Chapter 40 na! 15 chapters to go and Hearts will be over :)
FALLON'S POV
"Stop crying, Fallon" mariing sabi ni Eric.
Gusto ko. Gustong-gusto ko nang tumigil sa kakaiyak. Kaso hindi ko naman kaya. Kapag masakit, 'di ba iiiyak? Kapag malungkot, 'di ba iiiyak? At sobrang nasasaktan at nalulungkot ako ngayon kay gusto kong iiyak ang lahat ng 'to.
"Ate Karen!" tawag ni May mula sa labas.
Dali-daling tumayo ako at kinuha ang laptop n'ya sa mesa. Lumabas ako ng bahay at alam ko na kasunod ko sila Eric at Karen. Halata ang gulat sa mukha ni May nang makita ako.
Ang lakas ng loob at may kasama pang lalaki!
Padabog na binuksan ko ang gate. Napaatras naman si May at ang lalaki sa likod n'ya ay kinubli s'ya sakin.
"B-Bakit h-hawak mo ang laptop k-ko?" nahihintakutang tanong n'ya.
Iniharap ko ang screen ng laptop n'ya sa kanya. Kasalukuyan pang nag-pe-play ang video ng kahalayan n'ya.
Nagpupuyos ako sa galit!
"Ano'ng ibig sabihin nito?" mariing tanong ko sa kanya.
Nakita ko kung paano takasan ng kulay ang mukha n'ya.
Umamba s'yang kukunin ang laptop pero tinapon ko na 'yon sa gilid ko. Tangina, wala akong pakielam kung sayang 'yon. Galit na galit ako.
Hinablot ko ang buhok n'ya. "Nagpuputa ka?! Ha?!" gigil na pinagsasabunutan ko s'ya.
Tinangka akong awatin ng kasama n'yang lalaki. Nakahawak na s'ya sa braso ko.
"Get your hands off her" inis na sabi ni Eric at marahas na binaklas ang kamay ng lalaki sakin. Binigyan n'ya ng isang malakas na suntok ang lalaki at idiniin sa hood ng kotse. "Let that w-hore get what she deserves"
"Hindi ka makontento sa mga nabibigay ko? Binebenta mo 'yang katawan mo para sa mga materyal na luho mo?" naiiyak na nanggigigil na tanong ko kay May.
"Bitiwan mo nga ko!" tinulak n'ya ko palayo sa kanya.
Agad namang sinalo ako ni Karen. Iyak na nang iyak ang anak n'ya.
"E ano ngayon kung ginagawa ko 'yon?! Pareho lang naman tayo a! Kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang santa" dinuro n'ya pa ako.
Kumuyom ang kamay ko at sa malaking hakbang ay nilapitan ko s'ya. Lumipad nalang ang kamay ko sa kanya para bigyan s'ya ng isang malakas na sampal.
"Ano ba'ng alam mo sa ginagawa ko?!" sinampal ko pa ulit s'ya. "Nagsisikap ako para mabigyan kayo ng magandang buhay. Kung ano-anong pinapasok ko para hindi mo kailanganing magpaka-puta tulad ng iba!" hinaklit kong muli ang buhok n'ya. "Pero pinili mo pa ding maging puta! Isa kang puta! Mababang babae! Bayaran!" sinampal ko pang muli s'ya. Humahagulgol na s'ya ng iyak. "Iyan ba ang gusto mo sa buhay mo, ha?! Sige! Bahala ka! Simula ngayon, bahala ka na sa buhay mo! Hindi na kita responsibilidad! Magpaka-puta at buhayin mo ang sarili mo! Tutal kahit naman suportahan kita, ganyan pa din naman ang gawain mo. Umalis ka nalang sa poder ko!" gigil na gigil na sabi ko.
Nakakapagod na. Pagod na akong umintindi at magbigay. Para sa sarili ko nalang ibibigay ko pa sa kanila. Lahat ng kaya kong ibigay, ibinibigay ko para magkaroon sila ng magandang buhay. Ayoko na matulad s'ya sakin na lahat ng trabaho pinapasok para mabuhay. Kahit gaano kahirap, kinakaya ko para mapag-aral s'ya. Para maging maganda ang kinabukasan n'ya. Tiniis kong maging alila ng ibang tao. Tinitiis ko ang init ng araw sa pagtitinda ng kung anu-ano. Tiniis ko ang mga insulto kapag pinapangutang ko sila ng mga kailangan nila. Buong buhay ko, nagsasakripisyo ako para sa kanila.
Siguro, ngayon tama na sila. Ako naman.
Gusto ko nang mabuhay ng malaya sa mga responsibilidad ko sa kanila. Gusto ko na ako naman ang unahin ko.
"Talagang aalis na ko!" sigaw n'ya sakin. "At sisiguraduhin ko na mas magiging maganda ang buhay ko sa'yo! Magkakaroon ako ng mga bagay na wala! MAs magiging mayaman ako kaysa sa'yo!"
Isang malakas na sampal pa ang ginawad ko sa kanya. "Inggrata!"
Humagulgol na s'ya. Naramdaman ko ang mga bisig ni Eric na yumayakap sakin.
Saka ko lang naramdaman na nanginginig na pala ako. Sa sobrang galit. Sa disappointment. Sa failure.
"Tama na" masuyong bulong sakin ni Eric. Hinila na n'ya ako papasok sa bahay.
Kinakalma n'ya ako hanggang sa makatulog na ako sa kakaiyak.
Ganito pala kapag pakiramdam mo, binigay mo na ang best mo, pero kulang pa din.
Ang sakit sa dibdib.
Sa sobrang sakit, kahit yakap ni Eric, hindi ako mabigyan ng kapayapaan. Hindi ko maramdaman 'yong pangako na magiging maayos ang lahat. Kasi talaga namang hindi na.
Magkabati man kami ni May, hindi na n'on mababago ang mga nangyari na.
Sabi nga sa kanta ng Paramore... 'once a wh0re you're nothing more'
Nasasaktan ako para sa kanya. Nanghihinayang ako para sa kanya.
Galit ako sa kanya, pero hinihiling ko na sana maging maayos ang buhay n'ya. Sana sa kabila ng mga nangyari, may magandang kinabukasan pa rin na bubukas para sa kanya.
Galit ako sa kanya, pero mahal ko pa din s'ya. Dahil hindi ko man s'ya kadugo, kapatid ko pa din s'ya. Kasama n'ya ako nang lumaki s'ya. At gusto kong magkaroon s'ya ng magandang buhay.
Nakakalugo ang nangyari sa kanya. Nasaktan ako sa mga sinabi at inisip n'ya sakin. Nagagalit ako sa ginawa n'ya sa sarili n'ya. Pero kung may magagawa ako para maayos ang mga pagkakamali n'ya, gagawin ko.
Galit ako ngayon, pero handa ko s'yang tulungan para maitama ang buhay n'ya.
Hiling ko lang ngayon, matuto s'yang tumanggap ng kamalian at muli s'yang lumapit sakin. Kakalingain ko naman s'yang muli. Susuportahan ko pa din s'ya.
Mabuting bata si May. Marahil ay nabubulagan lang s'ya sa mga materyal na bagay ngayon. Pero ma-re-realize n'ya din na nagkamali s'ya. At ang magagawa ko nalang ngayon para sa kanya ay mabuksan ang mga mata n'ya. Nawa'y magabayan s'ya pabalik sa tamang landas.
Hiling ko, na sana ay maging maayos ang lahat.
____________________
December 24, 2015 (Thursday) - 00:09
Note: Sorry short update lang. I'll try to make another one tomorrow. Happy holidays!
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
Narrativa generaleStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?