalo na't nasa harapan ko si Kabo.

Tumingin ako kay bubwit.

Binuhat ko na siya at dinala sa may motor ko. "Huwag kang malikot at maingay bubwit kundi ihahagis kita sa ilog pasig" angil ko sa kanya. I know I shouldn't blame this kid but arrrg. Bago ko pinaandar ang sasakyan ko tumingin ako kay Kabo na nakangiti sa akin. Asar. "Ihahatid ko na siya ngayon. Paalam Kabo"

****

"Mga iha iyan lang ba ang gamit nyo? Isang kahon lang?"

"Oho Tatay Juan, nasunugan ho kami kaya napadpad kami dito sa pangangalaga ni Sister Edna" sagot ni Aimee.

Kasalukuyan kaming sinundo personal ni Tatay Juan dito sa simbahan. Papatuluyin niya kami sa isang bakateng bahay at kapag nakapagbenta na ako ng madaming obra ay saka kami magbabayad kay Tatay sa pagpapatuloy sa amin. Binuksan ni Aimee yung pang pintuan ng sasakyan.

Tuwang tuwa ako sa loob ng sasakyan ni Tatay Juan. "Aimee ang ganda dito ngayon lang ako nakasakay sa ganito. Ay bakit bigla pong lumamig?"

"Sorry Alliyah napalakas pala ang aircon" paumanhin ng matanda.

"Ayos lang po pala Tatay Juan"

"Ready mga iha?"

Nagtinginan kami ni Aimee bago kami parehong ngumiti kay Tatay Juan. "opo"

****

Gustong gusto kong mag-u-turn. May nagtutulak sa aking bumalik. Hindi ko maintindihan. Kanina pa kami nakalayo sa pinag-iwanan ko kay Kabo. Tahimik lang ang batang nasa unahan ko. "Bakit mo kasama ang bampirang iyon ha?" patuloy pa rin naming binabagtas ang daan patungo sa hacienda ng herederong batang ito. Bullshit paanong naging heredero ang bubwit na ito?

"No comment Kuya Nine, just drive me back home" napangisi ako. Iba yata ang ihip ng hangin at tahimik ang bubwit na ito at may nalalaman pang no comment. Bahala siya, mas tahimik mas maganda.

"Hold your breath bubwit were going to fly" Ipinalo ko sa 150 ang takbo ng motor. I need to drive fast.


Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon