FALLON'S POV
Nakakainis kapag wala kang ibang magawa kundi ang umiyak.
Tulad ngayon, nasa ICU si Lola. Sabi ng doctor, kapag naging maayos ang vital signs ni Lola, mas mainam na maoperahan na s'ya agad.
Kulang pa ng higit isang daang libong piso ang pera na nalikom ko. Saan naman ako kukuha ng gan'on kalaking halaga?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong mawala sakin si Lola.
Hinang-hinang nakaupo ako dito sa upuan sa labas ng ICU ng hospital. Pagod na pagod na ang katawan ko. Pagod na pagod na ang isip ko. Pagod na pagod na ko.
"Tahan na, Fallon. Baka kung mapaano ka na n'yan" nag-aalalang sabi sakin ni Sofia.
S'ya ang kasama ko ngayon sa ospital. May sakit kasi ang anak ni Karen kaya hindi s'ya nakapunta ngayon. Nag-absent pa nga si Sofia para masamahan ako sa ospital. Nahihiya na nga ako sa kanya. Pero kailangan ko ng makakasama sa ngayon. Pakiramdam ko ay sobrang hina ko na. Kailangan ko ng makakapitan. Kailangan ko ng mapagkukuhanan ng lakas.
Isa pang problema ko ay ang eskwela. Hindi na ako masyadong nakakapasok. At kung makapasok man ako, lutang naman ang isip ko. Malapit na ang finals at hindi ko alam kung paano ko ma-su-survive 'yon.
Ang buong atensyon ko ay na kay Lola sa ngayon. Sa kung paano ko s'ya maililigtas.
Hanggang saan nga ba ang kaya kong isakripisyo para sa kanya?
Tumingin ako kay Sofia. Nakatingin lang din s'ya sakin na puno ng pag-aalala.
Kaya ko ba? Kaya ko baa ng sakripisyong ginagawa ni Sofia? Kaya ko bang ibenta ang dangal ko para mailigtas si Lola?
Kaya ko bang gawin 'to sa sarili ko? Kay Eric?
Mas kumirot ang puso ko nang gumuhit sa balintataw ko si Eric.
Nasaan ka na, Eric? Ngayon kita higit na kailangan.
Ramdam na ramdam ko na mag-isa ako. Na wala s'ya. Ngayon ko na-realized na mali si Eric. Hindi s'ya ang labis na dumepende sakin. Ako. Ako ang naka-depende sa kanya.
Kung nandito si Eric, s'ya ang mapagkukunan ko ng lakas. Kaya ko ang lahat kapag kasama ko s'ya. Nakadepende ako palagi sa kanya. Hindi n'ya ko pinapabayaan at ginagawa n'ya ang lahat para sakin. Para mapagaan ang lahat para sakin.
Masisisi ko ba s'ya kung wala s'ya ngayon? Kasalanan ko naman. I should have listened to him.
I'm so sorry, Eric
"Sofia..." basag ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan n'ya.
Bahala na. Alam ko na kasalanan sa Diyos. Kasalanan sa sarili. Kasalanan kay Eric.
Pero wala na akong choice. Buhay na ni Lola ang nakataya.
Kakapit na ko sa patalim.
Pikit-matang gagawin ko 'to.
"I-Ipasok mo ko sa trabaho mo" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Nalaglag ang panga n'ya sa gulat. Nakita ko din ang pamamasa ng mga mata n'ya.
Umiling s'ya. "Hindi, Fallon. 'Wag mo gawin sa sarili mo 'yan"
"Kailangan" masagana ang pag-agos ng luha ko. "Kailangan kong mailigtas si Lola"
"May iba pang paraan. 'Wag kang gumawa ng pagsisisihan mo. Kung may choice ako, ayoko ng ganitong buhay. Alam ko na pagsisisihan mo 'to sa huli. 'Wag ka magpadalos-dalos. Hindi ganito ang buhay para sa'yo" umiiyak na sabi n'ya
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
Aktuelle LiteraturStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?