Naughty Girl

510 23 5
                                    

Naughty Girl

Bella:Hey hey vote kayo dyan mga pipz, duper super sorry sa super delay, nag-training lang ako this past months.

Alliya Brix POV

Kanina pa akong pabiling-biling sa aking higaan pero hindi pa rin ako makatulog. Gusto ko nang ipahinga ang isipan ko dahil baka maging bobo ako. Sabi ni Aimee kapag napapagod ang utak sa pag-iisip pwedeng mabobo, eh ayaw ko pa man ding mabobo, kaya dapat makatulog na ako.

Sa huli napaupo ako at sumandal sa headboard ng higaan. Bakit kaya hindi ako gustong kaibigan ni Nine? Tsaka siya nga iyong laging nakasiksik at nakakapit sa akin kahit ang init-init na, ewan ko ba sakanya. Samantalang si Khitan hindi naman ganoon sa akin kahit si Aimee. Tapos lagi pa niyang kinakagat iyong labi ko sabi niya matamis daw kasi, tapos bigla siyang tatawa.

Naiiyak na naman tuloy ako, bakit kasi....bakit kasi sniff....sniff....

"Bunso nakaluto na ako labas ka na diyan, hindi ka pwedeng magutom. Sige ka magagalit iyang nasa loob ng tiyan mo" Nakatingin lang ako sa itaas, partikular sa ilaw. Narinig ko naman si Aimee pero kasi tinatamad ako, pero nagagalit na nga ang laman ng tiyan ko. Huling singhot bago ako bumaba ng higaan.

At dahil hindi ko mahanap ang tsinelas, nag-paa na lamang akong naglakad palabas ng aking silid. Gusto ko sana na magkaroon ulit ako ng lungga gaya ng dati iyong kumpleto lahat na hindi ko na kakailanganing lumabas.

Nasa gitnang parte na ako ng hagdanan may natanaw akong ulo sa may sofa namin. Sino kaya iyon? Hala baka may multo, naku pugot ba na ulo iyon? Paktay!!

Eeehhhh....... Aimee asan ka? "Aimee" sa pinakamahinang bulong na magagawa ko.

Hindi sabi ni Aimee dapat laging matapang. Napatango-tango ako at dahan dahan akong humakbang pababa. Lalapitan ko iyon, pagkatapos itatapon ko sa labas ng bahay dahil baka takutin din niyon si Aimee.

Malapit na ako ulo, lagot ka sa akin at itatapon kita. Dadakmain ko n asana iyong buhok niyong ulo pero biglang gumalaw kaya napahinto ako agad. "Hmmm....baby...hmmm" ngayon lang napagtantong hindi pala pugot na ulo ang nasa sofa kundi ang kaaway ko lang pala.

Bakit niya niyayakap iyong paborito kung unan. Nandito lang pala ito, kaya siguro hindi rin ako makatulog kanina kasi hindi ko katabi ang unan na niregalo sa akin ni Tatay Juan. Bakit siya naandito?

"Kanina pa iyan diyan, bunso. Gisingin mo na iyan at nakahain na ako sa kusina" muntikan na akong magulat kay Aimee bigla na lamang nagsalita sa aking likuran. "Hmmm...baby..ba..hmm" ungol ni Nine.

Nakalayo na si Aimee, habang ako naman ay hindi maintindihan kung paano ko gigisingin ang nakahigang ito. May sarili naman itong bahay pero dito pa pumunta para lang matulog. Hindi kaya nasunugan din si Nine kaya siya nakikihiga sa sofa naming. Naku dapat hindi ako maawa, kaaway ko kaya siya. Tumalikod na ako at naglakad pa-kusina. Gigising naman siguro iyan kapag nagutom.

Nakakainis sabi ni Aimee hindi daw ako pwedeng sumubo kahit kaunti kapag hindi ko ginising si Nine. Kaya heto naglalakad ako pabalik kung saan siya nakahiga. Bago ko pa siya mahawakan ay nahagip ng mata ko ang mini bag ni Aimee sa kabilang sofa. Napakagat ako ng labi.

Hi..hi..hi...hi... Papalit-palit ang tingin ko sa tulog na Nine at sa bag ni Aimee. Dati ko nang nabuksan ang bag ni Aimee na madaming mga makukulay na pangkulay sa mukha. Sabi ni Aimee hindi daw ako pwedeng gumamit niyon. Eh kung kay Nine ko kaya isubok.


Tama! muntikan ako mapalakpak ng malakas, mabuti na lang napigilan ko agad baka biglang magising pa si Nine.

****

Sana hindi ako nananaginip. Ilang kurap ang ginawa ko. Shit, tell me that she is really smiling again for me. Did she wake me up? "Baby" before I can hold her hand, damn she run away again. Napatayo ako agad.

"Nine sa kitchen" sigaw ni Aimee. Mabuti na lang it means siya talaga ang nakita ko kanina. Damn naka-paa na naman siya, magkakasakit siya sa ginagawa niya. Hindi pa rin siya nagbabago.


Nagtungo na ako sa kitchen, and there she is. Sitting in the chair and very engross with the foods. Ngumiti ako kaya Aimee, pero naibuga lang niya ang juice na kanyang iniinom and the worse sa suit ko pa talaga. Damn it.

"Naku sorry Nine, kasi... ano ba iyang mukha mo" sabay tingin ni Aimee kay Alliya na ngayon ay nakatungo habang gumagalaw ang parehong balikat. Shit umiiyak na naman ba ang baby ko.

Hindi ko na inabala ang nabasa kong suit at mabili akong lumuhod sa kinauupuan niya para lang makitang naluluha na siya sa pagpipigil ng tawa. "Hey, why are holding your laugh baka mahirapan kang huminga niyan, look at me baby" Umiling siya ng ilang ulit kaya I hold her chin to look at me but she close her eyes. What's wrong with her?

"Nine, pinagdiskitahan ka niyan kaya ayaw ka niyang tingnan" Napalingon ako kay Aimee.

"What do you mean?" Shit bakit nagpipigil din ito ng tawa.

"Wash your face Nine, you really look like a Barbie" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Naghanap ako ng salamin sa kitchen para agad matingnan ang itsura ko , Fuck yeah I look like a freaky crazy gay. Alliya.... Sinunod ko ang payo sa akin ni Aimee. Naghilamos agad ako.

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Aliiya the naughty girl.

****

Ang daya ni Aimee, sinabi agad niya kay Nine na ako ang may kagagawan niyon. Kailangan kung bilisang kumain baka makabalik agad si kaaway tapos gantihan pa ako. Hindi ko na nga nginunguya iyong pagkain, lunok lang ako ng lunok.

Tatayo na sana ako pero sabi ni Aimee dahil naging bad daw ako , kaya ako daw ang maghuhugas ng pinggan. Hindi tuloy ako makaalis sa hapag kainan, sumandok na lang ulit ako ng pagkain.

Nakabalik na si Nine at umupo siya kalapit ng bangko ko. Diba ayaw niya sa akin bakit nalapit na naman siya. "Madaming bakanteng upuan, manong kaya doon kayo maupo" cool kung sabi, ginagaya ko lang si Khitan para daw cool.

"Aliiya" saway sa akin ni Aimee. Eeehh bakit ba niya kinakampihan si kaaway.

****

Napakaganda ng pangalan ko tapos tatawagin niya lang akong Manong. "I want to sit here, baby"

"Malaki na ako at hindi na baby, marunong na kaya akong maglakad" asik niya sa akin, hmm slow Alliya.

"Nine, ikaw na bahala diyan pagtulungan niyong dalawa iyong hugasin" Napangiti ako sa sinabi ni Aimee, kampi iyan sa akin.

"Sure"tugon ko. "Aimee, ayoko"tutol ni Alliya.

I hold her left hand. "You're not going anywhere far from my sight, again" saka ako nagsimulang sumubo ng pagkain.


_BellaSuh_

Haha sutil na bata......

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon