Chapter 3: Eleventh Floor

24K 596 36
                                    

Pahinga muna ang GH hanggang ma-miss niyo si Troy at humupa na ang galit niyo sa kanya



FALLON'S POV

Isang linggo akong nag-training para sa housekeep. Chicken na chicken naman. Sanay naman kasi ako sa mga ganoong gawain.

Ngayon ay ang unang araw ko sa 11th floor. Ito lang ang floor na naka-assign sa akin at ako lang din ang naka-assign sa floor na ito. Ang sabi ni Ma'am Janice ay apat na suites lang ang nasa 11th floor. Apat lamang, pero sinlaki naman daw ng isang unit ng condo na may two bedrooms! Gayunpaman, bihira naman magamit.

At ang tawag nila sa eleventh floor ay... floor of Olympus. Dahil ang apat na suites ay sa mga big boss!

At ang good news, si sir Neil ang madalas dito!

"What you see, what you hear, when you leave, leave it there" mahigpit na bilin ni Ma'am Janice.

Ang tatlong adonis kasi at ang isang habagat ay napaka-pribado ng mga buhay. Kaya ang number one rule sa mga empleyado ay bawal gumawa ng tsismis sa kanila.

Usapan pa nga na sinesante ni sir Troy ang almost fifty employees sa main dahil ginawang pulutan 'yung asawa niya. Ang sungit-sungit pa naman ni sir Troy. Buti pa si sir Neil.

Malaki ang ngiti na lumabas na ako sa elevator. Uunahin ko nang puntahan ang suite ni sir Neil!

Alam ko na ang landi ko. Pero iyon naman kasi ang unang madadaanang pinto e.

Pagbukas ko pa lamang ng pinto ng suite, amoy na amoy ko na agad si Sir Neil! Nangingisay na ata ako sa kilig!

Iginala ko ang paningin ko sa parang living room ng suite. Malaki at parang sa five star hotel na nakikita ko sa mga magazine.

Dark brown ang tatlong  leather couch na may mababang coffee table na made of glass. May malaking flat screen TV na nakasabit sa dingding. At ang dingding na gawa sa salamin, hindi ko maisip kung dingding ba iyon na gawa sa salamin o bintana na sinlaki ng dingding, ay natatakpan ng makapal na cream na kurtina. Carpeted ang buong sahig, na kulay brown. Ang mga furnitures naman sa dining area na good for four ay puro yari sa mamahaling kahoy na nababalutan ng makinis na barnis. May mga woodmade ornaments na nakasabit sa dingding at figurines na naka-display.

Binuksan ko ang isang pinto na malapit sa dining at nakita ko na iyon ay banyo. Isang banyo na sinlaki na ng buong bahay namin! Malaki ang tub na parang kiddie pool na. May shower room pa. May toilet bowl din at sink. Ang mga diaplay sa banyo ay yari din sa primera klaseng kahoy. At mas mabango pa ang banyo na 'to kaysa sa kwarto ko!

Lumabas na ako at tinungo ko naman ang isa pang pinto. Nang buksan ko iyon ay sumalubong sa akin ang nakakahalinang amoy ni sir Neil, pero may halo nang amoy ng babae. Pumasok ako sa silid. Wala naman sinabi si Ma'am Janice na bawal.

The wall was painted cream with chocolate brown details. Nasa bandang gitna ng silid ang Malaking kama na may cover na light brown. The pillow cases are dark brown in color. There's  a big brown teddybear lying on the bed. Sa magkabilang gilid ng kama ay ang mga bedside table na yari din sa kahoy at dark brown ang barnis. May mga lamp na cream ang kulay. Sa kanang table ay may telepono at alarm clock. Sa kaliwa naman ay dalawang picture frame.

Lumapit ako at dinampot ang frame. Ang isa ay group picture na nasa Hawaii. Nasa picture ang apat na big boss at may iba pa silang mga kasama. Parang college days nila.

Ang isang picture ay ginulat ako. Kulang nga ang salaitang nagulat e!

It was a picture of sir Neil kissing a woman on her cheek and the Eiffel Tower was their background. Hindi pa rin ako makapaniwla kaya ibinaba ko na ang frame bago ko pa mabitawan at masira.

Nang pumihit ako ay napatingin ako sa estante na puno ng malilit na toy car. Lumampas ang tingin ko sa dingding ng silid.

The left wall of the room was occupied  by the face of a woman sleeping on a bed. Nakadapa siya pero kita ang mukha niya. She's naked pero likod lang naman ang kita dahil natatakpan na ng kumot ang parteng pang-upo niya. The picture was on sepia and the woman looks like a goddess peacefully sleeping.

And that woman is none other than Saskia Aragon. The famous Saskia Aragon!

May relasyon sila ni Sir Neil?!

Parang hindi pa rin ma-process ng utak ko!

Oo walang nababalitang boyfriend  si Saskia sa showbiz... pero si sir Neil talaga ang boyfriend niya?! Si Matthew Neil Vergara ang boyfriend niya?!

Ilang saglit na parang tangang nakanganga lang ako habang tinitignan ang picture nila.

Nang ma-absorb na ng utak ko, sinara ko ang bibig ko na baka pasukan na ng langaw kahit imposibleng magkalangaw dito.

Kahit bumigat ang loob ko sa pagkakaalam na may sinisinta na pala si irog ko, pinilit ko ang katawan ko na magtrabaho. Wala naman talagang lilinisin dahil malinis naman. Nag-vacuum lang ako at voila! Tapos na.

Mabigat ang mga paa na lumabas na ako ng room ni sir Neil. Grabe pa rin talaga! Nakakaiyak lang.

"As if naman may laban ka kay Saskia. Sikat kaya 'yon" bitter na tuya ko sa sarili ko. Nawalan na ako ng pagpapantasyahan dito!

Sunod na nilinis ko ang suite ni sir Trent na kapareho lang din naman ng kay sir Neil pero shade of  blue naman ang kulay. Mas simple lang nga ito at walang personal touch. Simleng hotel room lang.

Ang sunod ay ang kay sir Troy. Black, gray and white naman ang color combination. Ang kaibahan lang ay halos puro salamin ang mga gamit at puro nature ang mga paintings na naka-display. Ang bedroom ay kamukha din ng kay sir Neil pero parang gubat ang picture at hindi artista.

Nang lumabas ako sa room ni sir Troy ay napabuntong hininga ako. Isa na lamang at pwede na akong bumalik sa quarters at mamayang hapon nalang ulit. Ganoon kaarte dito at kailangan siguradong wala kahit isang alikabok kapag biglaang dumating ang isa sa apat.

Nang buksan ako ang huling pinto, which is pinto ni habagat ay sumalubong sa akin ang isang malakas at mahabang ungol. Agad na nag-alala ako dahil baka may sinasaktan si g*go na babae.

"Aaaahhhh..." patuloy na ungol ng babae

Mabilis ang mga hakbang na tumuloy na ako.

Tinakpan ko ang bibig ko para walang malikhang ingay.

T*ngina! Ano 'to?!

"Oh, harder baby..." ungol ng babae.

Sir Eric slappes her butt. "You want it rough huh?" Gigil na pinisil niya ang pang-upo ng babae.

Para akong sinilihan dahil hanggang sa dulo ng tenga ko ay ramdam ko ang init!

Pisti! Di na vrgin ang mga mata at tenga ko!

Dali-daling tumalikod na ako at lumabas hanggat hindi pa nila ako nakikita.

Malakas ang tambol ng dibdib ko kaya napasapo ako dito nang makasandal ako sa pinto ng suite. pakiramdam ko ay hihikain pa ako!

Kasalan ni habagat to! Pwede naman sa kwarto, bakit sa couch pa?! At uso naman sa hotel ang 'do not disturb' sign sa pinto!

Nagtatakbo ako sa banyo. Parang maiiyak na ako.

"Nadumihan na ang malinis na mga mata ko at ang nagmamalinis na utak ko! Bwisit na habagat!" Maktol ko.



____________________________
March 10, 2015 (Monday) - 00:30

Note: Eric at the media

Pahinga muna ang GH hanggang sa ma-miss niyi si Troy at humupa na ang galit niyo sa kanya.

-CHASE  :*

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon