Let her go

503 32 9
                                    

Bella: EHHHHHHHHHHHH Alamin why ako nag eeeeeeeehhhhhh, vote and write your comments..Thanks

Let her go

"Boss andyan na lahat ng pinapahanap niyo" mabilis kong hinablot ang mga papel. Galing ang mga impormasyong ito kay Mario. Sa unang pahina ay isang larawan. Ramdam kong bumagal ang paligid ko pati ang pag-iisip ko ng masilayan ang larawan niya. Nakangiti siya sa tabi ni Aimee.

Kagaya ng dati ay nakaputing bestida siya na aabot lamang hanggang tuhod. Sumenyas ako sa mga PSG na lumabas muna ng opisina ko. Ayoko makita nila ang itsura ko ngayon. Nang makasigurado akong ako na lang nasa loob ng aking opisina ay saka ko muling tinitigan ang larawan niya.

"Bakit ang saya mo?" mahina kong sabi. Bakit nakakangiti siya? Hindi niya ba ako hinahanap. Ako lang ba ang nasasabik na makita siya. Kaya ba hindi sinabi sa akin ni Aimee. Sa kasunod na pahina ay isang larawan na gusto kong ibaon sa lupa. Kilala ko ang lalaking kasama niya. "Anong ginagawa ng kaibigan ni Black sa tabi mo Alliya?" naiinis ako bakit nakangiti siyang nakikipag-usap sa lalaking iyon. "Khitan...khitan...khitan-

"Kuya Suplado.. hey ano ba okay lang iyon kay Kuya...Kuya! "mabilis akong sumenyas sa kanila na ayos lang na papasukin si Shon.

Mabilis kong itinaob ang papel sa desk. Umayos ako ng pagkakaupo para pakiharapan ang kapatid ko. "What brings you here?" pormal lang ang ginawa kong tono. Ngumisi siya sa akin.

"Were going somewhere Kuya. Tinawagan ako ni Samuel kulet"

"Really?" Bakit ako hindi tinawagan ng bubwit na iyon? Anong silbi ng pagmemorya niya ng numero ko? tsk.

"Yup and you're going with me. Alam ko wala kang kaunting sining sa katawan mo pero sana tiyagain mo ang pagsama sa akin sa paglilibot sa new open art gallery sa b-"

"Let's go" tumayo ako agad. Alliya magkikita na tayo.

"Huh?" mukhang nagulat sa pagsama ko. hmmm I smirk.

"Ayaw mo ba-"

"No tara ano ka ba Kuya himala sasamahan mo ako. Bye mga PSG"

****

"Bunso sure ka ayos ka lang diyan. Ayaw mo ba talagang magpakilala sa mga gustong bumili ng pininta mo" hindi ko sinagot si Aimee. Nalulungkot ako kasi hindi ko natanggihan si Tatay Juan noong binili nung kasama niyang kaibigan iyong drawing kong mukha ni Nine. Napakagat ako ng labi, naiiyak ako.

" Akin iyon eh" sabi ko kay Aimee huwag isama sa display iyon tapos isinama pa rin ayan tuloy may nakabili na. Kinusot ko ng ilang ulit ang mata ko. Umiiyak na naman ako.

"You're here again"

"Khitan" nasa harapan ko na pala siya. Dito sa art gallery ay may maliit na silid kong saan ako nagkukulong para magpinta. Para ko na rin daw itong opisina sabi ni Tatay Juan. "Bakit ka nandito? Sabi mo kanina may pasok ka sa eskwela."

"Yeah, Pero wala ang professor namin kaya dito muna ako tatambay. You're crying?"

Yumuko ako agad at saka ko muling pinahid ang mata ko. "Hindi ah mahapdi lang ang mata ko kaya namumula"

"Deny and deny you always do that. Anyway huwag mong sisihin si Sinior dahil hindi niya matanggihan si Jack na bilhin iyon dahil, teka iyong mukhang ipininta mo si Kuya Nine iyon diba?" napatunghay ako sa kanyang sinabi. Ilang kurap ang nagawa ko bago ako nakapagsalita.

"Kilala mo si Nine?" ngumisi siya. "Talaga?" lalo siyang ngumisi. Nakakainis ang mukha niya.

"Akala ko ba sceneries lang ang ipinipinta mo bakit nagawa mong ipinta ng detalyado ang mukha ni Kuya Nine, and not just an ordinary paint. You paint his face while crying"

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon