Chapter 34: Tawad

18.8K 557 21
                                    

FALLON'S POV


"Ikaw na ba bahala?" nakataas ang isang kilay na tanong sakin ni Jorgie.

Tumango ako sa kanya habang pilit na ngumingiti.

Last na talaga 'to. Aalis na ako sa dance troupe. Naging malaking tulong sila sakin, pero nahihirapan na akong pakisamahan sila. At isa pa, matagal na akong gustong umalis ni Eric dito.

Nahihiya lang ako na umalis na ngayon dahil may upcoming event na sasayawan namin. Nakasama na ako sa plano at ayoko naman na maging pabigat pa ako sa kanila kung bigla nalang akong aalis. Magugulo kasi ang formations.

Tinignan kong muli ang listahan ng mga kailangang bilhin para sa outfit sa event. Hindi naman ganoon karami.

Nang i-check ko ang cellphone ko ay may mensahe na si Eric


Kamahalang HABAGAT:

Gate na ko.


Hindi na ko nag-reply dahil sayang load. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at umalis na.

Hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit sila galit sakin. Siguro mga inggit lang. Ako na maganda!

"Uwi ka na?"

Napalingon ako sa kumausap sakin. Agad na ngumiti naman ako kay Sir Darren.

"Oo, Sir. Ikaw?" nakangiting sagot ko.

Sumabay s'ya sa paglakad ko. "Pauwi na din. Susunduin ka ni Eric?"

"Oo" tipid na sagot ko

Mahinang humalakhak s'ya "Bakod na bakod a" nanunuksong sabi n'ya. "Sabagay, sa ganda mong 'yan, madami talagang aaligid sa'yo. If I was your boyfriend, I'll do the same" kumindat pa s'ya sakin.

Natatawang hinampas ko nalang s'ya sa braso. Sanay na ako sa mga ganyang biro n'ya. Somehow, naging close na din kami.

Sinamahan akong maglakad ni Sir Darren hanggang sa gate. He even opened the door of the front seat for me.

"Hinatid ko na, dude" nakangiting sabi n'ya kay Eric

Nag-fist bump silang dalawa.

"Thanks" seryosong sabi ni Eric.

"Bye" nakangiting sabi ni Sir Darren bago isinara ang pinto.

Agad na pinaharurot ni Eric ang kotse.

"Close kayo?" seryosong tanong n'ya.

Napataas naman ako ng kilay sa kanya. Deretso lang ang tingin n'ya sa daan at seryosong-seryoso ang mukha n'ya.

"'Wag mo sabihing nagseselos ka" natatawang tanong ko sa kanya.

Tumulis lang ang nguso n'ya.

Natatawang kinurot ko ang pisngi n'ya. "Ang cute mo po" malambing na sabi ko sa kanya at mabilis na humalik sa pisngi n'ya.

Nanatili paring lukot ang mukha n'ya.

"Seryoso, Habagat. Para kang baliw. Seselos ka?" nang-aasar na sabi ko. "Nag-girlfriend ka kasi ng maganda e. Pero sabi mo naman pogi ka 'di ba? Bakit nagseselos ka pa?"

"Hindi ako nag-seselos, dami mong sinasabi. Nagbuhat ka nanaman ng sarili mong bangko. Baka lumipad 'tong kotse natin sa sobrang hangin mo" masungit na sabi n'ya.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon