Meetup 29: Problem with that girl.
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 14,2015(Nike's POV)
2 weeks had passed pagkatapos nung bubble tea shop issue...ayun, maayos na ang takbo ng shop. Pagkatapos ng klase ay bumibisita kami sa shop para malaman kung ang mga problema doon and also to get the income. Naglalakad ako sa isang street pauwi ng bahay. Oh yas kabisado ko na ang daan! I'm so proud!
Saan ako nanggaling? Bumili ako ng lollipop sa isang convenience store. Wala lang. Gusto ko lang kumain ng lollipo. Walang klase ngayon. Saturday kaya. Duh. Naglalakad ako ng makita si Ivan na naka-sando na gray tas may kasamang...BABAE?!
Kulay gray ang buhok ang babae tas naka-red siya. Ang gondo niya! Nakatingin sila sa cellphone ni Ivan. Parang may pinapanood. Muntik naman akong mapasigaw ng biglang na out of balance yung babae tas nasalo ni Ivan. Jusko lord. Amen.
PANO NA SI TRIXY?!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Trixy sa hindi kalayuan na nakatingin din kina Ivan. Mukhang naiiyak siya. "CHEATER!" sigaw niya tas tumakbo palayo kina Ivan. Dali-dali ko namang sinundan si Trixy pero bago iyon ay nadaanan ko si Ivan. "Ang landi mo pala." Sabi ko kay Ivan at sinundan na si Trixy. Kawawang Trixy.
Nasundan ko naman si Trixy na ngayo'y umiiyak sa isang bench. Umupo ako sa tabi niya. "Okay lang 'yan." Sabi ko habang may lollipop sa bibig. Teka. May lollipop pa ako. Kinuha ko ang isang lollipop sa bulsa ng shorts ko at inabot kay Trixy. "Hindi ako bata." Sabi niya.
"Sige na. Baka dahil sa lollipop gumaan loob mo." Sabi ko. Kinuha naman niya iyon at binalatan tas inilagay niya iyon sa bibig niya. Tumigil naman siya sa pag-iyak. "Alam mo, kahit ginagawa mo 'tong kabaitan na ito ...hindi ko pa rin mabanggit sa sarili ko kung boto ba talaga ako sa'yo para kay Kuya." Sabi niya.
Napangiti lang ako. "Alam mo, I felt betrayed." Sabi niya. "Bakit?" Tanong ko. "Dahil sa nakita ko na si Ivan may ibang babae...feeling ko napaka-tanga ko. Feeling ko, he cheated on me." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya. Natawa naman siya bigla. "Tama nga pala. Hindi ko naman pala boyfriend si Ivan. Ahahaha. Ang bobo ko. Masyado talaga akong feelingera't assuming." Sabi niya.
"Bakit ako nagre-react ng ganito eh hindi naman kami ni Ivan? Pag-ibig nga naman." Dagdag niya pa. Naawa naman ako sa kanya. Ang sama ni Ivan. Sobra. Umiyak naman si Trixy. Teka, ubos agad ang lollipop? Kumuha uli ako sa bulsa at ibinigay sa kanya. Tumigil na naman siya sa pag-iyak. Eh?
"Ang sarap naman nitong lollipop na 'to. Tama ka nga onnie (ate). Gumaan ang loob ko dahil sa lollipop na 'to. Kamsahamnida. (Thank you.)" Nginitian ko naman siya. "Alam mo onnie, sa tingin mo...bagay ba kami ni Ivan?" Tanong niya.
"Wala namang humahadlang sa pagmamahalan niyo ah pero sadyang napaka-opposite niyo lang. Ikaw maingay...si Ivan naman napakatahimik." Sabi ko. "So hindi kami bagay?" Tanong niya. "Tao kayo ano ka ba." sabi ko
Tiningnan naman niya ako ng masama. "Juk lang. Ano, hindi naman sa hindi kayo bagay pero sadyang ang dami lang ng pagkakaiba. Magkabaliktad kayo ni Ivan." Sabi ko. Nanlumo naman siya. "But opposites do attract naman diba?" Dagdag ko pa. Nag-shrug naman siya. "Ewan. Mahal na mahal ko si Ivan. Ayaw ko siyang maagaw ng iba kasi feel na feel ko eh na his my forever."
Kung hindi lang mabigat loob nitong ni Trixy eh binatukan ko na 'to tas sasabihan ko na walang forever. Napa-sigh naman siya. "Base sa nakikita ko Trixy, Ivan is starting to fall in love with you." Sabi ko. Napatingin naman siya sa akin. She gave me sure-ka-ba-binobola-mo-lang-ata-ako look. Tumango naman ako.
"As in?" Tanong niya. "Paulit-ulit? Oo, 'yon yung nafi-feel ko. Mukhang mahal ka ma rin ni Ivan." Sabi ko. "Eh kung mahal niya ako e di sana hindi ko siya nakita with that girl kanina." Sabi niya. Sabagay. May point naman rin si Trixy. Pero baka may reason naman behind nun.
"Teka, babae pa talaga 'yong kasama ni Ivan kanina? E mukhang wala naman 'yong boobs eh." Sabi ko. "Babae yun. Flat lang siguro. Ano kaya nagustuhan ni Ivan sa kanya?" Sabi naman ni Trixy. "Siguro dahil sa buhok niya?" sagot ko.
"Hindi eh. Mukhang 'yong kamay niya." Sabi naman ni Trixy. "Magpapa-cutix ako mamaya kase yung babae na kasama ni Ivan kanina eh walang cutix yung kuko." Dagdag niya pa. E di wew. "Baka naman yung flat boobs niya?" Sabi ko.
"E di sana pina-flat ko nalang 'tong boobs ko." Sabi naman ni Trixy. Natawa nalang kami sa mga kagagahan namin. Teka. Ako 1st year college then si Trixy Grade 10 pa tas nag-uusap kami na para bang magka-same year level kami? E di wew.
"Punta tayo ng bahay onnie?" Sabi ni Trixy. "HA? Ayoko. Nakapangbahay lang ako." Sabi ko. "Nah. It's okay." Sabi niya. "Kahit anong suotin mo, kahit panyo lang...maiinlab pa din si Kuya sa'yo." Sabi ni Trixy. Ang manyak naman ata ni Trixy? Kahit panyo lang suotin ko, magugustuhan pa rin ako ni Loki? Tae.
"Sige na nga!"
----
"Where's Trixy?" Isang Ivan na 'di mapakali ang naabutan namin sa bahay nila Loki. "Wala nga siya dito! Gusto mo sariwang pambahay na tsinelas? Ano? Ano ba kasing nangyari?!" Inis na sabi ni Loki. "TRIXY! I'M SORRY!" sigaw ni Ivan tas napaluhod sa sahig. Eh?
Nakita naman kami ni Loki na nasa harapan ni Ivan. Nasa likod kami ni Ivan. K? Binatukan naman siya ni Loki. "Gago,bulag lang? Andun sila sa likod mo." Sabi ni Loki. Tumingin naman si Ivan sa direksyon namin. Niyakap naman agad niya si Trixy. "Sorry." Sabi niya.
Inalis naman ni Trixy ang yakap ni Ivan. "Hindi mo naman kailangan mag sorry. Hindi naman tayo diba?" Sabi niya. "I don't care. As long as I know that I hurt your feelings I will say sorry forever not until you forgive me." Sabi ni Ivan. Ilang sentence ba iyon? Teka, bibilangin ko.
Naiiyak naman si Trixy. "Ikaw naman kasi! Bakit ka nagkagusto sa isang babaeng flat chested tas walang manicure sa kuko?! Ha?! Mas maganda naman ako dun!"
"Ako ba tinutukoy mo?" May isang malalim na boses ang lumantad. Tiningnan ko kung nasaan nanggaling iyon. O______O
TEKA! SIYA YUNG BABAENG KASAMA NI IVAN KANINA!
Nalilito na ako. Babae ba talaga 'to o lalaki? "I'm Johnny-"
"JANI?! GAGO KA NAMAN PALA IVAN EH! MAS NAGKAGUSTO KA SA BAKLA KESA SA KAPATID KO!" Biglang singit ni kuya Luke. Teka. Andito pala siya? Ayy teka Nike. LUKE LANG.
"Dude, I'm not gay! I'm a guy and I'm sorry cuz because of me, misundertandings had been created." Sabi ni Jani? Or Johnny with an H?
"Ano yung pinapanood niyo ni Ivan kanina sa phone niya?" Tanong ko. "Basketball game yun." Sagot ni Johnny. "Eh paano kayo nagkakilala?"
"Because of Yuki. I am a member of the student council. Yuki and me are suppose to have an urgent talk about our latest project earlier but he won't able to come, so pinilit niya si Ivan na siya nalang ang maging ka-meeting ko? Ok na b?"
Eh sa mukhang babae talaga 'tong si Johnny eh! Ang ganda! Ayy mali. Ang gwapo!
---
Muntik ko nang masapak si Nike dahil sa panglalait sa ex-husband ko. Juk.-Ayrenxx
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...