The Package

469 31 10
                                    

Bella: Mga mambabasa salamat sa suporta at pagsubaybay sa kwento ng buhay ng bida dito. Mag-vote at ikatutuwa ko rin ang mga comment niyo. Salamat.

The Package

"Boss siya na po ang huli sanasa listahan ng mga hindi nagbayad sa tamang oras" napatunghay ako mula sa pagbabasa ko sa mga kontrata. Nandito ako ngayon sa aking trono. Nakatayo sa gitna ng opisina ko si Ado at hawak hawak niya ang kwelyo ng lalaking nakaluhod. Pamilyar siya.

Sumenyas akong lumapit sila. Kaya pala pamilyar. Si Amorsolo Nobidar ang lalaking ito. Ang mayabang na nangutang sa akin. Tumayo ako at saka ko pinaputok ang bawat buto sa aking daliri. Nasasabik ang mga kamay kong bumasag ng mukha.

Isang bigwas ng malakas na suntok ang pinalapat ko sa makapal niyang pagmumukha. Napasubsob ang mukha niya sa sahig at pinalayo ko si Ado at baka mahagip pa siya ng galit ko. "Ang laki ng inutang mo gago ka pagkatapos dalawang buwan mo ng pinagtataguan ang kasunduan natin" Itinaas ko ang aking kanang paa at pinagtatadyakan ko siya. Bwiset sa negosyo ang gaya niya.

"N' tama na"

"HINDI" nanggigigil ako ngayon sa pagmumukha niya. Ilang tadyak pa ang ginawa ko. "Lahat nang pwedeng ibentang organ sa taong yan ay tanggalin sa katawan niya" mabilis na lumapit si Tope. Binitbit niya palayo sa paningin ko ang lalaking iyon. Nakakainis panay puro mga kargada ang kalalagyan nila dahil hindi sila marurunong magbayad ng inutang na halaga.

Ilang araw ng mainit ang ulo ko. Nakausap kong muli si Mario at dinagdagan ko ang impormasyon sa taong pinapahanap ko sa kanya. Kung hindi lang kailangan ni Kabo ang kumpletong pwersa naming magkakapatid ay ako mismo ang tutunton sa kinaroroonan nina Alliya.

May kalaban ang organisasyon namin na pumasok sa bansang pilipinas. Isang malaking banta sa balanse ng illegal at legal na gawain sa market. Inabisuhan na kami ni Kabo na laging maging alerto sa paligid dahil hanggang ngayon ay hindi pa namin kilala ang kalaban. Ang tanging alam ko ay isang grupo ng Mafia ang gustong pumasok sa bansa. Ang Pilipinas ay teritoryo ni Kid, siya lang ang pwedeng kausapin kung gustong maglabas masok ng isang mangangalakal sa bayan ng Pilipinas.

Hinilot ko ang aking ulo. Nitong mga huling araw ay sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip sa naging usapan sa konseho. Ang konseho ay kasama sa iisang adhikain ng Felier Group, noon.

"Are you sure about this? Would you not regret your words?" may kasamang bangis na wika ng isang Konseho. Ang kapal ng mukhang balaan si Kid ng isang mababang opisyales ng konseho.

Ako, si Kuya Heat, Jack, Jin at si Fier lang ang pwede sa aming dumalo sa nasabing pagpupulong na ito. May ilang kasapi din na naririto sa silid. Si Juan Santillan ang ikatlong ranggo na opisyal ng konseho. Si Manolo ay ikalawa sa ranggo at siya kanina ang nagsalita kay Kid. Si Kid ang unang ranggo ng konseho.

Nakamasid lang ako sa mukha ni Kid. Walang kahit anong reaksyon ang mukha niya.

"Kid! Alam mo namang kalaban siya, pero bakit pinapasok mo pa rin?" gigil na wika ng isa pa. Ako ang nagpupuyos sa klase ng pakikipag-usap nila kay Kid. Muli ay hindi sumagot si Kid. Alam kong kanina pang nagtitimpi itong si Jin sa kaliwa ko habang tahimik lang nakikinig si Jack dito sa kanan ko. May pumasok kasing balita na nandirito na raw ang isang Volfrid na nasa kupunan ng aming mga kalaban.

Napatikom ang kamay ko. Sa lahat ay ayokong walang paggalang ang ni isa sa kanila kay Kid. "And so? Do you have something against Kid? You will all regret defying Kid's word. Anyway, you all have your fucking choices. If you want him dead then just kill him but don't fucking ever involve the group name. Warn you though were against to the idea of killing him. Mind my word as a warning" marahas ko ding bato sa kanila.

Marahang nagsalita si Jin. Naramdaman niya yatang atat na akong kalabitin ang baril ko. Hindi ako nangingiming patamaan sila isa-isa dahil sa tabil ng mga bibig nila. Nagsalita din iyong isang opisyales ng konseho. Nagkibit balikat si Kid at tumayo na sa kanyang kinauupuan. Tumayo na rin ako ganun din ang ginawa nina Jin at Jack.

Nasa likuran ni Kid si Fier nakabuntot na naman sa kanya. Napahinto ako sa pag-pagpag ng aking suit sa isang pangungusap na binitiwan. "Is he worth enough para ilagay sa panganib ang buhay mo? I know that organization will handle this waive but your life and reputation will not be saved in this kind of action. Maaari mo kaming makalaban, Kabo!" napatingin ako agad sa nagsalita. Isang lapastangan.

"You don't have the rights to address her Kabo, Manolo!.Nasa pagpupulong pa tayo, kaunting respeto! Call her KID!!" nanggagalaiting wika ni Juan Santillan na ikatlong ranggo.

"What the fuck! I will fucking kill you old rag! How dare you drag my sister name! YOU SON OF A—" nanggigil kong sigaw. How dare he? This Manolo is bullshiting us.

Hindi nanahimik si Kid. Mabigat ang iniwan niyang salita sa konseho. That's the final word. Great nahatol ka Manolo ng walang laban dahil sa katabilan ng dila mo. Isang putok ang pumailanlang sa paligid. Umingay ang paligid. Well binaril lang naman ni Fier si Manolo. No biggie, he deserve that. Masyado siyang mapapel at ang kapal niyang pagbantaan si Kid. Akala ba niya'y masisindak niya ang isang Kid.

Narinig ko muli ang boses ni Zombie. "One Down!, Who's next? Who's willing to call Kid another name huh?"

Kid ang pangalang ginagamit sa mahalagang pagpupulong pero pagkalabas ng silid pulungan ay siya ang nakababata kong kapatid, si Kabo.

Muli napahilot ako sa aking sintindo. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang araw na bang isinubsob ko ang aking sarili sa mga papeles na ito. Asar at hanggang ngayon ay wala pang update si Mario sa mga taong pinapahanap ko. Napatigil ako sandali nang magbukas ang pintuan nang aking opisina. Lumitaw ang isang bulto.

"N' pinadala po ni Sir Jack" napakunot ang noo ko sa malaking parisukat na bitbit ni Tope. Nakabalot ito sa dyaryo. Ano namang kalokohan ni Jack at may gana pa siyang magpadala ng isang regalo?

Sumenyas ako na ipatong niya sa isang sulok ng aking opisina. Tumalima siya sa utos ko.

Napabuga ako muli nang hangin. Ano ba ang nangyayari sa akin. Laging wala ako sa sarili ko. Hindi na rin ako sumasama sa Family gatherings namin. Kanina pa nakaalis si Tope. Napalingon ako sa dinala niya, naiintriga akong tingnan ang nasa loob ng nakabalot na dyaryo. No Nine baka isang bad news at malaking pang-aasar lang yan ni Jack-pagsaway ko sa aking isipan.

Kusang kumilos ang mga paa ko patayo sa aking trono. Lumapit ako sa kinalalagyan ng malaking parisukat. "Ano ito frame? wala akong naaalalang nag-pakuha ako ng litrato" nakakapang-usisa ang nasa likod ng balot nito.

Nang matanggal ko na ang dyaryo ay lumitaw ang isang larawan. Muntikan ko nang mabitawan ang pagkakahawak ko sa oil painting na ito. Hindi ako makapaniwala. "Bakit  ang umiiyak na mukha ko ang nakapinta?" mabilis kong dinala sa desk ko ang painting saka ko mabilis na tinawagan ang linya ng telepono ni Jack. Napansin ko rin ang tatlong letra sa baba ng larawan 'A.B.A.

"Anong ibigsabihin nito Jack?"

"Oh bakit parang natagalan ka sa pang-uusisa sa akin?"

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO JACK—

"Easy Nueve nagulat din ako ng makita ko iyang sa isang art gallery. Isinama lang ako ni Mr. Santillan doon. Tapos nang makita ko iyan promise napahagalpak ako ng tawa. Isang Nueve umiiyak. Ang galing diba kamukhang kamukha mo. Pasalamat ka at libre ko na yan sayo. Souvenir mo Nueve mula sa akin"

"Teka sandali anong art gallery, Where is that gallery? Jack...hello... Jack, JACK!" humigpit ang kapit ko sa telepono. Dalawa pa lang ang taong nakita akong umiiyak. Si Shon at si..si Alliya. "Fuck bakit mo ako binabaan Jack" naihagis ko ang telepono sa sahig. Nag-uunahan ang mga PSG ko sa pagdampot ng nagkabasag-basag kong telepono.

Napalakad ako pabalik balik habang iniisip ang naging pag-uusap namin ni Jack. Sinuri ko muli ang larawan ko. Bawat parte ng mukha ko ay kuhang kuha. Ang lungkot ng mata ko ay buhay na buhay. Ang luha sa pisngi ko ay napakaganda. "She paint me so well" Hinaplos ko ang tatlong letra sa baba. "I miss you.. Alliya"


Where is SHE (Nine Felier) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon