Tell me Please, I'm sorry Nine

521 30 13
                                    

Bella: Eto na ba ang part na magkikita na sila? Wahhhhh^,^ Mag-vote. Mag-comment.

Tell me Please, I'm sorry Nine

"Ang sarap" Kumakain ako ng pansit hab-hab at turon tapos juice. "Hmmmm.. yum" sumubo ulit ako. "Ang tagal naman nilang mag-usap" tanaw ko si Aimee at si Tatay Juan na nag-uusap. Sabi Tatay daw itawag ko sa kanya. Nakita ko pang may dumating na isang lalaki at may ibinigay kay Tatay Juan na sobre, tapos iniabot kay Aimee. Binuksan ni Aimee iyong sobre tapos bigla niyang ibinalik iyong sobre kay Tatay Juan pero ibinalik ulit kay Aimee. "Bakit sila naghihigitan sa sobre. Kung ayaw nila nun akin na lang kulay puti kasi eh" napahagikhik ako.

"Alliya tara usong tayo sa pagdadala ng mga paintings mo. Binayaran na ako ni Mr. Santillan. Hindi biro ang laki ng amount"

"Talaga" tumayo ako tapos nagtatakbo ako palapit kay Tatay Juan. Niyakap ko siya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Salamat po sa binigay niyong pera kay Aimee. May pambili na po kami ng pagkain sa buong taon" lalong lumakas ang tawa niya.

"That's nothing iha. Kung papayag ka na ma-display ang mga paintings mo paniguradong hindi lang pang-isang taon ang pambili mo ng pagkain"

"Talaga po. Madaming madami kaming mabibiling pagkain? Pati po ba bahay magkakaroon kami?"

"Alliyah brix, naku Mr. Santillan pasensya na sa kapatid ko. Medyo isip bata po kasi" hinigit ako ni Aimee at nakataas ang isa niyang kilay.

"Aimee walang problema. Nakakatuwa nga yang si Alliya. She's sweet. May anak akong babae pero malayong malayo ang ugali sa edad. She's 8 but she thinks and act like adult"ngumiti si Tatay Juan na parang may naaalala. "And iha address me as Tatay Juan masyadong pormal ang Mr. Santillan"

"Sige po. Tatay Juan pag-iisipan ko po ang alok ninyo sa art gallery tsaka dapat handa si Alliya sa maramihang pagpipinta" sagot ni Aimee.

"Well that's good to hear. You have my calling card. I hope you will say yes to my offer"

****

"N?"

"Boss anong nangya—" itinaas ko agad ang aking kamay para patigilin sila sa pagtatanong. Dumiretso ako sa aking trono. Medyo hindi malinaw ang paningin ko sa kaliwa. Ayos lang malayo sa bituka. Napakunot ang noo ko ng umilaw muli ng aking cellphone. Shon bombard me with so many text and calls. Sa huli ay sinagot ko rin.

"BAKIT KA UMALIS" nailayo ko sa aking tenga ang aparato sa lakas ng boses ni Shon. "HINDI KA PA MAGALING KUYA SAAN KA NANAMAN BA NAGSUSU-SUOT?"

"Shit Shon tone down your voice"

"K, fine just go home"

"Ayoko" nakarinig ako ng pagpadyak. "Ideliver mo na lang iyang si Samuel sa mga kuya niya. Dapat wala na kayo sa pad ko pag-uwi k—damn" binagsakan ako.

Napabuga ako ng hangin ng mapansin ko ang ilang papeles sa desk. Sumenyas ako sa mga PSG. Mabilis silang nagsipulasan palabas. Ilang minute lang at madami nang mga yabag.

May isang lalaking nagpupumiglas kay Tope. Nanikluhod siya sa harapan ko. napataas ang kilay ko sa hilatsa ng pagmumukha niya. "N, magbabayad ako nagkaroon lang talaga ako ng problema kaya hindi agad ako nakabayad"

Sumenyas ako kay Tope. Hinigit niya patayo ang lalaking iyon. "N, parang awa mo na nagkasakit ang panganay ko kaya nagamit ko ang itinabi kong pambayad" sumenyas ulit ako kay Tope.

Binuklat ko ang record ng lalaking ito. "Arturo Escaraz, 35 anyos. Hiwalay sa asawa. May isang anak" tumingin ako sa nagmamakaawa niyang mukha. Muli ay binalikan ko ng tingin ang record niya. Inilipat ko sa kasunod na pahina. Tumingin ulit ako sa kanya bago ako ngumisi. Sumenyas ako na lumapit siya sa trono ko. Pagkalapit na pagkalapit niya sa kinauupuan ko ay nilamukos ko ang record niya. Binilog ko ang tatlong pahina ng papel sa aking palad saka ko inihagis sa pagmumukha niya.

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon