My day with HIM
Dama ko ang bawat pagtaghoy niya sa bisig ko. Masasabi kong napakalapit nga niya sa akin pero bakit parang ang layo pa rin namin sa isa't-isa. Naiinis ako, for sure ako naman talaga ang may kasalanan ng pag-iyak niya. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Please magsalita ka.
Lumipas ang ilang minuto na nanatili kaming sa ganoong posisyon. Sa huli hindi ko rin natiis.
"Sorry"
Sa isang salitang iyon ay binuhos ko na ang lahat ng emosyon ko. Patuloy ko pa ring naririnig ang mahina niyang pagtaghoy. Nakakainis bakit hindi pa rin siya nagsasalita? Ayoko ng ganitong sitwasyon. Iyong hindi alam ang dapat sunod na gagawin.
Naramdaman ko ang pagkilos ng kanyang kamay. Natutuwa akong dumampi ang palad niya sa kamay ko, ngunit ganun din ang lungkot na naramdaman ko ng magkaroon ng pwersa ang kamay niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya. Ganun ba niya kaayaw na makita ako?
"Bitawan mo ako" mas lalo kong hinigpitan "bitawan mo ako...nahihirapan na kaya akong huminga" mabilis pa sa alas kwatrong niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya, iniharap ko siya ng mas makita ko ng malinaw ang maganda niyang mukha.
Namumula ang nangungusap niyang mga mata, resulta ng kanina pa niyang pag-iyak. Ganun din ang kanyang ilong. Kusang kumilos ang mga kamay ko at dumampi sa kanyang basang pisngi. Dahan-dahang humahaplos ang palad ko sa bilugan niyang mukha.
"You're real, you are here, you're near. Please open your eyes baby" lalong lumakas ang kaninang mahina niyang paghikbi. "Look at me, I'm here now baby" napako ang tingin ko sa maikli niyang buhok. "you cut your hair?" Nagsimulang magmulat ang mga mata niya. Yes!
It's nice to see her close, to touch her, to smell her scent, and to have her in my hand. I wipe every tears in her face. My lovely girl is crying because of my hurtful words before. Everything I said before are all lies. I hope I can explain that all to her.
"Pinutol ko kasi galit ako sayo, hindi na tayo bati kaya bitawan mo na ako. Dapat hindi mo tinakot si Khitan. Kaibigan ko siya eh." What the hell ako ang nandito tapos ang kolokoy pa na iyon ang mas gusto niyang kasama. What a big OUCH!!!
"Now I'll declare that you must cut all ties with him. I don't want him near you even for 5 meters. Madamot ako Alliya"
May tumakas na luha sa kaliwang mata niya. "Ak..kala ko nagkamali lang ako ng pandinig, na alam mo ang pangalan ko...pe..pero sniff sniff-" mabilis na sumandal ang mukha niya sa aking dibdib. Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Gusto mo bang tinatawag kita sa pangalan mo ha, Alliya?" tumango siya ng marahan. "Alliya"
"Isa pa"
"Alliya"
"Ulit"
"Alliya, Alliya, Alliya teka ano bang apelyido mo?" Mabilis siyang napatunghay bago sumilay ang kimi niyang ngiti. "Success I made you smile" hindi ko na rin napigilang mapangiti. "Do you know that I miss you?" umiling siya bilang tugon. "Ngayon alam mo na" At sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggong hindi ko siya kasama ay magagawa ko ng hagkan siya.
Again this is real Nine, you're kissing the girl you've been looking for so many days. The girl who make your solemn world into chaos. That girl is Alliya.
*****
Nakakaloka si Nine. Kanina pa niya ako hindi tinitigilan. Tuwing may pagkakataon ay nanakaw siya ng halik, at hindi lang smack. Minsan sinasadya pa niyang habaan ang pagkakahinang ng aming mga labi. Sabi niya matamis daw.
"You want another kiss baby?" Nako ayan na naman siya. Hinigit ko na siya papasok sa peryahan.
"Ayoko na hindi na ako makahinga at tsaka gusto ko sumakay dun" sabay turo ko sa isang bilog na malaking malapit sa kalangitan.
"Boring sa ferris wheel baby, roller coaster tayo mas exciting doon" hindi ako nagpadala sa paghigit niya. Ayoko doon eh. Madaming paikot-ikot malulula ako.
Umiling -iling ako "Ayoko doon, ang gusto ko ay doon. Kapag hindi mo ako dinala dun tatawagan ko si Khitan para samahan niya ako dun" Mabilis na umasim ang masayang mukha ni Nine. Alam kong magagalit siyang marinig na banggitin ko ang pangalan ni Khitan. Sabi ni Nine na pagmamay-ari niya ako, pero wala akong maalala na binenta ako ni Aimee sa kanya. Bakit kaya niya nasabing ako'y sakanya? Naguguluhan talaga ako.
"Then let's ride your boring ferris wheel"
"Ayaw mo naman yata Nine, okay lang naman...ako na lang mamamasyal mag-isa baka mas maging mas masaya pa..."Nakakainis talaga siya, kanina lang nangako siyang babawi sa pagtataboy at pang-iiwan niya sa akin noong nasa Sitio Felipe kami tapos....tapos ayaw niya akong samahan sa wheel na iyon...doon ko gusto eh...Nakikita ko iyon sa mga picture ni Aimee.
Tumalikod ako nagsimulang maglakad papunta sa pila ng mga sasakay sa ferris wheel. "Baby wait, shit ba't nagtampo ka agad. Darn it, nakalimutan kong sabik ka sa mga ganitong lugar. Sige sasakay tayo diyan" Pasimple akong napapangiti. Nakita ko muling sinasabunutan ni Nine ang buhok niya, wari'y pinagsasabihan ang kabaliwan niya. Hindi ko mapigilang hindi matuwa sa lalaking gustong laging nakikita ng mga mata ko. Tama si Aimee umiiyak ako noon dahil nalulungkot akong wala siya sa tabi ko. Yumakap ako sa likuran niya. Amoy sariwang dahon, gaya ng dati ay hindi nagbago ang kanyang amoy. "Thank you ....Nine" hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. "Your welcome baby"
Mag-kahawak kamay kaming naglakad palapit sa pila ng ferris wheel.
BINABASA MO ANG
Where is SHE (Nine Felier) Book 2
RomanceHe already knows who she is but now the main problem is that the girl of his life is missing. Only left is the ashes where all of his memory of her begin. Will he be able to find her or totally loose her again for the second time around? Another jou...