Meetup 6: First Class 10.
Property of Momo_Ayren
Date updated:(Nike's POV)
Unang araw ko sa kolehiyo. Ang sabi nila matatawag mo daw na 'hell' ang buhay mo kapag nakatungtong ka na sa college. Sana naman hindi totoo yung sinasabi nila. Huehue. Ang tae. Parang ayaw ko tuloy pumasok.
Bumangon na ako sa kama. Naisip ko naman yung tungkol kahapon. Yung kay Joshua. Naawa talaga ako sa kanya. Hayyy. Takte. Sa dinami-dami kong lalaking niloko kay Joshua lang ata ako naawa at nakonsensya ng ganito. Irene naman kasi eh! Sinampal ko naman ang sarili ko. Focus Nike! First day of class ngayon. Dapat hindi ka haggard. Marami ka pang lalandi-ing lalaki ok?
Naligo na ako tas sinuot ko na yung uniform namin. Yung uniform namin kagaya lang nung doon sa Partson doon sa Pilipinas. Tapos ay nagpaganda ako then ready to go na. Isang binder (tama ba ang spelling?) At dalawang ballpen lang yung dala ko. Syempre, hindi mawawala yung cellphone. Oi oi oi. Yung cellphone ko ngayon iba sa cellphone na ibinigay sa akin ni Pudding ay este Black sheep. Pinalitan ko na. Common sense. Chos.
Bago ako nakalabas ng kwarto ko para bumaba at kumain ay may nag text sa akin. Tiningnan ko kung sino 'yun. Si Artemis. Na-miss ko na 'tong gagi na 'to ah.
From: Baliw na Artemis
Hi besh! Chup chup! Good luck nga pala sa first day of class niyo diyan ah! Nike, may sasabihin ako...si Aphrodite. Nakunan siya besh. Nakunan siya dahil kay Nikko. Mahal ka pa pala ng gangster besh.
Like to the D to the U to the H. Ano? Ako? Mahal pa rin ni Nikko? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o maiiyak. Oo, masaya ako sa nasabi ni Artemis na mahal pa pala ako ni Nikko pero...si Aphrodite. Nakunan siya. Matutuwa pa ba ako dun?
Bumukas naman yung pinto ng kwarto ko. "Oh, Elle--" agad ko namang niyakap ang pinsan ko at napaiyak ako. Ewan ko kung bakit. "Oh, An'yare?" Tanong niya.
"I love you, Couz." Sabi ko. "Oo na. Tara na sa baba. Kain na tayo." Sabi niya. Pinunasan ko naman ang mga luha ko. Syet. Natunaw yung liquid eyeliner. Magre-retouch muna ako. Ayun, nauna naman si Irene na bumaba habang ako nag-retouch. Pagkatapos ay bumaba na rin ako para kumain. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng bahay pero bago kami nakalabas ng tuluyan kinausap muna ako ni Irene.
"'Wag maging awkward." Sabi niya. Hindi ko naman naintindihan. Anong nangyari sa kanya? Tapos nun ay lumabas na kami. Pagkalabas namin naintindihan ko na kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. May kotse sa harapan ng bahay namin kung saan nasa loob nun si Joshua at si Ivan. JOSHUA?! Uh-oh.
Binati ni Irene si Joshua at Ivan ng 'Good morning' ganun rin yung ginawa ko pero wala naman silang pakialam. Sumakay na kami sa kotse at dumiretso na ng Partson. Kinakabahan ako. Tae.
Nung nakarating na kami sa Partson ay ang daming tao. Oo nga pala. Business Ad din ang course ni Irene tas ganun rin si Joshua at Ivan pati raw yung Loki. Tengene. Bumaba na kami ng kotse. Kinakabahan talaga ako. Ang tae. Tofu.
"Elle, tara sa bulletin board!" Sabi ni Irene at hinila na ako papunta sa lugar na hindi ko alam. Bulletin board nga pala. Parang nung first day of class ko lang 'to sa Partson doon sa Pilipinas ah. Ang dami ding nagsisiksikang tao dun. Ayun, sumiksik ako dun. Sumunod naman siya. Pagkadating namin doon sa harapan marami pang tumulaktulak sa akin pero keri lang. Tiningnan ko yung mga listahan. Amputs. Hindi ko naman maintindihan. Schedule ata yun ng klase ng lahat ng Partson University college students.
May isang listahan naman ang namumukad tangi. Special 10? Ano yun? Binasa ko 'yun. AY TEKA! BAKIT ANDITO YUNG PANGALAN KO?! Bakit pang 2nd ako?
"TARA NA!" sigaw ni Irene. Tumango naman ako kaya ayun umalis kami doon at bumalik sa pwesto namin kanina kung nasaan rin sina Joshua. Nakita ko namang naiinis si Irene. "First si Loki, second si Elle, fourth ka Joshua, pang fifth ka Ivan at pang anim LANG ako. Amputs. Urrghh! Bakit mo'ko inunahan Ivan?!" Galit na sabi ni Irene. "Bobo." Sabi ni Ivan kay Irene.
Nainis naman si Irene at pinikot niya ang tenga ni Ivan. Napapasigaw naman ng 'Aray' sa Ivan. Tahimik lang kami ni Joshua ng may dumating na tatlong babae. Mga koreana sila.
"I wish luck to all of you! Elle right?" Sabi ng isa sa akin. Tumango naman ako. Ngumiti siya.
"Special 10 students is so smart!" Sabi pa nung isa. Huh? Globe yung sim ko. Joke. "Good day, We wish luck to all of you. Ivan and Joshua oppa...you both are very handsome." Ay lumande? Nag-bow sila at umalis. Ano bang nangyari sa tatlong 'yon?
"Tara sa lumang botanical?" Suggest ni Irene. Sa totoo lang para kaming pipi ni Joshua dito na hindi nagsasalita pag magkasama kami. Tumango naman ako. "How about Loki?" Tanong ni Joshua. Ayun, nagsalita din.
"Bahala na siya! Buhay niya 'yan. Masyadong tamad kaya pabayaan niyo na!" Sabi ni Irene at hinila ako papunta doon sa lumang botanical. Sumunod naman yung dalawa. Pagkarating namin doon namangha agad ako. Mukhang hindi naman iyan lumang botanical ah. Mukhang bago nga eh at ang ganda.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Joshua kay Irene. "Aba, ewan. Basta ang sabi dun pumunta daw tayo dito." Sagot naman ni Irene. Ilang segundo palang ang nakakalipas ng may isang nerd din ang pumasok sa botanical. Nagbabasa siya ng SciFi na libro. Ilang minuto ay may dumating naman na 2 babae. Magaganda sila kahit napaka-simply nila. Mga singkit sila. Ilang minuto uli may 2 lalaki rin ang dumating. POGI! CHINITO SILA MGA BEYBE!
Ilang segundo uli ang lumipas ay dumating na yung lalaking amerikano ang mukha. Si Loki. Half korean at half hispanic pero nanalaytay daw talaga sa dugo niya ang pagiging hispanic niya kaya ayun mukhang amerikano. Kahit iyan daw ang nationality ni Loki ay laking Pilipinas daw iyan sabi ni Irene. Super friends nga yung dalawa eh. Sobrang mag-bestfriends kung baga. Yun yung sabi ni Irene.
Napansin ko naman na sampu na kaming andito sa Botinical. Ano kayang meron? "Yo." Bati ni Loki. Tiningnan niya ako tas inirapan. Aba't! "Kamusta? Tinatamad?" Tanong ni Irene."Yeah. Tinatamad na ako eh. I was so lazy to go to school early dahil alam ko naman eh na ako yung mauuna sa listahan ng S10." Sabi ni Loki. Wow ha.
"E di wow." Sabi ni Irene. "Ang lakas naman ng energy ng 'wow' mo ha." Komento naman ni Loki. "Na-miss talaga kita ganda." Sabi ni Loki kay Irene tas inakbayan siya. Inakbayan rin naman siya ni Irene. "Na-miss rin kita mokong." Sabi naman ni Irene.
Mukhang close 'tong dalawa ha.
Nagulat ang lahat ng may isang babaeng naka-pang professor ang suot. Eto na. Kinakabahan na talaga ako. Atsaka ano ba ano ba ang 'Special 10'? Ano ba 'yon? Para saan ba 'yon? Atsaka bakit kami andito? Bakit sa botanical garden pa?
"Annyeonghaseyo. (Hello) Ersa-nim imnida. (I'm Ersa) and I will be your professor for all your subjects."
Ayyy, Hanu daw? Lahat ng subjects? Owhss. 'Di nga? Eh di waw.
-Ayrenxx
![](https://img.wattpad.com/cover/50816906-288-k823822.jpg)
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...