You're with me AGAIN

472 26 2
                                    

Bella: guys thanks sa patuloy na suporta...sensya sa delay ng ud.... enjoy reading ^.^

You're with me AGAIN

Nagmukhang estatwa ang dalwang pigura sa aking paningin. Isang lalaking naka-school uniform ang nakahawak ang mga kamay sa braso ng babaeng may hanggang batok lamang ang haba ng buhok. Hindi gaya ng dati na sanay akong nakikita siyang naka-puting bestida lamang habang sumasabay sa bawat paggalaw ng kanyang katawan ang mahaba niyang buhok. Hindi naman siguro ako nagkamali sa narinig.

Boses niya iyon.

Kahit hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya sa kinatatayuan ko ay ramdam kong siya ang babaeng matagal kinasasabikan ko. "Alliya" hindi ko nagawang humakbang palapit sa kanilang dalwa. Umaasa akong lilingon siya sa gawi ko.

Please nandito na ako, tingnan mo ako Alliya-sumisigaw ang isang bahagi ng isipan ko na mas tamang manatili ako sa pwesto ko at hayaan siyang mapansin ako. Mabilis na pumaling ang tingin sa akin ng binatilyong naka-uniform. Si Khitan na may mukha ng pagkagulat.

Bumagsak ang mga kamay niyang nakadampi sa braso ni Alliya at saka dahan-dahang nag-laan ng distansya sa pagitan nilang dalwa. Dapat lang, ako lang ang may karapatan sa kanya, sang-ayon ng makasarili kong pagkatao.

"Maari mo na kaming iwan Khitan" nanatiling kay Alliya lamang ang aking tingin kahit nag-bibigay na ako ng babala kay Khitan. Fuck bakit ayaw mong tumingin sa akin? Bagkus lalo mo pang itinalikod ang sarili mo sa akin. Bakit nakakaramdam ako ng pagkabigo sa simpleng bagay na ikinikilos niya.

Tumango si Khitan bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko. Magiging kalmado na sana ang lahat kung hindi lang kumilos ang kamay ni Alliya para hawakan si Khitan sa suot nito at maging tanda ng pagpigil sa gagawin nitong pag-alis sa opisina.

Halos sumabog ang natitira kong pasensya sa ginawa niya. Bakit kailangan pa niyang hawakan ang lalaking iyon? Bakit hindi siya tumakbo palapit sa akin gaya ng dati? Naitikom ko ang aking palad. Nangangati na itong makabasag ng mukha. At kung mamalasin si Khitan ay hindi na siya sisikatan ng araw kapag hindi pa rin lumabas sa silid na ito. "Khitan mag-uusap kami ni Alliya, at hindi namin kailangan ng audience" bawat salita ay pinaghalong inis, inip, galit, at nasasagad na pagtitimpi sa sistema ko.

Kung hindi pa rin siya lalayo sa kanya ay palalayuin ko siya sa pamamagitan ng bagong bago kong baril. Sa isipan ko ay milyong plano na kung paano ko patutumbahin ang lalaking ito. Walang dapat kumakanti sa pag-aari ko. Sabihing ng madamot, walang akong pakialam dahil talagang madamot ako.

Muli ay pinagmasdan ako ni Khitan, wari'y sinusuri at tinitimbang ang magiging desisyon niya. Huwag kang magkakamali sa desisyon mo lalaki. Sa huli ay nagbitaw siya ng apology look kay Alliya.

Mabilis nagbunyi ang katawang lupa ko ng marinig ko ang pagkalampag ng pinto, hudyat na nakalabas na ng silid ang asungot. Humugot ako ng malalim ng paghinga at saka ko tinawag muli ang pangalan niya. Dalwang beses kong inulit, pero bigo akong makakuha ng tugon mula sa kanya.

Ayaw ba niyang nandito ako? Sobrang laki ba ng kasalanan ko sa kanya. Takte hindi ako marunong manuyo ng babae. Sa lahat naman ito ang pinakamahirap. I used to have girls under my charms, and I know that I'm taking them for granted. Walang kasiguraduhan ang bawat hakbang ko palapit sa kinaroroonan niya. Shit I wanna see her face because I fucking miss her.

Nanatiling nakatalikod siya sa gawi ko. Sa huling pagitan ng distansya ko sa kanya ay hindi ko na kinaya ang matagal niyang pananahimik. Kinabig ko siya hanggang mayakap ko ang bewang niya. God I miss her, her scent, her body, HER. Ramdam ko ang ang pag-stiff ng katawan niya mula sa pagkakagulat sa ginawa ko. Ngayon ay nakakulong na siya sa bisig ko. "You're with me again, Alliya"sa linyang binitawan ko ay narinig ko ang mahinang paghikbi ng babaeng mahal ko.


Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon