Chapter 42: Wala Na

17.3K 502 26
                                    

FALLON'S POV


"Ate, thank you talaga" umiiyak na sabi ni May.

Tipid na ngumiti lang ako sa kanya at iniwan na s'ya sa kwarto n'ya.

"Okay ka lang?" alalang tanong sakin ni Eric nang makalabas ako sa hospital room ni May.

Agad naman akong yumakap sa kanya at umiyak sa dibdib n'ya.

"I love you, Eric" madamdaming sabi ko sa kanya.

Hinaplos n'ya ang buhok at likod ko. "I love you too"

Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko nitong nakaraang linggo. 

Nang tumawag si Karen sakin, agad na pumunta ako sa ospital kung saan naka-confine si May. Nang makita n'ya ako ay humagulgol s'ya ng iyak at panay ang hingi n'ya ng tawad. Agad na nalugo ako sa hitsura n'ya. Bagsak ang katawan n'ya at bakas na bakas sa kanya na may dinadamdam s'ya. 

Nagagalit ako sa kanya pero hindi ko ninais na maghirap s'ya ng gan'on. Gusto ko na ma-realize n'ya ang mga pagkakamali n'ya pero hindi sa ganitong paraan. Na kailangan n'ya pang magkaroon ng malubhang karamdaman. 

May stage three cervical cancer na si May. Nagmula 'yon sa pamumuo ng dugo sa uterus n'ya na nakuha n'ya nang magpa-abort s'ya. Nagkaroon ng komplikasyon at impeksyon ang naging operasyon n'ya. 

Nang kausapin ko s'ya tungkol sa abortion ay sinabi n'ya na pinilit lang daw s'ya ng live in partner n'ya. Ayon sa kanya ay ayaw ng lalaki ng anak dahil hindi pa handa. Natakot din si May sa responsibilidad kaya pumayag nalang din s'ya sa gusto ng lalaki.

Gusto kong sabihin sa kanya na sana ay umuwi nalng s'ya. Pero ayokong mas pabigatin pa ang nararamdaman n'ya. Lalo na ngayon. Ang gusto ko nalang ay maging masaya ang nalalabing oras n'ya.

Tinapat na ako ng doktor na malala na ang lagay ni May. Any moment ay bibigay na ang katawan n'ya. At wala nang pwedeng gawin. Kahit na anong paraan, maliit lang ang tsansa ng survival at magastos. Wala akong malaking pera. 

Inuwi na ako ni Eric. Sa condo na muna kami. Mas malapit kasi sa school ko at sa ospital kung nasaan si May. Si Avy ay na kay Erica na muna.

"Eric" mahinang tawag ko sa pansin n'ya.

"Hmmm?" sagot n'ya nang hindi man lang tumitingin sakin. 

Nakahiga na kami sa kama. Hindi tulad ng dati, nakatuwid lang s'ya ng higa at hindi nakayakap sakin. Nagagalit kasi s'ya sakin. Ayaw n'ya na intindihin ko si May. Para sa kanya, tama na daw na pinuntahan ko at pinatawad ko. 



"Paano mo nagawa na magpatawad nang gan'on kadali, matapos ng lahat ng ginawa n'ya sa'yo?!" inis na sigaw ni Eric. "Siniraan ka n'ya! Pinagkalat n'ya na masamang babae ka! Hanggang sa eskwela mo, sinara ka n'ya! Nakalimutan mo na ba kung paano ka umiyak n'on?! Nakalimutan mo na kung paano ka napahiya sa tanginang tarpaulin na sinabit n'ya sa gate ng university?" matalim ang tingin n'ya sakin. "Fallon, hindi masamang magpatawad. Pero sana naman marunong kang madala. Kaya ka inaabuso ng babae na 'yan dahil sobrang bait mo" mahinahon nang sabi n'ya.

Wala akong nagawa kundi ang mag-yuko ng ulo at tahimik na umiyak.

Naiintindihan ko naman si Eric. Alam ko kung gaano kalaki ang galit n'ya kay May dahil sa mga ginawa sakin. S'ya 'yong nasa tabi ko n'ong mga sandaling kinukutsa ako ng mga tao. S'ya 'yong nagtatahan sakin nang awang-awa na ko sa sarili ko.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon