Chapter 12: Ang Laki ng Titik O

20.2K 542 51
                                    

FALLON'S POV


Hindi masyadong nagsasabi si Habagat ng personal na buhay niya. Ang alam ko lamang na parte ng buhay niya ay si Avery.

Tumatawag siya madalas para kumustahin ang anak niya pero hindi naman siya umuuwi o kahit dumadalaw. Halos isang buwan na siyang hindi nagpapakita dito sa bahay. Ang sabi niya ay nawawala daw kasi si sir Troy.

Naguguluhan na nga ako sa kanila. Noong nagpunta naman kami sa isla ay nakita ko na ang sweet-sweet nila Sir Troy at Miss Maine, halata sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero ngayon ay pareho silang nawawala. 


Nahugot ako sa malalim na pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko. Agad na tumayo ako mula sa pagkakahiga para abutin ito sa gilid ng kama.

Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko, lalo na nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Habagat calling...

Parang tangang inayos ko pa ang buhok ko bago sinagot ang tawag

"H-Hello?" 

Napakagat na lamang ako ng labi nang manginig ng bahagya ang boses ko. Masyado akong excited, sht!

"Tere, bukas ng umaga susunduin ko kayo ni Avy. Maghanda ka na ng mga gamit niyo. Mga pang isang linggo"

Seryosong sabi niya. 

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na makita ang pilyo at mapang-asar na Eric Jacobs. Palagi siyang seryoso at tila problemado.

Tumikhim muna ako para siguradong maayos na ang boses ko. "Bakit naman?"

"Miss na miss ko na si Avy"

Si Avy lang?

Napasinghap ako sa naisip ko. May sapi na yata ako!

"Hoy, okay ka lang?"

"Okay lang ako" medyo mataray na sagot ko

Napalunok ako ng tatlong beses nang marinig ko ang mahinang halakhak niya. Hindi iyon kasing tunog at kasing buhay ng halakhak niya kapag binubuska niya ako, pero mukhang masaya naman siya

"Ang bitter mo naman agad. Syempre na-mi-miss din kita"

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. 

Gusto ko nang katukin ang ulo ko sa mga nangyayari sa akin. Nasosobrahan na yata ako sa puyat. 

"Nakaka-miss kaya kapag walang mapagtawanan. Ang toxic na ng trabaho ko. Kaya dito na kayo ni Avy tumira sa bahay ko. Miss na miss ko na 'yung anak ko. Isama mo na ang yaya niya na best entertainer ng buhay ko. I-kiss mo nalang ako kay Avy. I have to go. Good night. Mwah!"

Ibinaba niya na ang tawag kaya inis na ibinalik ko na iyon sa gilid ng kama.

Ano'ng tingin niya sa akin? Clown?

Best entertainer pala ng buhay niya a!


Tumayo na ako at nagsimulang mag-handa ng mga dadalahin namin ni Avy. Wala naman akong choice kundi ang sumunod dahil amo ko pa rin naman si Habagat.

Hindi ako masyadong nag-dala ng mga gamit ko. Puro gamit lang ni Avy.

Nang matapos ako sa pag-a-ayos ng mga gamit ay nahiga na ako sa tabi ni Avy

"Baby girl, ang daddy mo malakas talaga ang saltik" mahinang kausap ko sa tulog na bata. Magaan na hinalikan ko siya sa noo kung saan siya palaging hinahalikan ng Daddy niya. "Sana kapag laki mo hindi ka naman mana sa kanya"

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon