Note: Malandi ang chapter na 'to
_______________________
FALLON'S POV
"Avy, don't run" saway ni Eric sa anak.
Nasa likod bahay kami ng mansyon nila Neil.
Bukas ay ang binyag ni Skipper.
Mabuti nalang at holiday sa Monday. Bukas ng hapon pa kasi kami makakauwi at siguradong pagod pa ako ng Lunes.
"Mommy, look!" proud na pinakita ni Avy ang bulaklak na pinitas n'ya.
"Wow!" nakangiting kinuha ko iyon sa kanya at inipit sa likod ng tenga niya.
Humagikgik naman s'ya at kumandong sakin.
Kahapon lang ulit kami nagkita. Halata na miss na miss n'ya ko. Palagi s'yang nakadikit sakin at nakayakap. Natutuwa naman ako sa sweetness n'ya. Na-miss ko din kasi s'ya ng sobra.
"Ang close n'yo ni Avy" nakangiting sabi ni Maine.
Nagagalit sila kapag may Miss or Sir ang tawag ko sa kanila. Magkakaibigan na daw kami kaya dapat ay pangalan nalang.
"Oo nga e. Na-miss ko talaga 'tong bata na 'to" nanggigigil na niyakap ko pa si Avy.
"Handa na daw ang meryenda. Kain na muna tayo" yaya ni Troy at inalalayan na ang asawa n'ya papasok sa mansyon.
Lumabas din si Eric at kinarga na si Avy.
May ilang pa din ako sa kanila. Pero hindi tulad ng dati, mas komportable na ko ngayon. Mababait naman kasi silang lahat, lalo na ang mga babae.
"Mommy lang!" simangot na sabi ni Avy nang subuan s'ya ni Eric ng pagkain.
Sumimangot din si Eric. "Sa susunod iiwan na kita kay Lola Daria. Istorbo ka e"
Nagtawanan kaming lahat.
"Naaagawan ka ba?" nakangising tanong ni Troy
"Para kang sira, pati ba naman si Avy pinagseselosan mo?" dagdag ni Trent
"Asus! Ganyan ka din noon kay Cole" singit ni Alisson
Nag-asaran pa sila. Kinandong ko na si Avy at ako na ang nagpakain sa kanya.
Sobrang clingy lang ng batang 'to.
Matapos kumain ng meryenda ay nagyaya sila na pumasyal sa luapin nila Neil. Dahil abala pa ang mga Vergara sa preparasyon para bukas, 'yong mayordoma ang naglibot samin.
Nang marating namin ang talon ay napag-pasyahan namin na tumigil muna doon para maligo. Nabanggit na 'to ni Neil kaya may mga baon kaming mga damit.
Parehong buntis sila Alisson at Maine kaya sa parteng mababaw lang sila. Ang mga lalaki naman ay lumangoy na sa malalim na parte.
Hindi pa ako makaligo dahil nakatulog si Avy. Hihintayin ko nalang na magising.
Inabala ko ang sarili ko sa pag-re-review sa trigonometry. Malapit na kasi ang midterms kaya kailangan ko nang mag-review. Pinag-save ako ni Eric ng pdf files na pwedeng i-review sa iPad ni Avy.
"Ligo ka na. Ako na munang bahala sa bata" alok sakin ni Nana Fiona, 'yong mayordoma nila Neil. Kasama din namin ang anak ni Nana na si Melinda
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
Fiction généraleStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?