Still the Goddess in my eyes

558 24 15
                                    

Still the Goddess in my eyes

"Ang ganda doon, pati dito... ay pati roon" napapangiti ako kanina pa sa inaakto ni Alliya. Parang niregaluhan ng madaming makikislap na bagay ang paligid niya. Heto ako't nakatanghod sa isang sulok ng Ferris wheel at pinagmamasdan lang ang masaya niyang mukha. Nagbago na ang uri ng pananamit niya, maikli na ang dating mahaba niyang buhok. Pansin ko na naiintindihan na niya ang wikang Englis, hindi na rin siya natatakot sa mga tao. "Nine, parang mga langgam ang mga tao sa ibaba, ang galing" tumingin siya sa gawi ko "bakit ka nakangiti? Pinagtatawanan mo ba ako?"Umiling ako sa kanya. Gusto kong bumunghalit ng tawa sa ginawa niyang pag-nguso na madalas ko lang makita sa mukha ni baby Shon pag nagtatampo.

Ikinumpas ko ang aking kaliwang kamay, pahiwatig na lumapit siya sa kinaroroonan ko. Mabagal siyang humakbang palapit habang naka-pout pa rin ang labi. "Come closer baby" muli ay humakbang siya.

Nang halos abot kamay ko na siya ay mabilis ko siyang hinapit sa bewang hanggang mapaupo siya sa aking kandungan. "You look like a duck baby" at mas lalo pa niyang ibinusangot ang maamo niyang mukha. Iniiwas niya ang mukhang iharap sa akin. "Hey, hindi kita tinatawanan. I'm just in awe looking at a beautiful lady. You changed and somehow it feels different" bigla siyang tumigil sa paglilikot sa kangyang pagkaka-kalong. Tumungo ang kanina niyang nakatunghay na mukha. Naramdaman kong tinatanggal niya ang pagkakayap ko sa bewang niya.

"I change? Then let me go...Nine—

"No, baby..Alliya look at me, face me baby." Mas hinigpitan ko ang pagkakahapit sa kanya. Hindi siya pwedeng makawala ulit sa akin, hindi ko na kayang mabaliw ulit. Ipinaling ko ang nakatungo niyang mukha, at gusto murahin ng ilang ulit ang sarili ko dahil umiiyak na naman ang babaeng ito.. ngunit ang pinag-iba lang ay mas matapang ang mukha niya ngayon hindi gaya ng dati. Natuto na rin siyang magalit na noon ay hindi niya alam. "Yes you changed physically I think, your hair now is short" hinawakan ko ang maikli niyang buhok "you dress different color when I love you wearing white, just white baby" kita ko sa pheriperal vision na halos gusto niyang punitin ang sout niyang kulay asul na bestida, masyadong makabago at masyadong revealing. I just love her wearing white, still she's my goddess no matter what she wear.

"Sabi kasi ni Khitan ganito daw iyong mga naaayong kasuotan dito, gusto ko nga ng puti kaso ayaw niya—

" Is he the one who bought this?" sa marahan niyang tugon ay napatikom ang aking kanang kamao. I wanna rip her dress into pieces. "Throw everything he bought for you, we'll go shopping after this, you need new wardrobe, more conservative than this" sana narinig niya ang huli kong sinabi "Don't go to a place where I don't have the chance to see you" ng biglang sumigaw ang bantay ng ferris wheel- tapos na ang round namin sa loob nitong rides. Kahit parang ilang linggo lang ang lumipas na hindi ko siya nakasama ay parang taon agad ang naging pagitan ng pangungulila ko sa kanya. I hate this this is just so gay.  Madami pa akong mga bagay na gustong sabihin at gustong malaman kung ano ang nangyari sa kanilang mag-kapatid.

Paanong naandito sila sa lugar na ito? Paano nila nakilala si Juan Santillan na isa sa mga iginagalang na konseho liban kay Kabo? Bakit nasunog ang bahay nila sa Sitio Felipe? at paanong halos bantay sarado sa kanya si Khitan? Nine..... time will come and every question will be answered.



Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon