Bella:)
I know madaming na naghahanap kay Suh. Medyo lutang lolo niyo kaya MIA siya for the mean time, pero don't worry babalik siya. Eto munang story ni Nine ang ma-uupdate sa ngayon para matapos na rin ang Book 2. Dahil may kailangang abangan sa susunod .... hihi secret muna.
'''''
Lumingon akong muli at malayo na ang tricycle ni Manong Bungi sa aking kinatatayuan. Napangiti akong muli natatanaw ko na ang building ni Nine.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil napapaso na ako ng matinding sikat ng araw. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga nakakatakot na lalaki sa labas ng building ni Nine.
Bad sila! Bakit sila nag-sisigarilyo, masama iyon sa kalusugan sabi ni Aimee.
Pumasok iyong dalawa na pangit sa building at naiwan iyong apat sa labas na patuloy sa pag-sisigarilyo.
Paano ito? Kailangang makapasok ako sa building ni Nine ng walang nakakaalam dahil nga surprise ito.
SURPRISE YEY!
Pagkakataon! yey! Naglakad palayo ng entrance ng building iyong apat. Mabilis akong nagtatakbo papasok.
Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. YEY! SAFE!
Tumakbong muli ako sa elevator. Pinindot ko ang close button and penthouse. Kunti na lang at sasara na ang metal door.... "MA'AM!"
Paktay~! nakita ako ng isa sa mga pangit. Inilang ulit ko ang pagpipindot sa close button. Malayo pa sila hindi nila ako mapipigilan. BLEH!
Nang tuluyan ng umandar ang elevator paakyat ay nagtatalon ako sa tuwa. Ang galing-galing ko talaga, hindi nila ako nahuli.
Nang tumunog ang hudyat ng pagbubukas ng elevator ay mabilis akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan.
Napahinto ako sa paghakbang ng makarinig ako ng sigaw. Napakurap ako bago ko naalalang nanggagaling ang ingay sa lugar kung saan naroon si Nine. Mabilis akong tumakbo.
****
"Patay tayo kay Bossing N', nakatakas sa atin si Ma'am Ganda." Hinahapo nitong sabi kay Indo habang nagmamadaling tumakbo sa emergency stairs. Kasunod nito ang ilan pang kasamahan na alagad ni Nine.
****
I wish that I'm only watching a sci fi movie. But this is reality, I'm looking directly to the scene in front of me. I don't know how to react right now.
Ramdam ko ang nabubuong lamig sa aking tiyan at paakyat ito ng paakyat sa aking puso. Hindi ko magawang huminga. Nahihirapan akong huminga kasabay na nararamdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata.
There's blood! A lot of blood and ... and he is holding a sharp metal which stained by blood.
Nangangaligkig ang aking labi. Gusto kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa aking labi.
May tao sa aking likuran, ramdam ko ang pagdampi ng kamay nito sa kaliwa kong balikat. May sinasabi ito pero hindi ko marinig. Na-blangko ang isipan ko.
Nagising ang diwa ko ng may tumunog, bumagsak sa lamesa ang metal na hawak ni Nine. At kita sa mukha niya ang takot sa mga mata.
Napatingin ako sa kanyang mga kamay na may bahid din ng dugo. Tiningnan ko rin ang lalaking umiiyak at nagmamaka-awa. Wasak ang mukha nito.
Inaamin ko, hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. Si Nine?
Tumingin ako sa kamay nito at halos masuka ako. Wala na itong daliri sa kaliwang kamay. Napatakip ako ng aking bibig.
Naliliyo ako, biglang umikot ang paligid. At nang mapabalik ang tingin ko sa lamesa kung nasaan ang metal ay naroon din ang limang....limang... daliri.
Alam kong papanawan na ako ng ulirat sa mga nakita ko. Ngunit bumalik ang diwa ko ng biglang may pamilyar na kamay ang dumampi sa aking balikat.
Nakaramdam ako ng matinding takot....takot mula sa taong ito, mula sa kanya.
Hindi ko ito kaya. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na sa kanya.
"Baby ... baby, please just...just liste..n to me," hindi ko maintindihan, nabibingi ako.
Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay ang umalis sa lugar na ito.
Dahan-dahan ko siyang tinutulak. Pero ayaw niya akong bitawan.Ayoko sa kanya! Bitaw! sigaw ng aking isipan.
Hindi pa rin bumabalik ang aking boses. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng umuwi kay Aimee, ayoko na dito.
"Relax baby. Look at me baby.. Please say something"
Pinilit kong makapag-salita. Bad siya!
Lumunok ako ng ilang ulit. At nag-bwelo ako para maitulak ko siya.
Nagtagumpay ako. Gulat ang kanyang mukha sa aking ginawa. Hindi ko lang pala siya naitulak ng basta-basta. Nasampal ko siya...ng malakas.
Tinapangan ko ang aking loob. Uuwi na ako. "BAD KA! AYOKO NA SAYO."
Hindi ko na nakita ang kanyang reaksyon. Tumalikod na ako at nabangga ko pa iyong pangit na lalaking humabol sa akin kanina.
Natumba ako sa sahig. Ang sakit, hindi ko na napigilan at naiyak na talaga ako. Itinuon ko ang aking dalawang kamay patayo. Inalalayan ako ng lalaki na pangit pero tinanggihan ko lamang iyon.
"Baby.."
Naramdam ko ang kamay niya sa aking balikat. Ayoko lalo sa kanya. "BITAW! AYOKO SAYO! AYOKO SAYO!"
"BITAW SABI!"
Nawala ang mga kamay niya kaya iyon na ang hudyat na tuluyan na akong tumayo. Kinagat ko ang aking labi ko para pigilan ang aking paghikbi.
Galit ako sa kanya. Ayoko na sa kanya, bakit siya BAD?
Naglakad ako pa-elevator. Nanatiling nakatayo lang siya habang nakatingin ang mata nito sa pader. Hanggang mag-sara ang elevator ay inantay kong tumingin siya sa aking gawi pero bigo akong makita ang mga mata niya sa huling pagkakataon.
****
Now I'm totally fucked up everything.
Nang marinig ko ang tunog ng pagsasara ng elevator ay saka ko lang nagawang tumingin sa gawing iyon.
Will I be able to see you again ?
Will you still let me be close to you again?
Will I be able to hold you again?
****
HuHu
Bella:)
BINABASA MO ANG
Where is SHE (Nine Felier) Book 2
RomanceHe already knows who she is but now the main problem is that the girl of his life is missing. Only left is the ashes where all of his memory of her begin. Will he be able to find her or totally loose her again for the second time around? Another jou...