Meetup 32

1.1K 41 3
                                    

Meetup 32: LQ
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 30,2015

(Nike's POV)

So ayun nga. Medyo nagtampo pinsan ko sa barkada. Napaka-OA naman ng pinsan ko. Tapos na 'yon. Naka-move on na ako. Bakit niya pa kailangang magalit?

Halos mag da-dalawang araw naman simula nung pangyayaring iyon. Na-miss ko talaga ang barkada. Ngayon, papunta na kami ni Irene sa Partson. Hindi naman siya nagtatampo o whatsoever sa akin. Sa barkada lang naman siya ganun eh. "Oh, Elle. Tapos mo na bang pirmahan 'yong mga documents na pinapapirmahan sa'yo ni Yuki?" Tanong sa akin ni Irene.

"Ah, Oo." Sagot ko. "Akin na at ako na ang pipirma." Sabi niya tas inabot ko sa kanya ang mga documents. Yung documents na iyon ay para sa papalapit pa din na PA fest. Oh diba? May PA fest din kaya kami pero gagamitin namin ng S10 ang lahat ng powers namin para mas gumanda at mas memorable ang PA fest dito kesa sa ibang Partson branches all over the world. Mga next month na. Ahihihi.

"Ano suggestion mo para sa PA Fest?" Tanong ko kay Irene. "Wedding booth?" sagot niya. "Tae. Hindi papayag si Yuki niyan." Sabi ko. "Subukan niya lang at ipapasunog ko bahay nila. Tingnan ko lang kung hindi iyon papayag." Sabi naman ng pinsan ko. Kahit kelan talaga, napakasadista nitong pinsan ko.

"Yung iyo? Ano suggestion mo?" Tanong niya sa akin. "Food booths?"

"Gaga. May canteen kaya!" Sigaw niya. "Oo nga noh. Umm...ano nga ba?" Sabi ko. "Marami pang araw para mag-isip." Sabi niya. Tumango naman ako. Teka, nasaan ba yung service namin?

Nung nakarating na kami ng Partson eh dumiretso na kami sa S10 room. Si Ella at Joshua, naghaharutan. Si Drake, hinihintay si Irene. Si Ivan naman at Trixy, nag-aaway. Si Cherry at Yuki, busy sa mga documents habang si Edzel naman ay nagdidilig ng mga bulaklak. Si Loki? Nasaan ba iyon?

"GOOD MORNING!" bati ko sa kanila with matching pakaway-kaway. Yung iba walang paki pero si Edzel, Joshua at Ella nag-'hi' sa akin. Si Drake naman dumiretso kay Irene. Namigay ng chocolates sa pinsan ko. Ayyy siya lang? Bakit wala ako?

Pinalo ko naman si Drake. "Hoy Drake, bakit wala ako niyang chocolates?" Sabi ko. "Hindi ka kasi bumili." Sabi niya. Pilosopo lang? "Haha. Funny. I mean, bakit pinsan ko lang binigyan mo niyan? Kung manliligaw ka man lang rin sa pinsan ko...dapat ligawan mo rin mga kamag-anak niya." Sabi ko. Tiningnan niya lang ako. Wala siyang paki. Tae siya.

"NIKEEEEEEE!" sigaw ng isang amerikanong hilaw. Ngayon pa siya dumating? "Maka-'Nike' ka wagas. Close tayo? Close?" Sabi ko sa kanya. Nag-pout naman siya. Ang cute! "NIKEEEEE!" May sumigaw pa. Tiningnan naman namin kung sino iyon. O_____O

ARTEMIS?

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. "Hihi." Yun nalang nasabi niya.

"Elle, who are they?" Tanong ni Edzel. "Edzel this is Artemis, Apollo, Athena, Zeus, Poseidon and Airi."sabi ko. Nag-'hi' naman ang buong barkada kay Edzel. Nag-'hi' din si Edzel. Nanlaki naman ang mga mata ni Athena. "OMG! EDZEL?! IS THAT YOU? I'M ATHENA? REMEMBER? YOUR CLASSMATE!" Sabi ni Athena. Nanlaki naman ang mga mata ni Edzel. "Oh yes! Athena Partson right? OMG." Sabi niya tas nag-beso beso sila. Sige sila na.

Lumapit naman si Yuki at Cherry sa amin. Shock naman ang mukha ni Drake. "Partson? So it means--"

"Oo. Anak siya ng may-ari ng lahat Partson Academy sa mundo. Adopted child." Sabi ko. Pero kalaunan, wala namang pakialam si Drake. Bakit ba kapag ako nagsasalita walang pakialam si Drake?

"Loki Lee right?" tanong ni Zeus kay Loki. Napalunok naman ako ng laway. "I MISSED YOU BRO!" Sigaw ni Zeus at ayun, nagyakapan 'yong dalawa. Magkakilala na pala sila. "Airi..."

aba. Biglang nagsalita si Ivan. "Nice to meet you again, bro." Sabi ni Airi tas nag brofist sila ni Ivan. Mukhang second time ko ata nakita si Ivan na nakangiti? Yung first eh yung nasa meetup 20 then eto yung pangalawa. Gawd!

----

Nung natapos yung morning sched namin eh sabi ni Ersa-nim eh pwede na naming gawin yung para sa PA fest means walang klase. Oh yeahhhh!

Lumabas na kami ng buong S10
Sa S10 room so ayun. Sabi ni Yuki dapat sabay-sabay kaming mag lunch ngayon. Bwisit talaga tung si Yuki! Pahirap sa buhay! Pagkalabas at pagkalabas namin ay biglang bumungad ang barkada. Eh? Andito pa sila? "Andito pa kayo?" Tanong ko. "Syempre, hinintay ka namin eh." Sabi ni Poseidon.

"Bakit?" Tanong ko. "Gusto kasi namin na kasabay kang maglunch tas kasama si...Loki." sabi ni Apollo. "Aba bakit?" Tanong ko uli. "Eh kasi naman, you did chika to us na you and Loki have a relationship na pala!" Sagot naman ni Athena. Halos mahihimatay naman ako sa sinabi nila. Kami na ni Loki? Jusko.

"Saan niyo naman nakuha ang balitang iyan?!" Galit kong tanong sa kanila. "Kay Loki." Sagot naman ni Airi. Para naman akong sasabog ng dahil sa inis. Dali dali kong pinuntahan si Loki at pinisil ang tenga niya. Napapa-'aray' naman siya. Hinila ko naman siya papunta doon sa pwesto nina Athena.

"Nahihibang ka na ba? Ako at ikaw? Tayo na? Jusko. In your dreams." Sabi ko habang tinuturo ang sarili ko at siya. "Nahihibang ka na rin ba? Gwapo ako, maganda ka...bagay tayo." Sabi niya. "Ako? Nagagandahan ka sa akin? E yung nasa airport nga tayo ayaw mong...makipaglandian sa akin dahil napapangitan ka sa akin. Atsaka, hindi ako bagay! Tao ako!" Sabi ko naman. Humina ng konti boses ko nung pagkadating sa 'makipaglandian' word.

"You're such a playgirl Nike. Of course! Ayaw kong makipaglandian sa'yo noon kasi...stranger ka pa." Sabi niya. "Oh so ganun? Kapag stranger...hindi mo nilalandi?" Tanong ko. "Nahiya naman ako sa'yo eh landiin mo lahat ng lalaki. That's the reason why I created this game. Kasi napaka-playgirl mo na! Dapat kang maparusahan! Puta." Galit niyang sabi.

Parang may kumurot naman sa puso ko. Tae. Ang korni ko. Pero seryoso...parang may kumurot talaga. So all this time, lahat ng pagpapakilig sa akin ni Loki...parte pa rin pala ng laro 'yon? Ang tae.

"So ganun? Ang tae mo rin ano. Mamatay ka." Sabi ko at nagwalk out. Nainis talaga ako. Ang putspa! Kabayong kumain ng tofu! Huhuhu~ ang sakit ata nung nasabi ni Loki? Natatalo na ba ako sa laro? Nononononono Nike! Hindi pwede iyon! Ikaw ay isang great great beautiful player so dapat hindi ka matalo. Ok?

"Oh? Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Artemis. "Sa tingin mo?" Inis kong sabi. Natawa naman sila. Ang galing nilang kaibigan. Grabe. Insert sarcasm. Putspa. "LQ?" tanong ni Zeus. "Gag*. Quarrel lang...walang love." Sabi ko. Teka.

"Teka, mukhang narinig ko na iyon ah."sabi ni Apollo. Kumanta naman si Zeus. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" kanta niya. Pabayaan. Binatukan naman siya ni Athena. "Zeus!" galit na sabi ni Athena.

"Ano ba kayo! Naiinis na ako ah! Naka-move on na nga me! Pramis!" Sabi ko. "Ohws, tulugu lung huh." Sabi ni Artemis at binatukan ako. Syempre. Binatukan ko rin siya pabalik. "Ang tae mo. Tama na. Naka-move on na nga ako! Sapak gusto niyo?" Sabi ko sa kanila. Tinawanan na naman nila ako.

Naiinis na talaga ako. "Bakit na naman?" Inis kong tanong sa kanila. "Loki or Nikko?" Tanong ni Athena. Kumanta uli si Zeus. "Sino ang ibiigin ko...ikaw ba na pangarap ko o siya bang--arayyy!" bago pa man natapos ni Zeus yung kinakanta niya ay natapunan ko na ng sariwang sapatos.

"Ano ba guys, there was never an us." Sabi ko. "Never an us daw eh maka-ILY nga noon kay Nikko...wagas. Pano na si Loki?" Komento ni Poseidon.

"Guys! Naka-move on na nga ako sabi eh!"

"Naka-move on? Tsk. Bakit pa siya umiiyak-iyak sa harapan ko?" Biglang sabi ng isang amerikanong hilaw at kunwaring kausap si Joshua. Nagtaka naman si Joshua sa sinabi ni Loki.

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon