FALLON'S POV
"Fallon, pahawak naman saglit. May kukunin lang ako sa loob" pakisuyo ni Cleo at inabot sakin si Marron.
Ingat na ingat ako nang kargahin ko si Marron. She's only two months old. Ang liit-liit n'ya pa at ang lambot-lambot.
Nandito kami sa Hacienda Vergara para mag-celebrate ng pasko. Maging ang mga Villasis at Amante ay nandito. At syempre pa, ang buong pamilya Vergara. Kasama ko din sila Lola Delfina, Karen at si Joy na magdadalawang taon na.
Hindi nakasama sila Erica dahil doon sila sa pamilya ni Cliff. Pero sa bagong taon ay doon naman kami sa mansyon ng mga Jacobs.
"Mommy, kailan tayo magkaka-baby?" tanong ni Avy at hinawakan ang maliit na kamay ni Marron.
Kinurot ni Karen ang pisngi ni Avy. "'Di ba nga, 'pag naka-graduate na si Mommy mo?"
Natawa nalang ako. Sa tuwing may makikita kasi si Avy na baby ay iyon ang palaging tanong n'ya. Pati tuloy ang Daddy n'ya naghahangad na din ng baby.
Ang gusto ko kasi, kapag nag-baby kami ni Eric, kasal na kami. At gusto ko muna maka-graduate bago kami ipakasal. Para naman kahit papaano, may maipagmamalaki ako sa sarili ko. Hindi man ako mayaman, at least may pinag-aralan ako.
Nag-pout naman si Avy. "Ang tagal pa n'on e. Gusto ko sa seventh birthday ko, ate na ko"
Natawa si Karen. "Hija, September ang birthday mo. Kung gusto mo na Ate ka na sa birthday mo, dapat simulan na ng Mommy at Daddy mo ang paggawa ngayon para sakto sa birthday mo"
Pabirong tinampal ko ang braso ni Karen. Turuan pa daw ba si Avy!
"Mommy, mahirap ba gumawa ng baby? Sabi naman ni Ninong Troy, madali lang daw saka masarap. Bakit kayo ni Daddy hindi gumagawa ng baby?" kunot-noong tanong n'ya.
Hindi ko alam kung ano'ng i-re-react ko sa mga sinasabi ni Avy. Bakit ba ang mga bata, palaging madaming tanong? At bakit si Troy pa, of all the people, ang tinanong nitong anak ko.
"Alam mo, Avy, regular namang gumagawa ng baby 'yang Mommy at Daddy mo. Ayaw lang talagang may mabuo. Hayaan mo, sa New Year, baka sumabay sila sa putukan. Malay mo maaksidente sila, tapos... boom! May baby na kayo na bago" humalakhak pa si Alisson matapos magsalita.
Mukhang lalo namang naguluhan si Avy. "'Di ba, Mommy, kapag aksidente sa New Year, ibig sabihin mapuputukan? Nakaka-gawa po ng baby kapag napuputukan? 'Di ba po napuputol lang ang kamay?" gulong-gulong tanong n'ya.
"Come here, baby" masuyong tawag ni Eric na bagong dating sa kanya. Umupo si Eric sa tabi ko at kinandong naman n'ya si Avy. "Don't mind them, okay? 'Wag mong intindihin ang mga kalokohan nila"
Sumimangot si Avy.
"Next Christmas, promise may baby sister ka na" malambing na sabi ni Eric at kumindat sakin.
Gosh, hindi naman nila ko pine-pressure sa lagay na 'to, 'no?
Buti nalang at sa March ay ga-graduate na ko. Nakaka-excite!
"Ang puti-puti ng baby" puri ni Karen kay Marron.
Hinaplos ko ang malambot n'yang pisngi. "Ang ganda-ganda nga"
"Sana 'pag nagka-baby kayo ni Eric, maputi din 'no?" nakangising sabi n'ya.
Inirapan ko nalang s'ya. Edi sila na mapuputi at ako na ang morena!
Kahit nakabalik na si Cleo ay ayaw pang ibalik ni Avy si Marron. Mahilig talaga si Avy sa mga baby.
Saka ko lang ibinalik si Marron sa Nanay n'ya nang mag-alas dose na. Kailangan ko pa kasing asikasuhin ang pagkain ng mag-ama at ni Lola. May kasama naman kami na private nurse na kinuha ni Eric para kay Lola. Mas mabuti na daw na may kasama kami na alam ang gagawin in case na may sumumpong kay Lola. Natanda na din kasi si Lola at madami nang nararamdaman na masakit.
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
General FictionStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?