Meetup 1

3.6K 88 11
                                    

Meetup 1: Ugly
Property of Momo_Ayren
Date updated: October 2,2015

(Nike's POV)

3 months passed after our break up.

I'm happy. I moved on.

Pfft. Asa ka pa. Ako naka-move on? Hindi noh. How can I? Mahal na mahal ko pa din yung gangster na 'yun. Tae. Nakakainis langs. Kahit anong pilit kong kalimutan at alisin siya sa isip at puso ko hindi ko magawa. Taena.

Ako nga pala si Nike. Nike Elle Forteza. Yep! I changed my name! From Nike De Castro to Nike Elle Forteza. Kasabay nun, nagbago din ako. I like to party. I like to flirt with the boys whom I didn't even know. Pero hindi pa rin naman ako nakikipag-toot toot sa kanila noh! Pinagsisihan ko nga yung pag beep beep namin nung gangster eh. Yun pala pinaglaruan lang ako, niloko lang ako. Ayun, naka-buntis ng ibang babae. Buti nga at hindi rin ako nabuntis. Umasa pa ako eh na magkakabalikan pa kami, na mag-explain siya, na gumawa siya ng paraan na habang pinapanagutan niya yung anak niya kay Aphrodite eh panagutan niya rin yung pagmamahal ko sa kanya. Pero wala eh. Taengna.

Ang emo ko. Syet.

Nagmumura na nga pala ako. PALAGI NA. Kung noon pa-gago gago o pa-bwisit bwisit lang ako, ngayon eto may pa-syet syet na, may pa-fvck fvck na. Tae. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong tao. Pero nakakagaan kasi sa pakiramdam ang mag-mura. 'Di ko alam kung bakit.

Balita tungkol sa barkada?

Ayun, si Athena hindi na ipagpapatuloy ang pag-aaral. Mag a-artista daw eh. Sumunod naman si Zeus sa yapak ng crush niya. Syet lang. Ang gagi ni Athena. Hindi niya sinasagot si Zeus. Bahala siya. Si Poseidon at Airi, mag a-abogado. Si Pudding este Black sheep aka Nikko? Ayun, hindi na rin nagpatuloy sa pag-aaral. Bahala yung kambal sa buhay nila! Bahala nang maging mangmang yung dalawa! Mayaman naman. Sabi ni Artemis eh papanagutan daw talaga ni Nikko yung bata tas makahalik daw kay Aphrodite sa lips parang mag-asawa lang daw tingnan. Syet. Naiiyak ako.

BUT SPEAKING OF gaga. Ayun, si Artemis magc-criminology. Ang gagi nga eh at naisipan niyang mag pulis. Sabi niya gusto niya daw ng aksyon. Gagi talaga. Si Apollo naman, ayun magt-titser. Buti pa ang boypren niya at mas matino pa sa kanya.

Ako? Eto, nagtatapon o di kaya sumisipa ng lata sa may tabing dagat. Joke. May pangarap kaya ako! Mmmmmmm...ano...gusto ko...business ad na nga lang! Ayun, tinanggap ko nga yung offer ni Auntie Carla. Bahala na si Doc Mcstuffins! Eto nga, nasa airport na ako. Lalangoy papuntang SoKor. Joke. Syempre, sasakay ako ng eroplano ano. Eto namang si Tita Michy grabe maka-iyak. Parang mamamatayan ng pamangkin. Pinipigilan nga niya akong umalis eh. Gusto niya siya daw magpa-aral sa akin. Haller. Nasanay na rin kasi akong 'wag umasa sa iba kaya tinanggap ko yung offer ni Auntie na libreng makapag-aral sa SoKor. SoKor for South Korea.

"*sniff* Alagaan mo yung sarili mo dun ah. Eto nga pala ang address ng pinsan mo. Kinausap ko na yun sa skype. Sabi niya ok lang naman daw na makitira ka dun." sabi niya habang inaabot ang isang papel sa akin. Kinuha ko naman ito at inilagay ito sa bulsa ko.

"Ok tita." Sabi ko. She gave me death glare. Tae. Tumindig yung balahibo ko dun ah. "Nike, remember. NO BOYS ALLOWED SA BAHAY NIYO NG PINSAN MO AH. No flirting din doon, please maawa ka. Marami pa akong pangarap para sa iyo at sa pinsan mo tapos...mag-aral ng mabuti ha. Mag-uusap tayo sa skype every Saturday ok?" Dagdag pa ni Tita. Syet. Nangangati yung labi ko pag wala akong nahahalikang stranger. Pano ko gagawin yung utos ni Tita?!

"Okay okay. Fine!"

"No liqours din."

"Oo na!"

Napakamot nalang ako sa batok ko. Naman oh! Bye life! Urghhhh. Tapos nun ay niyakap ako ni Tita ng mahigpit. "I love you. Paki-sabi na din sa pinsan mo na, I love you at I miss you galing sa akin ok? Take care Nike." Sabi ni Tita. Sakto, tinawag na kaming aalis papuntang SoKor.

Aalis na sana ako at pupunta na sa loob ng eroplano ng mau tumawag sa cellphone ko. Si Artemis =_____=

"Ano kailangan mo?"

"Ang sungit mo na besh. Grabe! Bye na ha. Alagaan mo sarili mo dun. Mag-aral ka ng mabuti. Gawin mo lahat ng projects chuchu~" sabi niya. Ehdiwaw.

"Maka bilin ka jan daig mo pa si Tita Michy. Oo, mag-aaral ako ng mabuti. Kayo din ah. Mami-miss ko kayo. Paki-sabi sa barkada na mahal na mahal ko sila at kayo ang inspirasyon ko. Lol. Ahhh basta! Palalabs ko kayo. Pramis, babalik ako." Sabi ko. Tae. Naiiyak ako. Mami-miss ko kasi yung barkada eh. Mga lokong 'yon.

"Balik ka ha. See you soon."

"See you soon din. Takte, naiiyak ako." Tumawa naman yung gaga sa telepono. "Sige na nga. See you soon. Bye!" Sabi niya tas binabaan ako ng telepono. Ayun, sinuot ko ang shades ko. I'm ready to go!

Habang nag-lalakad may napansin akong lalaking amerikano ang mukha. Mukhang kasing age ko lang. Ang gwapo niya ah. Ano? Flirt na 'to? Ayyy! 'Wag Nike! Behave! Nag-promise ka kay Tita Michy ok?

"Hey, mister." Ay putek. Nilapitan ko pa. Syet. =_____=

Tinaasan naman niya ako ng kilay. Naka-shades din siya tas naka-beanie. "What do you want?" Tanong niya.

I seductively smirked and pointed his chest. "You. I want you." Sabi ko. "Sorry but I don't flirt to ugly girls like you."

UGLY?

AKO?

"What did you say?" Napakunot kong noo na tanong sa kanya. Napa-smirk siya. "Ugly." Sabi niya at iniwan ako dito sa gitna ng airport. Huta. Sinabihan pa naman akong panget? Grabe siya! Hindi man lang ba siya natuklaw ng kamandag ko? Sobrang ganda ko kaya! Like I'm so dyosugh you know?

Hindi ko nalang pinansin. Hindi na naman rin kami magki-kita nung bulag na 'yon eh kaya chokie langs. Mas p-problemahin ko pa ang trapik sa EDSA kesa sa sinabi niya sa akin. The syet? I'm to the D to the Y to the O to the S to the U again to the G and to the H. Dyosugh me noh. Ampupu. Ang jeje ko ata. Kaiyak.

Nung nakasakay na ako ng eroplano, sumilip ako sa bintana. Kasabay ng pag-alis ko dito ay iiwan ko na din ang happy and sad memories naman ni Nikko. Pangako. Pipilitin ko siyang kalimutan. Pipilitin kong 'wag umiyak ng dahil na malalaman ko nalang isang araw na magpapakasal na si Nikko kay Aphrodite. Pipilitin ko talaga. Promise.

Tumulo naman ang mga luha ko. Pakshet. 'Di ko na natiis. Nikko, bakit mo ba kasi akong sinaktan? Bakit mo ba kasi binuntis si Aphrodite eh di sana masaya tayo ngayon. Eh di sana...hindi ako aalis.

Buhay nga naman! Parang life talaga!

I leaned into the chair where I am sitting and gently closed my eyes. I wish pag dating ko sa SoKor makakalimutan ko na nga talaga siya. Tapos mahahanap ko na yung Mr. Right ko. Taena. Korni ko. Ang dami ko atang mais na nakain at na-sobrahan ako sa kakornihan ngayon?

Hindi katagalan...nakatulog na ako.

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon