Their Journey

483 23 3
                                    

Their Journey

Hinahagod ni Aimee ang likod ko. Kanina pa akong nagsusuka. Ang baho talaga ng amoy ng gasolina nakakasulasok ng utak. "Ano ayos ka na? Mukhang napagod na sila sa paghahanap sa atin" tumayo si Aimee "saglit bunso dito ka lang tingnan ko kung wala na sila sa paligid" napatango ako ng wala sa oras dahil ang nangingibabaw sa akin ang pakiramdam ng bumabaliktad kong sikmura.

Bumalik agad si Aimee. "Wala na sila, tara. Naku ang dumi na ng damit mo, dahil sa pag-upo sa sahig" sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Aimee. May kapit na grasa at putik ang puti kong bestida. Ngumiti ako ng malaki kay Aimee.

Hinigit na niya ako palabas ng gate. "Ang galing wala na nga sila" napatalon ako ng ilang ulit. "Ang galing nating magtago Aimee" ginulo ni Aimee ang buhok ko bago kami nagpatuloy sa paglakad. Naging maingat an gaming paglalakad. Sabi ni Aimee hindi ako pwedeng mag-ingay dahil baka makatunog daw sila at mahanap kami.

Para kaming mga espiya, iyong mga napanuod ko sa black and white T.V. ni Aimee. Sumasandal muna kami sa dingdng tapos sisilip silip kami. Ginagaya ko lang ang ginagawa ni Aimee. Minsan napapahagikhik ako kasi kakaiba ang itsura ni Aimee pero binabalaan agad niya ako na huwag maingay. Kapag siguradong walang tao sa paligid ay saka kami hahakbang pauna para ituloy ang paglakad.

****

"Where are you going Kuya Nine?" nilampasan ko lang si bubwit. Nandito pa rin siya sa pad ko.

"Your early bubwit" sabi ko habang inaayos ang kurbata sa harap ng salamin.

Lumakad siya papunta sa gilid ko. "Tita Shon is still sleeping and warn you I'm hungry" Napataas ang kilay ko sa pinagsasasabi ng bullingit na ito. Ginawa talaga akong chef.

"I don't have time for you Samuel. Go to your Tita Shon, you can punch or kick her ass para magising" tinapunan ko siya ng nakangisi kong mukha. Ginulo ko ang buhok niya. "She will do the honor to prepare your breakfast" bigla siyang ngumuso bago ako sinuntok sa tuhod at nagtatakbo palabas ng kwarto ko. Lokong bata.

Hindi ko na ulit nakita ang mukha ni Samuel paglabas ko ng silid kaya nagdiretso na ako sa aking Ford Ranger wheel. I don't have time for breakfast. May susugurin lang ako ngayon.

Still popular. Nakasandal ako sa aking sasakyan habang inihahagis ko pataas ng ilang ulit ang aking susi. Inilibot ko ang aking mga mata. Sa ganitong kaagang oras ay halos punuan na. Nakatingin ako sa labas ng N.F. Ang restaurant na pagmamay-ari ko. Lumabas sa may gilid na pintuan si Casa. May mga bitbit na ilang garbage bag. Napabuga ako ng hangin bago ko tinungo ang kinaroroonan niya.

May ilang balita akong nakalap na pinagkakatuwaan ni Jack ang babaeng ito. Siya iyong naging dahilan kaya hindi matuloy nina Jack at Jin ang pag-ambush sa akin sa Mens room. Nangyari iyon bago ako mapadpad sa Sitio Felipe. "Hi" panimula ko. Napaiktad siya sa boses ko.

Namilog ang mga mata niya parang nakakita ng sobrang gwapong lalaki. "Kuya Nine, nakabalik ka na" nabitawan niya ang mga garbage bag at saka ako niyakap ng mabilis. Ewan magaan ang loob ko sa kanya palibhasa ay mukhang inosente din kagaya niya—ang babaeng hinahanap ko.

"Umiwas ka kay Jack hindi magiging maganda ang impluwensya niya sayo Casa" babala ko sa kanya habang nagkakape kami sa loob ng N.F.

Tumungo siya. "Alam ko naman Kuya Nine pero mabait naman siya kahit papano" napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Umiling ako ng ilang ulit.

"Babawiin mo ang sinabi mo kapag nakilala mo ang tuso na iyon" inilapag ko ang tasa sa mesita. "Basta binalaan na kita Casa huwag kang tatakbo sa akin na iiyak iyak kapag ginago ka ng kapatid ko. Just so you know wala iyong puso" tumayo na ako at saka dumukot ng dollars sa wallet ko. Inilapag ko sa tapat ng tasa ni Casa. Napatingala siya sa akin. "Your allowance for the week. Ibili mo ng mga projects mo sa school" Narinig ko ang pagtutol ni Casa na tanggapin iyon pero hindi lingid sa akin ang problema niya sa pera. Mabait pa nga ako't wala akong hininging kapalit sa bigay ko. Matagal nang walang libre sa mundo.

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon