Chapter 19: Lalong Nahuhulog

17.5K 527 22
                                    

FALLON'S POV


Tahimik na umiyak nalang ako habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong sa hukay.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit na alam ko na hindi ko na makikita ulit ang batang tinuring kong isang tunay na kapatid. Ang sakit na ibinigay ko naman ang lahat ng kaya ko pero kulang pa din.

Mas naiyak ako nang maramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa balikat ko. Isinandig ko ang ulo ko sa kanya at tahimik pa din na umiyak.

Sa mga panahon na lumalaban ako para kay Toto, hindi niya ako iniwan. Binigyan niya ako ng lakas at suporta. At hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala siya.

"Mukhang uulan na. Halika na" masuyong bulong niya sa akin nang matapos na ang seremonya ng libing. Nagsisimula na ding magsi-alisan ang mga nakipag-libing.

Tiningala ko siya bago ako tumango. Pinilit ko din na ngumiti sa kanya.

Inayos niya ang pagkakakarga kay Avy at dinukot ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang mukha ko gamit ang libre niyang kamay. Napapikit ako sa init na naramdaman ko sa puso ko.

"Gusto mo ba na bisitahin na muna si Lola sa ospital?" masuyong tanong niya

Umiling naman ako. "Umuwi nalang tayo. Alam ko na pagod ka din. Saka para makapahinga ng maayos si Avy"

Nang tuluyang bumigay ang katawan ni Toto, inatake si Lola at hanggang ngayon ay nasa ospital pa siya. Si May ang nagbabantay sa kanya kaya hindi sila nakapunta sa libing ngayon.

"Ric, mabuti pa siguro, umuwi na kayo. Kami na ang bahala sa mga tao" sabi ni Sir Trent at tinapik pa si Sir Eric sa balikat.

"Fallon" malumanay na tawag sakin ni Miss Alisson at niyakap ako ng mahigpit.

Pakiramdam ko ay kaibigan na din ang turing nila sakin.

Yumakap ako pabalik sa kanya. "Salamat, Miss Ali"

Umalis na din sila kasama ang anak nila. Nag-volunteer na din si Miss Erica na siya na ang mag-a-asikaso sa pagkain ng mga bisita.

"Sa unit na muna tayo umuwi" sabi ni Sir Eric nang maiwan kaming tatlo sa tent

Tumango na lamang ako sa kanya. Ngayon ko naramdaman ang matinding pagod. At alam ko na ganoon din ang pakiramdam niya.

Tumungo na kami sa kotse niya at pinagbukas niya pa ako ng pinto ng front seat. Nang maayos na ang upo ko ay inabot na niya ang tulog na si Avy sakin bago umikot patungo sa driver's seat.

Tahimik kami sa buong byahe. Hindi ko pa din mapigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung mauubos pa kaya ang luha ko.

Nang huminto ang sasakyan ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Everything will be fine. Alam ko na mahirap at masakit ang nangyari pero gusto kong malaman mo na nandito ako" nginitian niya pa ako

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na ngumingiti pabalik sa kanya. Palagi niyang sinasabi 'yan. Na nasa tabi ko siya. At bawat sabi niya ng ganyan, mas nahuhulog lang ako sa kanya.

Totoo nga na ang pagmamahal ay dumadating sa hindi inaasahang panahon. Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na magmamahal ako sa gitna ng mga kaguluhan sa buhay ko. Na mare-realize ko na mahal ko si Ericson Jynn Jacobs sa gitna ng lahat ng ito.

Nang makarating kami sa condo unit niya ay pinauna na niya akong maligo. Dahil para sa kanya lang naman talaga ang unit na 'to, ang banyo na may shower ay nasa loob ng kwarto niya.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon