A.B.A.

513 25 11
                                    

Bella: Alamin ang acronym na A.B.A. ^o^ Ang mga bagong tauhan na nakikilala ng bawat bida sa ating kwento ay nasa ibang Felier Stories din po.

A.B.A

"Ang agap ho niyo Tatay Juan" panimula ni Aimee.

"Ah, oo nga ineng, naalala ko kasing wala pa nga pala kayong mga stock ng pagkain. May isinama akong isang kaibigan na makakasama ni Alliya sa pamimili" nang marinig ko ang pangalan ko ay lumitaw ako sa likuran ni Aimee. Sinugod ko ng yakap si Tatay Juan. Nakarinig ako ng pagtikhim sa may gilid at nakatayo doon ang isang magandang lalaki na naka-kulay itim na kasuotan. May hikaw siya sa kaliwang tenga, may makapal na kilay, abong mga mata at may mapupulang labi. Nakakatakot siyang tumingin.

"Alliya siya nga pala ang kaibigang tinutukoy ko. Tawagin mo siyang Khitan. Aimee samahan mo ako sa mall para makita mo ang espasyo para sa gallery exhibit"

****

Sa sinabi ni Tatay Juan ay nag-alangan ako. Hindi ko pwedeng hayaang mag-isang sumama ang bunsong kapatid ko sa isang estranghero lalo't isa pang lalaki. "May problema ba ineng" untag niya sa akin.

"Tatay Juan hindi ho kaya ng kapatid ko na sumama sa taong bago pa lamang sa paningin niya"

Lumapit siya sa akin. "Iha mabait na bata iyang si Khitan at kaya niyang bantayan si Alliya" napalingon ako kay Alliya na nakaupo sa tapat ng kinauupuan nung Khitan. "Magkakasundo silang dalwa makikita mo" nagtaka ako ng makita ko na nagsasalita si Alliya ng nakangiti sa harapan nung Khitan. Hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ba ang lalaking iyon gaya ng sabi ni Tatay Juan.

****

Nasa tapat ko lang siya nakaupo. Khitan daw ang pangalan nitong kaharap ko sabi ni Tatay Juan. Ilang kurap, ilang pikit ang ginawa ko at hindi man lang nagbago ang itsura ng mukha niya. Ang ganda ng hikaw niya makintab. Nakatitig siya sa akin. Sabi ni Nang Selya pag may bagong mukha dapat magpakilala ka din. Napalunok ako ng ilang beses. Gagawin ko na.

"Ah, ako nga pala si Alliya Brix Asuncion sabi ni Aimee ay nasa edad beinte dos na daw ako. Ikaw Khitan ilang taon ka na? Ang ganda ng hikaw mo, pwede ko bang hiramin?" habang sinasabi ko iyon ay nilalaro-laro ko ang mga daliri ko. Gusto ko siyang maging kalaro. Siya na ang magiging bago kong kalaro.

Nagsalubong ang kilay niya. Pagkatapos tumalim ang tingin niya sa akin. "24" muntikan ko nang hindi marinig ang sinabi niya dahil sa sobrang hina ng boses. Itinaas nito ang isang kamay sa parting tenga at pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ko. Sinusundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya. Hinawakan niya iyong buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga. Nakaramdam ako ng malamig sa ibabang bahagi ng aking tenga. Medyo bumigat ang tenga ko. Lumayo siya at bumalik sa dati niyang kinauupuan. "That suit you"

"Ha, pwede ba iyong naiintindihan ko iyong sabihin mo" napahawak ako sa aking mabigat na tenga. Napamulat ng maigi ang mga mata ko. Nakakabit na sa tenga ko ang hikaw na kanina lang ay nasa tenga niya. Napangisi ako. "Bagay ba sa akin Khitan?"

Hindi siya sumagot pero ngumiti siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Katulad niya ng ngiti si Nine.

****

"Mukhang wala na tayong problema at mukhang magkasundo na ngayon sina Alliya at Khitan" nakikita ko nga. Nandito lang kami sa veranda at tanaw namin sa pwestong ito ang kinauupuan sa hardin ng dalawa.

Nakakapagtakang nakikipag-usap si Alliya sa lalaking iyon. "Aimee pwede na natin silang iwan at matagal pa ang byahe papunta sa Mall" Muli ay binaling ko sa kanila ang tingin. Mukha namang kasundo na nga ni bunso iyong Khitan. Tumango na ako kay Tatay Juan. Magpupunta kami sa gagawing art gallery ni Alliya.

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon