Meetup 24

1.2K 40 3
                                    

Meetup 24: Opened.
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 14,2015

(Nike's POV)

                       Andito kami ng pinsan ko ngayon sa mall. Kasama namin si Vexy nangayo'y nakatanga lang na tumatayo sa gilid. Nasa shop na si Tita. Napaka-busy na niya ngayon. Ngayon na kasi ang opening ng bubble tea shop. Kaya nga kami andito ng pinsan ko dahil bibili kami ng damit na masusuot mamaya. Yung tungkol naman sa nangyari kay Drake at Irene...hindi ko nalang tinanong ang pinsan ko tungkol doon.

                        Iniiwasan nga niya si Drake. Si Drake naman ayaw niyang intindihin kaya lapit parin ng lapit kay Irene. Parang noon lang ayaw na ayaw niya sa pinsan  ko tapos ngayon, siya na 'yong lapit ng lapit. Naiinis. Naiinis na din ako kay Loki. Aba, hinalikan na naman ako kahapon! Pero ok lang. Kinilig naman ako eh.

                        Nakakita ako ng magandang dress. Medyo daring siya. Awiee. Ai lab it! Kinuha ko 'yon at tinry ko. "Hoyy btch. 'Di 'yan bagay sa'yo. Maghanap ka pa ng iba." Sabi sa akin ng pinsan ko. Ouch. Sabihan ba naman ako ng btch. Pero totoo naman.

                        Binalik ko naman 'yong damit. Tumingintingin pa ako ng may kinuhang damit ang pinsan ko at tinry niya 'yon. Naku. 'Di bagay. "Hoyy amazona. 'Di 'yan bagay sa'yo. Maghanap ka ng iba." Sabi ko sa kanya. "Teka linya ko iyan ah." Sabi niya.

                         "Sabi ko nga."

                         Dinilaan naman niya ako tas naghanap siya ng ibang damit. Bwahahaha. May nakita na naman siyang ibang damit tas kinuha niya iyon at tinry. Bagay naman sa kanya. Pumunta siya ng fitting room tas doon sinuot niya 'yong damit. Habang naghihintay na s-stress na ako. Nakakainis! Wala pa akong damit na nakikita na babagay talaga sa akin!

                          "Amo, eto po. Try niyo." Sabi ni Vexy habang may inaabot sa akin ang isang damit na kulay puti tas may butas sa dalawang gilid sa may tyan. Hmmm...nice nice. Kinuha ko iyon. "Thank you, Vexy." Sabi ko sa kanya. "Paparusahan niyo po ba ako?" Tanong niya. Hindi ko nalang pinansin at pumunta na rin ako ng fitting room. Pagkatapos kong suotin ay nakita ko na 'yong pinsan ko na suot suot 'yong damit na nakita niya kanina. Puti rin ang kulay. Sabi rin kasi ni Tita eh dapat puti ang susuotin. Oh e di parang a-attend lang kami ng lamay.

                          "'Yan ang bagay sa'yo, couz." Sabi ni Irene. "Ikaw rin. 'Yan ang bagay sa'yo." Ngumiti naman si Irene. Pumunta na kami ng counter. Sinabihan namin 'yonh cashier na susuotin nalang namin ngayon 'yong damit na nabili namin tas 'yong damit nalang na sinuot namin kanina ang babalutin.

                          Bumili nalang din kami ng heeled shoes. Paalis na sana kami ng mall ng na-feel namin na parang may kulang. Tama! Hair and make-up! Pumunta kami sa isang salon then doon nagpaayos kami ng buhok and also nagpa-make up din kami. Natapos na akong ayusan pero 'yong pinsan ko hindi pa.

                          Sabi kasi nung hair stylist eh dapat palitan na daw ng pinsan ko ang color ng buhok niya. Kaya ayun. Nagpa-blond ang pinsan ko. Nung pagkatapos ng lahat lahat ay pumunta muna kami sa isang cafe sa mall at kumain. Pagkatapos ay dumiretso na kami ng shop. 3:00 o'clock na ng hapon. 3:30 ang mags-start ang opening. Pagkarating namin doon ay nagulat kami ng nakita namin ang lahat ng mga ka-member namin sa S10 pati si Trixy at isang lalaking 'di ko kilala.

                          Si Trixy, cling ng cling kay Ivan. Si Ivan naman parang naiinis na siya kay Trixy. Go Trixy! Si Joshua naman naka-akbay kay Ella. Si Ella naman nakangiti. Kinikilig 'to. Si Yuki at Cherry naman nag-uusap. Habang si Edzel at 'yong lalaki eh naghaharutan. Tas si Drake...naka-headphones. Teka, may nakalimutan ako.

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon