Meetup 18: The quarrel about them.
Property of Momo_Ayren
Date updated: October 30,2015(Irene's POV)
Tumakbo ako ng mabilis. Baka maabutan ko pa yung taeng Ivan na 'yon. Aba! Binastos si Best?! Conscious naman ako sa nararamdaman sa akin ni Ivan. It's just that...wala eh. Hanggang frenemy lang talaga tingin ko sa kanya. Simula childhood days ko si Loki, Ivan at Joshua na yung kasama ko. Mula nung doon pa kami sa Pilipinas nakatira hanggang dito sa SoKor sila yung palagi kong nakakasama pero wala talaga akong spark na naramdaman kay Ivan. Siguro, may iba pa akong hinahanap?
Nilibot ko na ang buong Partson pero hindi ko talaga siya makita. Nasaan na ba si Ivan? Kailangan ko talaga siyang makausap. Kailangan kong linawin lahat-lahat. Char.
Nagpahinga muna ako sa isang bench. Hindi ako babalik 'don sa S10 room hangga't hindi ko pa nakakausap si Ivan. Hinihingal ako. Putspa."Hinahanap mo ako?" May biglang sumulpot na kabuteng Ivan. "Ayy kabute!" Sigaw ko ng dahil sa gulat.
Umupo siya sa tabi ko. Dala-dala niya yung libro niya. Ewan ko kung anong genre o kung ano ang title ng story. "You know what, hahabaan ko na yung bilang ng mga salita na sasabihin pagmula ngayon." Sabi niya. Ang haba nga ah.
"Teka, ilang words ba 'yon? Paki-ulit nga at bibilangin ko." Sabi ko. Napatawa naman siya. Tulugu? Bumilog naman ang mga mata ko. "As in? Tumawa ka?" Shock kong sabi.
Ginulo naman niya ang buhok ko. "Do you like me?" Tanong niya. H-huh? Question and answer? Agad agad? Hindi ko naman siya matingnan.
"Since we were kids, when I was with you...my heart beats faster. I don't know why. Years passed, namatay ang parents ko. Alam mo naman 'yon diba? At dahil doon nagbago ako. I never smiled and laughed again. Hanggang apat o limang salita lang ang nasasabi ko. I became the Ivan that everyone dislikes. Napaka-cold ko. But even if naging ganun ako...my feelings for you won't stop. Ewan ko kung bakit. Tas ngayon, you made me smile and even laugh. I like you." Speech niya. As in? Nalungkot naman ako sa sinabi niya.
Talaga Ivan? Sobrang tagal na niya palang tinatago ang nararamdaman niya sa akin. Napaka-manhid ko naman. Sobrang tanga ko. Pero...hindi ko naman siya mahal. Hindi ko siya gusto. Hindi ko masusuklian ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa akin. Bilang kaibigan, nasasaktan ako para sa kanya. I can't help to cry while smiling at him.
"Why are you crying?" Kinabahan niyang tanong.
"I'm sorry." Sabi ko. "Mahal naman kita Ivan eh. Pero bilang kaibigan lang. I'm so sorry at hindi kita minahal the way you wanted to be. I'm so so so so sorry." Sabi ko sa kanya habang umiiyak. Sumeryoso naman ang mukha niya. "Si Drake yung gusto mo diba?" Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Hindi. Wala akong gusto sa isa sa inyo. Promise--"
"Ok lang naman sa akin eh. You like him right?" Sabi niya. "Ivan..."
"Gusto mo nga siya." Sabi niya. Pinikot ko naman ang tenga niya. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na wala nga akong gusto kay Drake? Ano ba!" Sigaw ko sa kanya. Napapa-'aray' naman siya. Inalis ko naman yung kamay ko sa tenga niya.
Hinaplos-haplos naman niya yung tenga niya. "Okay. You don't like him." Sabi niya.
Lumaki naman ang mga mata niya. "YOU DON'T LIKE HIM?" Sabi niya at hinawakan ako sa balikat. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inasal niya. As in? -____-
"So it means may pag-asa pa?"
"I'm sorry Ivan but Irene will be mine." Sulpot naman ng isa pang lalaki. Putspa. Si Drake. "Why are you here?" Seryosong ani ni Ivan. Lalim ng tagalog ah. "Because Irene is here. At kung saan siya pupunta, dapat andun rin ako." Sabi ni Drake.
"Oh really?" Nanghahamon na banggit ni Ivan. "Yes." Sabi naman ni Drake. Bago pa may mamuong tensyon sa kanilang dalawa ay pumagitna na ako. Putspa. Sobrang ganda ko naman talaga at pinag-aagawan ako ng dalawang lalaki.
"Batok. Gusto niyo?" Sabi ko. "Pwede ba! Tumigil na nga kayo! Nakakainis na kayo ha! Akala ko ba magkaibigan kayo?" Inis kong sabi. Napatigil naman sila.
"Mamatay kayong dalawa! Bwisit!" Sabi ko tas napakamot ng batok. Ang putspa nila. Bwisit. "I'm sorry." Sabay nilang sabi.
Nabigla nalang ako ng biglang inalok ni Drake ang kamay niya kay Ivan. Tiningnan lang yun ni Ivan. "I want Irene to be mine. You want her too right? Then, may the best man win?" Sabi ni Drake. Tinanggap naman ni Ivan ang kamay ni Drake at nag shake hands sila.
"May the best man win." Sabi naman ni Ivan. ANO? HINDI NAMAN AKO TUMATANGGAP NG MANLILIGAW! ANO BA NAMAN 'TO OH!
"Taena niyo. May nalalaman pa kayo diyang 'may the best man win' utot niyo pink! Kung liligawan niyo man lang ako pwes... Hindi ako nagpapaligaw!" sabi ko. "Ivan, mahal ka naman ni Trixy. Why don't you give her a chance? She is doing all the effort para lang magustuhan mo rin siya. Ikaw naman Drake, please pwede ba? Mamatay ka na? Wala akong gusto sa kahit isa sa inyo." Sabi ko at umalis.
Hard na kung hard. Pero hindi ko talaga sila gusto eh. Wala akong gusto sa isa sa kanila actually. Kung tinatanong niyo na baka si Loki...mga hunghang! Bestfriend ko lang si Loki. Ano ba kayo? At pagdating naman kay Joshua...I'm sorry nalang. He isn't for me. He's for Ella. Ayieee.
Basta ganun. Wala akong gusto kina Ivan at Drake. As in. Mga utot sila. Wala naman akong nagugustuhang lalaki simula nung bata pa ako. Never akong nagkaroon ng crush. Promise. Ang ganda ko kasi para magkaroon ng crush.
"Kamusta?" Sulpot ng isang lalaking amerikanong hilaw. Si Loki. "Mamatay? Gusto mo?" Sabi ko. "Sabi ko nga, 'di ka okay? Ano ba kasing problema? Pabayaan mo na yung kapatid ko. Kung mahal mo si Ivan...eh di sagutin mo na." Sabi niya.
Sinapak ko naman si Loki. "Isang daang sapak? Ano ba! Wala nga akong gusto kay Ivan! Frenemy lang talaga tingin ko sa kanya. Promise. Ang taena niyo naman." Sabi ko. "Eh si Drake." Sabi niya.
Umaksyon naman ako na sasapakin ko uli siya. Itinaas naman niya ang kamay niya at ginawa niya iyong panangga sa ulo niya. Hindi ko naman itinuloy ang pagsapak sa kanya at sinipa ko ang paa niya. "Araayyyy!" Sigaw niya ng dahil sa sakit.
"Ikaw kasi eh! Diba sabi ko wala nga akong gusto sa kanila?" Sigaw ko sa kanya. "Sabi ko nga. Pwede ba! Napaka-sadista mo naman! 'Wag kang erps!" Sigaw niya sa akin. "Erps erps ka diyan! Isa pang sipa? Gusto mo?" Sigaw ko naman.
Tumahimik naman 'tong mokong. "So ano plano mo?" Bigla niyang tanong. "Ewan. Basta. Wala akong gusto sa isa sa kanila." Sabi ko.
"Pero paano kung...may gusto ka talaga sa isa sa kanila? Hindi mo lang inaamin sa sarili mo o hindi mo pa masyadong nararamdaman? Paano 'yon?"
"H-hindi ko alam." Sagot ko sa tanong ni Loki. Oo nga. Baka may gusto nga ako sa isa sa kanila. Baka si Ivan o di naman si Drake. URGHHHHH!!
"Bahala ka." Sabi niya. Binatukan ko naman. "Ano ba! Aalis na ako! This is bully!" Sigaw niya. "Sige sumigaw ka pa! Sobrang nakakatulong ka talaga!" Sigaw ko.
"EH IKAW NAMAN KASI EH! HINDI MO PA INAAMIN SA SARILI MO AT PILIT MONG PINAGTUTULAKAN NA WALA KANG GUSTO SA ISA SA KANILA! MABUTI PA AKO! ALAM KO NA MAY GUSTO KA KAY DRAKE!"
O____O H-huh? Si Drake? Siya ang gusto ko?
-Ayrenxx
![](https://img.wattpad.com/cover/50816906-288-k823822.jpg)
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...