Disappointment is the most difficult emotion to handle. This chapter is for a special friend who's feeling so down as of the moment. I hope this will cheer you up even a bit.
FALLON'S POV
"Shall we go?" tanong sa akin ni Sir Eric
Hinalikan ko na muna ang noo ni Toto bago ko hinarap si Sir Eric. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Ikaw na muna ang bahala dito, Josephine" bilin niya bago ako inakay palabas ng silid.
Magdadalawang linggo na kaming ganito. Sa umaga, ihahatid niya ako dito sa ospital at susunduin si Josephine para ihatid sa mansyon. Tapos ay papasok siya sa trabaho. Sa gabi naman susunduin niya si Josephine sa mansyon at ihahatid dito sa ospital at ako naman ang kasama niya sa pag-uwi sa bahay. Bago umuwi ay susunduin namin si Avy sa bahay nila miss Erica at doon na din kami kakain ng dinner bago umuwi sa bahay. Tapos ay kukunin ni Miss Erica si Avy nang umaga sa bahay.
Alam ko na ang laking abala ko na sa kanila. Hiyang-hiya na nga ako. Pero wala naman akong magagawa. Kailangan ko ang lahat ng tulong na makukuha ko.
Idagdag pa sa mga iniisip ko ngayon ay ang papalaki nang papalaki na bill dito sa ospital at ang pagkakaroon ng diabetes ni Lola Delfina.
Nagkapatung-patong na ang lahat ng problema ko. Kulang na lamang ay hatiin ko ang katawan ko para sa lahat ng dapat kong gawin.
Walang pwedeng ibang magbantay sa ospital sa umaga kundi ako. Hindi naman pwedeng hindi pumasok sa eskwela si May dahil graduating na siya sa high school at malapit na ang fourth grading period examination nila. Iniisip ko din si Lola dahil nagkakasakit na din siya at kailangan din ng mag-aalaga sa kanya. At kailangan ko ding asikasuhin ang paglalakad ng mga requirements sa mga charity para makatulong sa gastusin sa ospital.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Minsan gusto ko nalang umiyak sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero kung hindi ako magpapakatatag, sino ang masasandalan nila?
"Ah, Tere" mahinahong tawag sa akin ni Sir Eric habang nasa byahe kami. "Nabanggit ko kay Tita Nat, Mommy ni Neil, 'yung case ni Toto kanina. May foundation si Tita na tumutulong sa mga bata na nangangailangan, sinabi niya na pupunta siya sa ospital bukas. Sasamahan ko siya. I know she'll be a great help"
Hindi ko napigilan ang mapaluha sa tinuran niya. "Maraming salamat, Sir Eric"
Sa dami ng gusto kong sabihin, iyon lamang ang namutawi sa bibig ko. Ginagap niya ang isang kamay ko at pinisil iyon.
"Tungkol naman kay Lola, kakausapin ko si Tita Amanda, mommy naman ni Trent. May foundation naman siya para sa elders. Nabanggit din ni Alisson kanina na willing siyang tumulong. Kung papayag ka daw, doon na muna si Lola at si May sa bahay nila Trent para mabantayan sila. Payag ka ba?" masuyong tanong niya. Inihinto niya ang sasakyan at inabot ang mukha ko. Pinahid niya ang mga luha na patuloy na tumutulo.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat at dumating ka sa buhay ko"
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. "Shhh. I'll always be here. No matter what happened, I am here" hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
Nakarinig kami ng mga busina kaya humiwalay na siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Hindi na muna natin kukunin si Avy ngayon. Para naman makapagpahinga ka ng maayos. Mukha namang nasasanay na siya kay Erica"
Suminghot ako. "Salamat talaga"
BINABASA MO ANG
Impish Hearts
General FictionStory of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?