Chapter 52: First Kiss

18.7K 527 41
                                    

Ewan ko. Hindi ko feel mga update ko. Parang kulang na kulang :( Promise e-edit ko kapag hindi na ko masyadong broken heart. Makaka-move on din ako!


_________________


FALLON'S POV


Hindi ko akalain na posible palang maging ganitong kasaya. 'Yong bawat hakbang ko palapit sa kanya, pakiramdam ko nakatungtong ako sa ulap. Sa bawat ngiti ng mga tao sakin, pakiramdam ko lumulundag ang puso ko sa sobrang galak.

Nabuhay ako na palaging kuntento sa kung ano'ng mayroon, sa kung ano'ng makakayanan lang. Kahit kalian, hindi ako humingi o humiling ng alam ko na hindi ko kaya. Nabuhay ako na naka-depende sa sarili ko. Kapag may ninais ako na alam ko na hindi ko kaya, iniisip ko nalang na hindi para sa akin ang gan'on, pipikit ko nalang ang mga mata ako at kalilimutan na gusto ko 'yon. Kahit kalian, hindi ako nainggit. Hindi ako naghangad ng higit sa posibleng abutin ng isang kagaya ko. Dahil alam ko na masasaktan lang ako.

Kinamulatan ko na na hindi lahat ng naisin ay kayang abutin. Itinatak ko na sa isip ko na may mga bagay talaga na hindi para sakin. SInanay ko na ang sarili ko na may kulang talaga sa pagkatao ko, at hindi ko kailanman kwinestyon kung bakit kulang ako.

Nagpapasalamat ako na nabuhay ako. Wala man akong mga magulang, wala man akong tirahan, wala man ako ng kahit na ano, masaya ako na nabuhay ako. Gusto kong mabuhay dahil alam ko na may rason kung bakit ako may buhay. At ang layunin ko ay ang hanapin ang rason na 'yon. My purpose of life.

Nang makilala ko si Lola Delfina at kupkupin n'ya ko, naisip ko na iyon na ang rason ko para mabuhay. Para suportahan namin ang isa't isa at para maging pamilya ng isa't isa. Nang dumating samin ang mga kapatid ko, mas nabigyan ako ng ganang mabuhay. Naisip ko na nabubuhay ako para kanila. Para maging gabay nila. Para maging lakas nila. Sa kanila ko natagpuan ang pamilya na wala ako.

Hindi naging madali, pero pinagpapasalamat ko na nakita ko ang rason ko para gumising sa araw-araw.

At nang isa-isa silang mawala, masakit pero tinanggap ko. Natagalan pero nagawa ko.

Nang dumating si Eric sa buhay ko, nabago ang lahat ng pananaw ko. Nang maramdaman ko na mahal ko siya, natuto akong umasam ng higit sa dapat sakin, hiniling ko na maging possible kami, at kwinestyon ko kung bakit ganito lang ako at bakit gan'on s'ya. Naisip ko n asana katulad n'ya ko, para pwede kami. Ramdam na ramdam ko ang lahat ng kulang sakin.

Pero nang mahalin n'ya din ako, ginusto kong mabuhay dahil masarap mabuhay. Hindi man napunan ang mga kakulangan sa pagkatao ko, naramdaman ko na higit pa ang naidulot n'ya sa buhay ko.

Kuntento ako. Hindi lang dahil iyon ang tinatatak ko sa isip ko, kundi dahil iyon ang nararamdaman ko sa puso ko. Sapat ang lahat ng mayroon ako ngayon para punan ang lahat ng pagkukulang na pilit kong binabalewala noon.

At iyon na siguro ang purpose ko sa buhay. Ang mahalin n'ya at magmahal sa kanya.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na maglandas ang isang luha.

Binalikan ko sa isip ko ang naging byahe ko sa buhay. At paulit-ulit, masasabi ko na siya ang best reward sa lahat ng paghihirap ko.

Hindi ko hiniling ang ganito, pero sobrang saya ko na pinagkaloob sa akin ang ganitong uri ng kaligayahan.

Mabuting tao nga siguro ako. Kasi natagpuan ko ang kaligayahan na bubuo sa akin.

"Apo" masuyong tawag ni Lola sakin at hinaplos ang braso ko.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon