Chapter 54: F & F

23.1K 552 37
                                    

FALLON'S POV


"Matagal ka pa d'yan, Mommy?" malambing na tanong ni Eric. Sa boses n'ya palang, alam ko na na inaantok na s'ya.

Umupo s'ya sa tabi ko at agad na pumulupot ang mga braso n'ya sa akin. Hinaplos ko ang braso n'ya. "Una ka nang matulog. Tatapusin ko lang 'to. Avy needs this tomorrow" masuyong sabi ko

Ipinatong n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko. "It's already eleven. You go to sleep and I'll finish that" 

I giggle. "What do you know about making miniature house?"

I laugh real hard when he blow my neck. "Yabang mo, Amihan" inis na sabi n'ya.

I hit his arm. "I'm just stating" I wipe my fingers then face him. "Ikaw ang matulog na. Maaga pa ang pasok mo bukas. MWF na nga lang ang pasok mo sa opisina, late ka pa?" 

He pouted. "Hindi ako makakatulog nang walang katabi. Hindi na ko sanay" parang batang maktol n'ya. 

Kinurot ko ang pisngi n'ya. "Itong panganay ko talaga, masyadong nakadepende sakin" natatawang sabi ko. Gumanti s'ya at pinitik ang noo ko. Sa inis ko ay ang ilong na n'ya ang pinanggigilan ko. "D'on ka na nga. 'Wag mo na ko guluhin. Mas matatagalan lang ako dito e. Tumabi ka nalang muna sa mga bata" 

At dahil makulit ang asawa ko, tumulong pa din s'ya.

"Ano'ng parusa ng batang makulit?" tanong n'ya habang maingat na kinakabit ang mga parts ng bahay.

Natapos na kasi ni Avy 'tong house model n'ya. Kaso nasira naman ng kapatid n'ya kanina kaya kailangang ulitin. Ako na ang gumawa dahil ayoko naman mapuyat si Avy at maaga pa ang pasok n'ya bukas. 

"Pinalo sa puwit" natatawang sabi ko. 

"I bet iyak nang iyak 'yon. Ang nana kaya ng batang 'yon. Konting kanti mo lang nagngangangawa na. Manang-mana sa'yo. You tend to over dramatize things. OA n'yong mag-Nanay" natatawang sabi n'ya 

Sinimangutan ko s'ya at binato ng glue. "Ikaw kaya ang balat sibuyas!" giit ko. "Konting kalmot lang big deal na. Pinamigay mo na agad 'yong aso. Ni hindi nga nag-peklat. Nakakita ka lang ng dugo namutla ka na" natatawang sabi ko

"Kasi ikaw balat uling. Negra!" asar n'ya.

"Edi kayong mag-aama na ang kulay papel" inis na sabi ko. Oo na, sila na ang mapuputi at ako na ang nag-iisang morena. 'Yong aso na nga lang 'yong kakulay ko na brown, pinamigay pa nitong magaling kong asawa dahil lang nakalmot s'ya. Hmp!

"Mestizo kami" mayabang na sabi n'ya. "Mag-gluta ka kasi para 'di ka OP"

Inirapan ko nalang s'ya at inayos na ang ginagawa ko na paper mosaic na puno. 

Nang humikab ako ay napahikab din s'ya. 

"Mommy, gawa ka munang kape natin. Mukhang matatagalan pa tayo dito" inaantok na sabi n'ya.

Nag-inat ako at tumayo na. "Okay" Nagpunas muli ako ng kamay. Tinuro ko na muna sa kanya kung ano'ng gagawin n'ya.

"If we paint it tonight, will it dry tomorrow morning?" he asked. Serious in what he's doing.

"Yes, Daddy. Pero bilisan mo mag-gawa para masimulan mo na mag-paint. Kasi lalagyan pa natin ng basic furniture 'yan later. Buti nga hindi nasira ng anak mo 'yong mga nagawa ko na appliances" inaantok na sabi ko bago tumungo sa kusina para gumawa ng kape naming dalawa. 

Panay ang hikab ko habang naggagawa ng kape naming mag-asawa. Nag-prepare na din ako ng sandwich para sa midnight snack namin. 

Nang matapos ako sa kusina ay nakita ko ang asawa ko sa sala na seryosong-seryoso sa ginagawang project ni Avy. May masuyong ngiti na gumuhit sa aking labi. Hindi ko akalain na magiging ganito ka-dedicated na tatay si Eric. 'Yong aabutin s'ya ng gabi sa paggawa ng project ng anak. 

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon