Meet the Family (Part II)

128 9 0
                                    


lovelots :) Bella


Pagbalik namin sa sala/living room ay napansin ko na may tatlong makikisig na lalaking kasabay si Nine pababa sa mataas na hagdan. 

Napahinto ako sa pag-lalakad ng biglang kumaripas ng takbo ang isang lalaking kasama ni Nine at sumunod doon ang isa pang lalaki. Napailang kurap ako ng makaramdam ng mahigpit na yakap mula sa lalaking mukhang hindi lalaki ang amoy. Amoy babae siya kagaya ko, bakit ganoon? Ngunit lalaki siya kung manamit.

"Black, hindi na makahinga si Alliya princess dahil sa higpit ng yakap mo," saway ng babaeng Shon daw ang pangalan.

Bakit kaya black ang pangalan niya kapangalan niya yung dati kong tuta na namatay. Nalulungkot tuloy ako naaalala ko si black.


Pagkatpos akong pakawalan ni Black ay may pumalit sa pagkakayakap nito ang isang lalaki na mukhang galing sa hindi ko alam na lugar. "Ang swerte sayo ni Kuya Nine, bakit mo siya pinagtiyagaan?" sabay luwag ng yakap nito at titig sa mga mata ko.

Bakit hindi naman kahawig ni Nine ang mga kapatid niya. Ni isa sa kanila ay may sariling ganda at kisig na malayo sa anyo ni Nine. Nakakapagtakang wala man lang kahawig kahit kaunti.


"I heard that Gun." Doon ko na napansin si Nine na papalapit habang ang iyong isang lalaki na kasabay niya kanina ay lumihis ng daan papunta sa may pintuan palabas.

Inilagay ni Gun iyong kamay niya sa balikat ko saka kami humarap kay Nine. "Bagay ba kami Kuya Nine?" sabay dampi nito ng halik sa kanyang pisngi. 

Kasabay din niyon ang pag-babago ng masayang mukha ni Nine at pag-singhap ni Shon. "Kuya Gun paktay ka!" banta ni Black. 

Tumapang ang anyo ng mukha ni Nine. Napapikit ako dahil siguradong sisigaw ng malakas si Nine sa galit.

Nag-antay ako ng ilang segundo pero wala akong narinig na kahit ano kundi ang pagpalahaw ng katabi ko. "Ah...ah ang tenga ko. Teka ...teka Kuya Nine greeting kiss lang iyon. As in welcome kiss lang iyon." Wala na rin sa tabi ko si Gun at kalapit na nito si Nine.

"She's mine Gun!"

"Clearly I know Kuya she's yours. Okay I get it now so let my ear free from your sadistic hand."

"Try it again and I'll.."

"I wont, I promise I wont." Binitawan na ni Nine iyong si Gun saka mabilis na pumunta sa harapan ko pagkatapos ay mabilis itong dumukot ng panyo sa bulsa at pinahid ang kaliwa kong pisngi. 

Hindi pa yata siya nakuntento at dinampian din ako ng halik. Tinitigan niya ako na parang may hinahanap siya sa mukha ko. "Now your clean from any germs."

"Kuya I'm not even close to any germs," tutol ni Gun. Rinig ko rin ang hagikhik nina Shon at Black.




"Baby Shon we are leaving let me know when will Kabo be back in the mansion." Nag-salute lamang si Shon at kumaway naman ang dalawa.

Sumakay na kami ni Nine sa sasakyan niya. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti bago nag-start ng makina. 

Sa gitna ng byahe ay naisipan kong magtanong. "Ilan kayong magkakapatid Nine? Ako si Aimee lang ang kapatid ko at kamukha ko siya. Bakit ikaw walang kahawig ni isa sa kanila?"

Tumingin siya saglit sa kinauupuan ko bago muling ngumiti. Hmmmp!

Bakit ba siya ngiti ng ngiti at bakit hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Hindi ko na siya bati lagi na lamang niyang sinasayang ang laway ko. Mabuti na lang sabi ni Aimee na maganda daw ako.

****


I really can't help it. I can't control my emotions, I'm so happy right now that I have her in my side and she is approved by the half of my family, but Kabo will be the final decision maker of this. Whatever his decision I'll accept but I will never let her go. Ever.

Parang may sinabi ang baby ko pero hindi mo masyadong narinig dahil sa ingay ng makina. Nilingon ko muli siya sa kanyang upuan at focus siyang nakatitig sa harapan ng daan habang naka-pout ang labi, nilalaro din nito ang mga daliri. "Baby" untag ko sa kanya at ito lang ang isinagot niya.

"Hmmp!" sabay paling sa bintana.

"Baby look here. I need to say something." But she didn't budge and still staring in the window.

I hate it. I hate when she's not responding to my call. I miss her so much when I thought I already lost her.  And I'm fucking afraid to admit, that I will lost her someday. I will never ever let anything dangerous to come in her way. I'll protect her with my life. 

At dahil parang nagtatampo na naman ang baby ko ay naghanap ako ng mahihintuan ng sasakyan. 

****


Napalingon agad ako kay Nine. Bakit kami tumigil sa tabi ng highway? Hindi ba niya alam ang rules sa kalsada, ang laki laki ng karatulang (Bawal huminto dito madaming namamatay. Matinding paalala.) Nababaliw na ba si Nine. Tama nga si Aimee baliw na daw si Nine sa kanya. O tama baliw nga si Nine at bakit ngayon lang niya nalaman. Naku paano 'yan! Sabi ni Aimee nakakahawa ang kabaliwan.

Madami pa akong pangarap at hindi kabilang doon ang maging isa sa mga baliw. Bakit hindi naawa si papa God kay Nine at tinamaan ito ng kabaliwan.

Sabi ni Aimee may pag-asa pa daw na maisalba ang mga nababaliw. Kailangan daw iparamdam ang tunay na kalinga ng pagmamahal. Kaya niya iyon. 

Kaya mabilis siyang sumampa at umupo sa mga hita ni Nine na halos lumaki ang mata sa ginawa niya. Naku nalalala na kabaliwan ni Nine dahil nalaki na ang mga mata nito.

Hinawakan niya ang ulo ni Nine at hinaplos ang buhok nito na parang batang paslit na inaalo. "Okay lang Nine, madaming nagmamahal sayo. Madami in english many many more at masaya iyon, as in very happy right?" sabay titig niya sa mata ni Nine.

Ngumiti ito sabay nakaw ng mabilis na halik sa labi niya. "Isa ka rin ba sa nagmamahal sa akin ha baby Alliya?"

Napaisip ako sa sinabi ni Nine. Bago ako napakamot sa aking ulo. Naalala ko iyong sabi ni Aimee dapat daw kapag may baliw ay huwag mong gagalitin kung hindi mananakit daw iyon. Dapat daw pasayahin.

Sabi ni Aimee kapag ngumingiti daw ako ay nakakahawa ang saya ko.

Kaya nginitian ko si Nine. "Really?" Napakurap ako ng ilang beses bakit ba hilig mag-tanong ni Nine. At para matapos na ay tumango ako. Saka ako sumandal sa kanyang malapad na dibdib at muling sininghot ang mabango niyang amoy na matagal ko ng hinahanap pero sa kanya ko lang talaga naamoy. 


"Nine inaantok na ako." 

"Hmm, I love you baby."

Hindi ko na naintindihan antok na talaga ako.


-------------------------

I don't know why I'm lutang. Wew! Done with this part hope u enjoy.

Bella :)



 

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon