Eric's POV
"Pwede ba Erica, tantanan mo na muna ako?! Utang na loob!" inis na bulyaw ko sa kapatid kong ewan
"Kuya! Pwede din ba?! Pagsasabihan mo lang naman si Kuya Troy na umayos siya! Nakakaawa na ang best friend ko!" bulyaw din niya.
Napahilot na lamang ako sa aking sentido. "Sana, bago niyo ginawa ang kalokohan na 'yon, inisip niyo muna na magiging kawawa si Charmaine kay Troy! Kasalanan niyo din 'yan! Tigilan mo na ako. I'm busy" naiinis na sabi ko
"Wala ka talagang kwenta, Kuya!" inis na sabi niya sabay log out.
Inis na tiniklop ko ang laptop ko.
"Tinawag pa akong kuya" reklamo ko habang inaayos ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa ko.
Kung pwede lamang pumili ng kapatid, hindi ko pipiliin ang demonyita kong kapatid! Sakit sa ulo ng lintik na 'yun!
Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, paniguradong si Erning na naman ang mangungulit sa akin.
"Pwede ba Erica, may ginagawa ako!" inis na sagot ko kahit hindi ko pa tinitignan ang pangalan ng tumawag.
"S-Sir?" natatakot na tanong ng sekretarya ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "I'm sorry, Noemi, akala ko kasi si Erica na naman"
Masayahing tao ako kaya naman kapag galit o inis ako ay natatakot ang mga tao sa paligid ko. Maliban sa kapatid ko, syempre.
"Sir, wala po kasing tao dito sa office, pwede po bang pirmahan niyo na muna ang mga papeles, hindi po kasi namin mahagilap sila sir Troy" may pag-aalala sa tinig niya
Napahilot na lamang muli ako sa sentido ko.
Ang mga kaibigan ko, nagpapasaway din! Nasaan naman kaya ang mga lintik na 'yun?
Si Trent alam ko na lugmok sa kalasingan sa bahay. SI Neil naglalagalag sa ibang bansa kasama ang kaharutan niyang artista. E ano naman kaya ang drama ni Troy? Nagpapakaasawa na sa wakas sa asawa niya?
"Sir?" untag sa akin ni Noemi
"I'll be there in thirty minutes" sagot ko na lamang sa kanya.
Iniangat ko ang telepono sa mesa ko. Nandito ako ngayon sa pinakabago naming bar.
"Francine, aalis na muna ako ngayon, baka sa isang linggo na ako makabalik. Ipatawag mo na muna si Derik para may umasikaso dito" seryosong sabi ko sa kanya at lumabas na ako.
Aminado naman ako na sa aming apat ay ako ang pinakamaloko at mukhang walang patutunguhan ang buhay. Pero alam ko naman kung kailan dapat magseryoso. At ang kompanya namin ay dapat sineseryoso.
Nang mamatay ang mga magulang namin ni Erica sa plane crush ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Natakot ako para sa amin ng kapatid ko. Wala naman akong alam gawin kundi ang magpasarap sa buhay. Paano ko aalagaan ang kapatid ko? Paano ko hahawakan ang kompanya namin?
Sa sobrang takot ko na bumagsak lamang ang kompanya namin, ibinenta ko iyon nang nasa tamang edad na ako at pwede ko nang gawin ang nais ko sa kompanya. Mukha kasing may mga nananamantala na doon at ninanakawan ang kompanya dahil wala naman akong alam. Ang abagado namin ang unang tumutol pero wala siyang nagawa. Sinuportahan naman ng mga kaibigan ko ang desisyon ko at tinulungan pa ako ng daddy ni Troy. Maging si Erica ay walang naging pagtutol.
Nang makapagtapos kami nila Trent ay napag-usapan namin na magtayo ng sariling negosyo. Ang lahat ng mga ari-arian na naiwan sa amin ng mga magulang ko ay hinati ko sa amin ng kapatid ko, fair and square. Ang kalahati ng lahat ng mana ko ay ipinuhunan ko sa negosyo namin. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
General FictionStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?