Meetup 10

1.6K 46 4
                                    

Meetup 11: Our child.
Property of Momo_Ayren
Date updated: October 16,2015

(Nike's POV)

                    Halik.

                    Kiss. K-I-S-S.

                   to touch with the lips especially as a mark of affection or greeting. WHAT THE EFFIN CUPCAKE! TAE. NAGNAKAW NG HALIK SA'KIN SI LOKI!

                   Teka.

                   Bakit ako nagkaka-ganito? Anong nangyayari sa akin? Marami nang lalaking humalik sa akin pero ngayon lang ako nag-react nang ganito. He's still kissing me. Syet.

                    "I love you." Sabi niya. Tumayo naman ako ng maayos.

                    "I hate you." Sabi ko tapos umalis. Hinila naman niya ako papalapit sa kanya kaya ang kinalabasan nayakap ko siya. Inilapit niya ang ulo niya sa tenga ko.

                     "You hate me today, but who knows? Maybe by tomorrow, you already fell for me. I'll do everything just to make you fall for me." Sabi niya at kinindatan ako. Napalunok naman ako ng laway. Santa Maria. Nag gu-goosebumps na me!

                    Iniwan niya akong tulala at naninigas doon sa pwesto ko. This boy is making me crazy! Nakakainis! Hinawakan ko ang dibdib ko. My heart is racing like hell. Sht. I think I have butterflies in my stomach. Taena.

                     Nasobrahan ata ako sa pagka-exotic at pati butterfly nakain ko? Tae. This guy is playing his game at sinali niya ako dun. Hmph! I'll make sure na mananalo ako sa laro niya. Bleehh.

                     Sinundan ko siya kasi for sure kung saan man siya papunta eh nandun din sina Irene. Ayun, sinundan ko siya. Nasa harapan ko siya. Nasa likod niya ako. Ang gwapo pala ni Loki ano kahit nakatalikod. Ang manly tingnan. Ayyy,teka! Anong sabi ko? Amputs.

ERASE ERASE ERASE! DELETE DELETE DELETE! HINDI AKO NAG-GWAPUHAN SA LOKI NA'TO!

                      "Nag-gwapuhan ka sa'kin?" Nabigla nalang ako ng bigla siyang humarap sa akin at sinusuot niya ang kanyang ngiting nakakaloko. "What? Ako? Nag-gwapuhan sa'yo?" Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko.

                       Tumango siya. "Hindi ano!" pagd-deny ko. "Talaga? Eh sabi mo nga ang gwapo ko pala kahit nakatalikod tas ang manly ko." Sabi niya. Namilog naman ang mga mata ko.

                       "Mind reader ka!" Sigaw ko. "Hindi noh. Kanina ka pa kaya nagsasalita." Sabi niya at tumalikod na. Syet. Syet. Syet.

                       Tinakpan ko naman ang bibig ko. Tinapa na nanganak ng kabayo. Amputs! Naglakad lang kami at ayun nakarating kami kung nasaan sina Irene. As usual, naga-away sila ni Ivan. Todo selos naman 'tong si Drake. Fishy?

                       Si Joshua naman, sabay sila ni Ella na namimigay ng relief goods. Todo ngiti naman 'tong si Ella. Fishy rin ah. Ayy teka. Hindi naman ako nagse-selos noh! Si Yuki naman ayun tinutulungan ni Cherry. Cherry ha. Alam ko 'yang diskarte mo. Si Edzel naman, inaasikaso ang mga bata na kumain. Ang cute tingnan!

                       Habang ako nakangiti na tumitingin sa kanila. Ang cuteeee! Napatayo naman ako ng maayos ng biglang nilagay ni Loki ang kamay niya sa beywang ko.

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon