Bella: Hello readers' huwag pong mahiyang mag-vote at mag-comment kahit ano po isulat niyo oks na oks basta hindi paninirang puri. Hahaha ^,^
Mr. Santillan
"Waikiki, Waikiki, Waikiki"
Ang galing tuwing sasabihin ko ang salitang iyon talagang kumukusa ang pagngiti ng labi ko. Kanina ko pa ito ginagawa sa harap ng salamin. Ipinilig pilig ko ang aking ulo. Bahagyang sumusunod ang aking buhok sa paggalaw. Umabot hanggang batok ang haba ng buhok ko ngayon.
"Ang ganda mo Alliya Brix Asuncion" napangisi ako ng banggitin ko sa harap ng salamin ang buo kong pangalan.
Bumukas ang pintuan at lumitaw ang bulto ni Aimee. May mga bitbit siyang ilang supot. "Nakabili na ako ng mga materyales mo sa pagpipinta bunso" nagalak ako sa sinabi niya. Kinalkal ko ang mga supot.
"Ang daming kulay Aimee gusto ko silang lahat"
"Tara sa may hardin malilom doon gawa ng mga puno. Maganda kung doon mo gagawin ang pagpipinta habang tumutulong ako kina Sister Edna sa pag-aalaga sa mga bata"
Inayos ni Aimee ang canvas, palette, easel, brushes, palette knives at pati na rin ang mga kulay na gagamitin ko. Ang lamig ng hangin. Naupo na ako sa dinalang bangko ni Aimee. "Iwan na kita dito ha. Mamaya babalik ako at dadalhan kita ng meryenda"
****
"Tita Shon is he dead?" someone is poking my face.
"I don't think so kulet. Nakatulog lang yang si Kuya Suplado sa pagod dala ng pakikipagbubugan sa isa ko pang Kuya. Tara na kulet may pupuntahan tayo"
"Where?"
"Sa Casa"
"What are we going to do there?"
"Hay naku Kulet super dami mong tanong. Sumama ka na lang"
Madilim. May mahihinang boses akong naririnig sa paligid. Tumigil na rin ang pagpisil sa ilong ko at pag-poke sa mukha ko.
****
"Ariel ang ganda kaya" napaiktad ako nang makarinig ng boses mula sa aking likuran.
"Ginulat mo Rona" napaharap ako sa kanila. Isang babae at isang magandang-magandang lalaki ang nakita ko. Nakailang kurap ako doon sa magandang lalaki. Nakabonet siya at matangkad.
"Mukhang nahumaling sayo si miss ganda at natulala na" bulong iyon nung babae doon sa tenga nang lalaki. Nagkamot ng ulo iyong lalaki bago lumapit sa akin.
"Miss sorry hindi tayo talo. Ariela Dimagiba nga pala ang pangalan ko. Obviously babae din ako medyo hindi lang halata" humarap siya doon sa babae habang ako ay natameme sa sinabi niya. Paanong babae siya eh nakadamit lalaki siya. Ang ganda nga niyang lalaki eh. "Ano Rona? Tara na naabala na natin si Miss ganda, sa emote na pagpipinta niya" hinigit pa nung nagpakilalang Ariela iyong Rona palayo sa kinatatayuan ko.
Napanguso ako bago ko muling hinarap ang aking pinipinta. "Naguguluhan ako. Ang gwapo kasi tapos babae pala?" Umiling iling ako para maibalik ang pokus ko sa ginagawa.
****
"FUCK!" Habol habol ko ang hangin ng mapabalikwas ako sa higaan. Nahagip ng kamay ko ang isang unan at awtomatikong kumilos para ihagis ito sa dingding. Nasapo ko ang aking ulo. "Bullshit, baby where are you? Bakit umiiyak ka sa panaginip ko? Just Shit!" Ipinadyak ko ang aking mga paa. Ilang araw na ba akong nangungulila sa kanya. Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula ng makausap ko ang isang kaibigan.
"Mahirap ang pinapagawa mo sa akin Nine" napakunot ang noo ko.
"Ano ang mahirap sa paghahanap ng tao Mario? Kaya nga hinanap kita dahil alam kong eksperto ka sa ganyang trabaho. Ni minsan hindi ka pumalya sa mga kliyente mo" napaupo si Mario sa kawayang upuan.
"Trabaho ko nga, pero Nine sabihin mo nga sa akin kung paano mahahanap ang taong tinutukoy mo kung Aimee lang. Walang apelyido tapos gusto mo ring hanapin ko iyong babaeng hindi mo alam ang pangalan. May litrato ka man lang ba nila?"
"Wala"
"I-drawing mo kaya"
"Mario, Darn I only know how to draw a skeleton. I really don't know how to draw" Hinampas ko ang lamesa sa aking harapan. "Mario I really need your help here. All I know that her name is Aimee and they live in Sitio Felipe. She has a sister. A very beautiful gir—"
Tumikhim si Mario kaya napahinto ako sa pagsasalita. Nakangisi na ang kanyang mukha. "Tama ba ang narinig ko may damdamin ka ba doon sa isang babae?" nagulo ko ang aking buhok ng wala sa oras. Sinasabi na nga bang makakatanggap ako ng tanong na ganito mula sa kanya.
"Mario pwede sa susunod ko na lang sagutin yan kapag nagawa mo na ang pinatatrabaho ko sayo"
"Gagawa ako ng paraan. Tatlong buwan"
"Isang linggo"
"Dalawang buwan Nine. Hindi ako machine. Ikaw nga na may matinik na mata ay hindi mo nahanap yang pinoproblema mo tapos bibigyan mo lang ako ng isang linggo—"
"Isang buwan Mario, pakiusap" nanlaki ang mata niya sa huling salita na binitiwan ko.
"Sa kauna-unahang beses humingi ka sa akin ng pabor at ngayon naman nakiusap ka. May nakain ka bang kakaiba Nine?" napatawa ako.
"Kalimutan mo nang nakiusap ako. Babalik ako dito pagkatapos ng isang buwan" narinig ko ang isang malakas na hagalpak ni Mario bago ko pinaandar ang barako kong motor.
****
"Yehey! Tapos na" pinagmasdan ko ang huling canvas na natapos ko. Bale apat ang nagawa ko. Puro mga tanawin na kakaiba ang ipinipinta ko.
"Aren't you have such wonderful hands" muntikan ko nang mabitawan ang hawak hawak ko. Napabaling ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry. Did I surprise you?"
"Hindi ko po kayo maintindihan eh" napakamot ako sa aking batok. Nasa harapan ko ang isang medyo maedad na lalaki. Kakaiba ang kasuotan niya. Itim na damit na walang kahit anong gusot. Medyo makintab at meron siyang parang tali sa leeg.
"Ah pasensya. Ako nga pala si Juan Santillan" may inaabot siyang maliit na papel. Tinanggap ko iyon at saka pinakatitigan. Hindi ko maintindihan ang nakasulat. "Anong pangalan mo iha?"
"Mr. Santillan nakita niyo na pala ang bunsong kapatid ko" napatingin ako kay Aimee na may hawak na mangkok at baso ng juice. Mabilis akong lumapit sa kanya. Kinuha ko ang aking meryenda.
"Siya pala ang nakababata mong kapatid na tinutukoy mo"
"Aimee binigay niya sa akin ito oh" inabot ko sa kanya iyong maliit na papel.
"Oh that. Aimee iha nagandahan kasi ako sa mga pininta niya. She has marvelous hands" lumapit sa akin iyong lalaki tapos hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Mayroon akong bakanteng lugar na pwede mong pag-displeyan ng mga likha mo at kung papayagan mo ako ay gusto kung bilhin ang mga natapos mo ngayon" Napakaseryoso ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Where is SHE (Nine Felier) Book 2
RomanceHe already knows who she is but now the main problem is that the girl of his life is missing. Only left is the ashes where all of his memory of her begin. Will he be able to find her or totally loose her again for the second time around? Another jou...