FALLON'S POV
Sa walong buwan na relasyon namin, ngayon lang ako nakaramdam ng sakit. Pero sagad sa buto naman.
Ngayon na malaya akong nakakaiyak, ramdam na ramdam ko 'yong sakit. Nanonoot sa bawat hibla ng katawan ko.
Sa tuwing pipikit ako, nakikita ko sa isip ko ang imahe ni Eric na hinahalikan ng isang magandang babae.
Napaupo na ako sa gilid ng kalsada at napahagulgol.
Hindi ko maiwasang magselos. Nakita ko s'ya kanina, sa harap ng isang hotel, may naka-abistreng babae sa kanya at hinalikan s'ya sa labi bago ito sumakay ng sasakyan na nakaparada sa harap nila.
Mabilis lang ang halik, hindi kumilos si Eric at mukhang natigilan din s'ya.
Pilit kong binabalewala ang sakit kanina. Baka nabigla din si Eric, hindi n'ya ginusto 'yon.
Pero ang isang parte ng isip ko, pilit na isinisigaw na ganoon ang babae na nababagay sa kanya. Maganda, mukhang mayaman, at maibibigay sa kanya ang lahat ng gusto n'ya.
Iniyak ko nalang at inilabas ang lahat ng sakit. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.
Umuwi na ako samin. Tulog na ang mga tao nang makarating ako sa bahay.
Humiga na ako at inisip ang mga bagay-bagay.
Mahal ko si Eric. Hindi ang nakita ko kanina ang makapgababago n'on.
Kakalimutan ko ang lahat. Iisipin ko na hindi ko 'yon nakita, na walang ibang babae na humahalik sa kanya.
Saka hindi naman s'ya tumugon sa halik o nagpakita ng kahit na anong interes sa babae. Ayokong masira kami dahil lang sa ganon.
Ayokong masira kami. Masyado ko s'yang mahal, hindi ko kaya na magkahiwalay kami.
Pero kahit na ano'ng pilit ko, ayaw mawala ng sakit. Hindi din nakatulong ang buong araw na hindi s'ya nagparamdam. Normal sa kanya na maya't maya tumatawag ko kahit nag-te-text. Pero ngayon, wala ni isa. Kahit sa bahay ay hindi n'ya nagawang kumustahin si Avy.
Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasan.
Nakatulog ako nang umiiyak.
Kinabukasan ay nagising ako sa magagaang halik sa paligid ng mukha ko.
Namulatan ko ang gwapong mukha n'ya. Nananaginip ako.
Sa kakaisip ko sa kanya, nananaginip na ko nang gising.
"Mahal ko" masuyong tawag n'ya sakin
Dumilat akong muli at hinawakan ko ang kamay n'ya na nasa pisngi ko.
"Good morning" masuyong sabi n'ya bago yumuko para halikan ako sa labi.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at bumangon na ko.
Hinawi n'ya ang mga buhok na nakakalat sa mukha ko. "Na-miss kita. Buong araw kita 'di nakasama kahapon. Sorry, 'di ako nakatawag. Masyadong busy" hinalikan n'ya ang noo ko. "Promise babawi ako"
Busy? Saan? Sa babae n'ya
Ayokong mag-isip ng masama. Pero kahapon lang s'ya hindi tumawag sakin nang buong maghapon. Kahit kagabi ay wala ni isang text. Saan s'ya busy? Doon sa magandang babae?
Hindi ako makatingin sa kanya. Baka bigla nalang akong maiyak.
'Yong labi na humalik sakin, iyon din ang labi na hinalikan ng ibang babae.
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
General FictionStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?