FALLON'S POV
Sobrang ganda ng kasal na naganap. Hindi ko mapigilang maiyak. Sobrang saya ko para kay Miss Maine at Sir Troy, lalo na nang i-announce nila na magkaka-baby na sila.
Ang gara ng kasal na naganap. Parang hinugot sa isang fairy tale. Nakakainggit. Bata palang ako ay pangarap ko na ang ganitong kasal. Actualy, mas maganda pa nga ito kaysa sa pinapangarap ko. Ang swerte ni Miss Maine.
"Tere, kumain na ba kayo?" tanong ni Sir Eric nang umupo siya sa harap ng upuan ko.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Para akong nahihiya na ewan. At nasasaktan ako.
Awa. Iyon ang nararamdaman niya.
"O-oo" sagot ko naman sa kanya at binalingan na si Avy
Tatlong araw na kami dito sa isla. Kahapon nangyari ang kasal. Kaninang umaga ay umuwi na sila Sir Neil, naiwan kasi si Miss Cleo sa Manila kaya nagmamadali siyang umuwi. Saka nauna na yata si Sir Nexiel umuwi kagabi.
"Dito na muna tayo ng mga dalawang araw pa a" sabi ni Sir Eric.
Tumingin ako sa kanya. Nasalubong ko ang seryosong tingin niya sakin. Bahagyang nakakunot pa ang noo niya
Agad na nag-iwas ako ng tingin. Naiiyak kasi ako. Sa bawat sulyap ko sa kanya, parang may karayom na tumutusok sa puso ko.
"May problema ba, Tere?" may bahid ng pag-aalala sa tono niya. Ginagap niya pa ang kamay ko na agad ko namang hinila.
"W-Wala" sagot ko habang pinapanatili ang tingin ko sa kandungan ko. "Iniisip ko lang sila Lola, S-Sir Eric"
Ginagap niya ang baba ko at pilit akong hinarap sa kanya. "'Di ba sabi ko naman sa'yo Eric nalang. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan" malambing at may timbre ng pagbibiro ang boses niya pero seryosong-seryoso naman ang mukha niya.
Pinalis ko ang kamay niya at muling umiwas ng tingin. Hindi ko masalubong ang tingin niya. Natatakot ako na may makita siya sa mga mata ko na hindi na dapat pang makita.
"S-Sorry" mahinang sabi ko. "E-Eric" parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang sinasabi ko ang pangalan niya.
Ngayon naman ginagap niya na ng mga kamay niya ang magkabilang pisngi ko at pilit na hinarap ako sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Anong problema, Fallon Theresse? Alam kong meron" seryosong sabi niya.
Napalunok ako habang nalulunod sa masuyong titig niya.
Paano ko ba hindi mamahalin ng higit sa dapat ang lalaking 'to?
Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya. "H-Hey... why are you crying?" tarantang pinunasan niya pa ang mga luha ko.
Akala ko tapos na ako sa pag-iyak. Pero hindi. Ngayon umiiyak na naman ako.
"Ano ba kasing problema, Fallon?" masuyong tanong niya at lumipat na sa tabi ko ng upo. Kinabig na niya ako para yakapin.
Ito. Ito ang problema.
Ang sakit kasi na ginagawa niya ang lahat ng ito dahil sa awa. Okay na ako na ginagawa niya 'to dahil kaibigan niya ako. Na niyayakap ako at pinupunasan niya ang mga luha ko dahil kaibigan niya ako. Okay na ako na mahal niya ako bilang kaibigan, sapat na sakin 'yon. Pero hindi, naaawa lang siya sakin.
Ikinonsidera niya akong kaibigan dahil naaawa siya sakin. Ang sakit.
Hindi ko alam kung gaano ko katagal dinamdam ang sakit.
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
General FictionStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?