Paano na tayo ngayon?

578 23 8
                                    

Paano na tayo ngayon?

"Oh, talaga bang aalis na kayong dalawa. Pwede naman kayong tumuloy dito pansamantala" Tumayo si Aimee at niyakap si Nang Selya. Kinupkop niya kami dalawang araw na ang nakakaraan. Pinahiram niya ako ng masusuot na damit. Mag-isa lang sa buhay si Nang Selya at napaka-bait niya sa amin. Lagi niya akong kinakantahan bago matulog. Ginawa niya akong baby damulag.

"Nang sobra na nga po ag tulong niyo sa pagpapatuloy sa amin dito ng kapatid ko"

"Ikaw talagang bata ka sobrang mahiyain. Hala saan naman ang tungo niyong dalawa?" pumaling ang tingin sa akin ni Aimee at ngumiti.

"Sa kabilang bayan ho Nang Selya. Maghahanap ho kami ng money changer tapos ho hahanap kami ng mauupahan"

"Mukhang desidido ka na Ineng. Siya sige hindi ko na kayo pipigilan pa. Mag-ingat kayo ha" Lumapit sa kinauupuan ko si Nang Selya at hinaplos ang buhok ko. "Huwag kang magpapagutom Alliyah, naku mamimiss kitang bata ka" sumandal ako sa balikat ni Nang Selya kaamoy niya si Inang at kasing bait niya si Inang.

"Dadalawin kita dito Nang Selya tapos maglalaro ulit tayo ng kilitian" biglang tumawa si Nang Selya bago niya ako binigyan ng halik sa noo.

"Gabayan kayo ng Maykapal sa paglalakbay niyong dalawa" Kumaway kami kay Nang Selya. Kasulukuyan na kaming nakasakay sa tricycle na binayaran ni Nang Selya. Dadalhin kami ng sasakyan na ito sa Sitio Bukad. Sabi ni Aimee doon daw may money changer.

"Bunso kapag napalitan na ang pera natin ay maliit na bahay lamang ang uupahan natin. Kailangan nating magtipid tapos bibili din tayong kagamitan mo sa pagpipinta" pana'y tango lang ang isinagot ko sa kanya dahil kanina pa akong inaantok.

****

"DONE?" kanina pa akong katok ng katok sa pintuan ng C.R. Bakit sobra namang tagal nila sa loob? Puro hagikhikan ang naririnig ko dito sa labas. Muli ay kinatok ko ulit sila.

Nandito kami ngayon sa pad ko. Kasalukuyang pinapaliguan ni Shon ang bubwit na bata. Bumukas ng maliit ang pintuan at lumitaw ang nakangiting mukha ni Shon "Kuya, medyo matagal pa kami ni Kulet kaya magluto ka na muna para paglabas naming ay kainan na" napabuntong hinga na lang ako dahil bago pa ako makatutol ay sumara na ang pinto.

"Mali talaga ang mga desisyon ko nitong huling araw. Laging palpak. Dapat hindi ko na sila dito dinala" Sinimulan ko na ang pagluluto. Baka sangkaterbang reklamo pa ang marinig ko sa kanilang dalawa. Sobrang click ang ugali ni Shon kay bubwit kaya nakakakulele silang dalawa sa tenga.

"Kuya Suplado approve" nag-thumbs up silang dalawa. Ngumisi lang ako, syempre ako pa. Expertise ko ang pagluluto kaya hindi ko ikakahiya ang lasa ng mga naluluto ko. Ganadong Ganado silang dalawa sa pagsubo, somehow they look like her. So focus with their food. Shit. Naaalala ko na naman ang mukha niyang umiiyak dahil umalis ako. Ang malungkot niyang mukha. Ang tunog ng impit niyang paghikbi. Ang boses niyang tumatawag sa pangalan ko.

"Kuya Nine wala ka ng gana kumain. Akin na lang yang sayo ha" napatingin ako kay bubwit ng hawakan niya ang plato ko. Hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang kutsarita.

Hinayaan kong makuha ni Samuel ang plato. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Hindi ko magawang mapalagay. Sigurado akong wala sila sa bahay na iyon ng magkasunog. Ang malaki kong tanong ay kung nasaan sila? Shit, shit, shit. Lagot talaga sa akin si Jack kapag nakita ko siya. Ready na akong umalis noon pero dahil sa pang-asar niyang tawag ay hindi ako natuloy sa plano kung pagbalik sa Sitio Felipe. Napakadaming sana ang pumapasok sa isipan ko. Sana hindi nangyari ang sunog. Sana naabutan ko sila kung hindi lang ako naguyo ni Jack. Sana isinama ko na lang sila sa pag-alis ko. Sana nasa mabuti silang lagay. Sana hindi siya galit sa akin. Sana mahanap ko sil—

Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon