FALLON'S POV
Hanggang ngayon ay napapatirik na lamang ako ng mga mata kapag naaalala ko ang napakahangin na lalaking iyon! Akala mo kung sino! Akala mo naman pagmamay-ari niya ang mundo!
Oo nga gwapo siya, pero hindi siya ang pinaka-gwapo! Mas gwapo si sir Troy, lalo na si sir Neil! Kabanas, akala ko kanina tatangayin na ako ng hangin niya!
"Beh, uuwi ka na ba?" tanong sa akin ni Martha. Katrabaho ko siya dito sa resto ng hotel.
"Oo. Baka hindi pa nakakakain sila Lola" nakangiting sabi ko.
"Mami-miss kita" malungkot na sabi niya at niyakap pa ako. "Ako nalang ang matitirang maganda dito"
Natawa naman ako at gumanti ng yakap sa kanya. Dito pa talaga kami sa locker room nag-drama!
Temporary lamang kasi ako dito sa hotel, hanggat makapanganak lamang ang kapitbahay namin na pinalitan ko. Ang sabi ni Ma'am Daisy ay mas gusto na daw niya ako kaysa kay Giselle, ang kaso ay ayoko naman na tuluyan nang agawin an trabaho ng tao. Nagpapasalamat na nga ako na ako ang napili niya na pumalit sa kanya, ayoko naman na lamangan pa siya.
Tapos na ang shift ko. Dumaan na muna ako sa talipapa bago umuwi sa bahay. Malapit lang naman kaya nilakad ko na lamang.
"I'm home!" masiglang bati ko nang makapasok sa loob ng bahay. "Mano po, La" nag-mano ako kay Lola Delfina.
"Kaawaan ka, apo" nakangiting sabi niya. Hindi na masyadong nakakakita si Lola dahil sa katarata niya sa mata. Ayoko na din siyang pagtindahin sa palengke dahil matanda na din siya, 63 na si Lola.
"Ate" bati sa akin ni Carie. Kinuha niya ang plastik na dala ko at dinala na sa kusina.
"Wala pa ba sila May?" tanong ko kay Carie.
"Hindi pa umuuwi, Ate. Baka nag-uubos pa ng paninda" sagot ni Carie mula sa kusina.
Umupo ako sa kawayang upuan at nagtanggal ng sapatos. Tinignan ko si Lola. Nakasandal siya sa tumba-tumba niya at nakapikit. Hindi kami magkadugo pero kinupkop ako ni Lola Fina. Gayun din sina Carie, May at Toto.
Hindi na ako nakapag-patuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil hindi namin kakayanin. Nagkaroon na kasi ng problema sa mata si Lola at hindi na siya makapagtitinda sa palengke. May kamahalan din ang mga gamot niya kaya kailangan ko ng trabaho maliban sa pagtitinda. Mukha namang swerte ako dahil hindi pa naman ako nababakante.
Nagtatahi ako ng mga basahan at nilalako iyon ni Toto sa palengke at sa pilahan ng jeep. Si May naman ay 16 na at pagkagaling sa eskwela ay nagtitinda na ng lutong ulam sa pwesto namin sa palengke. Sa umaga ay ako ang naghahanda ng mga paninda at ako ang nagbabantay hanggang sa dumating si May. Closing ang kinukuha kong shift sa trabaho. Si Carie ay ten na at siya ang nagbabantay kay Lola sa bahay. Silang tatlo ay nag-aaral pa at gagawin ko ang lahat para hindi sila mahinto.
Humiga ako sa upuan at tumingala. Next week ay aalis na ako sa hotel dahil babalik na si Giselle. Kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho. Pagwe-waitress lamang ang nahahanap ko. Sinubukan ko na ang call center, pero hindi ako tatagal sa ganoon. Palagi na lamang kasi akong napag-iinitan ng team leader. Kapag baklita ay inookray ako, kapag babae ay ganoon din, kapag lalaki ay malagkit makatingin! Hay naku, ang hirap maging maganda!
Hindi sa pagmamalaki, pero alam ko na may itsura naman ako. May isang patak ng dugong dyosa sa dugo ko. Sinubukan ko na na mag-model pero muntikan na akong mapahamak. Fake kasi ang nagpakilalang scout sa akin at pinaghuhubad pa ako sa harap ng camera! Mula noon ay nadala na ako. Saka naisip ko na mahirap pumasok sa showbiz.
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
Ficción GeneralStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?