Epilogue

1.6K 36 6
                                    

EPILOGUE

(Nike's POV)

7 years later. . .

Sa mga nakaraang pitong taon ay sumaya ako. Pagkatapos maipanganak ni Aphrodite ang anak nila ni Nikko ay kasabay nito ang pagkapanaw niya. Hindi ko maiwasang malungkot sa t'wing iniisip ko 'yon. Pero ngayon, malaki na ang bata. Teka, correction. MGA BATA. Oo, mga bata kasi. . .kambal na babae't lalaki ang mga anak nila ni Nikko. Nung naka-graduate na kami ng S10 ay nagkanya-kanya na kami ng buhay. Si Loki? Hindi naman nagwork out 'yong desisyon ko eh seven years ago.

    I mean, kahit anong gawin ko kasi eh. . . si Nikko parin. Naramdaman naman 'yon ni Loki kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay sa akin. Syempre, hindi ako nasiyahan sa gusto niyang mangyari pero natuwa nalang din ako kasi alam kong hindi na siya umaasa at wala na akong pinapaasa. Masakit din kasi para sa akin na isiping umaasa lang si Loki sa wala. Mahal ko pa din kasi ang gangster na si Nikko. Hays.

    Si Irene? May flower shop na siya at sila ni Drake ang namamahala nun. Kasama sa flower shop na pinapalakad nila ay minana ni Irene ang higit 10 na bubble tea shop na branch namin sa SoKor. Nag-improve kasi kami ng nag-improve. Kaya ayun. Kasal na yung dalawa at syempre, may isang anak na sila ni Drake. Lalaki ang anak nila at Drane ang pangalan. Pinagsamang Drake at Irene.

    Si Edzel at Cherry ay naging super model na nga. Natatawa nga ako at hindi nagkatuluyan itong si Yuki at Cherry. Ewan ko ba.  Hindi nag work out ang mga bagay-bagay para kina Cherry at Yuki right after ng graduation. Yun ang chismis ni Irene sa'kin. Wala na akong balita kay Yuki. Ewan ko ba sa hapones na 'yon at parang bitter ata sa lovelife ni Edzel. Hahaha. Si Edzel kasi, engaged na siya. Oh yas. Engaged na si Edzel sa boyfriend niyang si Dino. Ang saya diba?

    Si Ella at Joshua naman, ayun. Staying strong yung dalawa. Balak ni Joshua na mag propose kay Ella in the next few weeks. Ayaw niyang biglain si Ella. Baka ma-ospital na naman daw. Si Apollo at Artemis? May poreber nga sa kanilang dalawa. Hindi na ako magbibigay ng detalye para sa kanila. Nab-bitter lang ako.

    Si Athena at Zeus naman, walang poreber sa kanila. Biglaan pero. . . patay na si Zeus. Naaksidente si Zeus at nahulog ang kotse na minamaneho niya habang pinupuntahan si Athena sa shooting nito sa bundok 2 years ago. Mahirap tanggapin kasi parang kapatid ko na si Zeus pero. . . kailangan talagang tanggapin eh. Si Poseidon naman, ewan. Wala na akong balita sa kanya just like Yuki.

     Kay Airi at Jeremy, hindi din sila nagkatuluyan. Pero nanatili naman silang magkaibigan. Walang awkwardness sa kanilang dalawa.

    Si Ivan at Trixy ay engaged na rin. Feeling ko, sabay na ikakasal si Trixy at Edzel sa piling ng mga lalaking mahal nila. Ini-imagine ko nga paminsan ang dalawa na sabay na naglalakad papunta sa harapan ng altar. Kinikilig ako.

    Ako naman, masaya na ako kasama ang dalawang adopted child ko. May cafe nga pala ako at dito na ako nags-stay sa Pilipinas. Pinabayaan ko na ang pagiging playgirl ko. Ayoko na ng ganun. I'm too fab for it. Ni minsan hindi ko pinabayaan ang dalawang batang 'to. Si Mikka at Mikko. Kahit pa habang nag-aaral pa ako noon sa SoKor ay inaalagaan ko parin sila. Mahal na mahal ko 'tong dalawang pasaway na batang 'to. 

    Tahimik akong nagb-bake ng brownies dito sa kusina ng bahay ko ng biglang may dalawang bata ang naghahabulan ang dumating. "Mikko! Mikka! Stop playing. This kitchen isn't your playground." panenermon ko sa kanila.

     "Sorry mom," sabi ni Mikka at huminto sa paghahabol kay Mikko. "What are you cooking, mom?" tanong ni Mikka. Hinihingal si Mikko kaya hindi makapagsalita. "Brownies. Diba favorite niyo 'yan ni Mikko?" tanong ko sa kanila habang nakangiti ng malapad.

     They smiled.

     "Ofcourse mom!" sabay nilang sagot. I just laughed at their cuteness. Nahawid ang dalawang bata kay Nikko. Lalo na si Mikko. Hawid na hawid siya sa ama niya.
Nage-enjoy ako sa pagb-bake kasama ang mga bata ng biglang natataranta na pumunta sa akin ang maid.

    "Ma'am! Ma'am!" nagpa-panic niyang sigaw. Nabigla ako pero nanatiling mahinahon. "Oh bakit?"

    "Ma'am! Ma'am! May nakabangga sa kotse niyo." sabi ng maid. Huh? Eh na-park ko sa--

Oh sht.

Hindi ko pala na park sa garahe ang kotse ko. "Just stay here kids. Mommy will just go down for a second." sabi ko. "I want to come with you~" pa-cute na sabi ni Mikko. Binatukan naman siya ni Mikka. "Mommy will return here to continue baking. You idiot." sabi niya at saka ko sila iniwan. Napatawa naman ako habang bumababa ng bahay. Yung dalawa talaga.

   Nung nabuksan ko ang gate ng bahay, nakita ko ang kotse ko na may kotseng katabi. I immediately checked up for my car and just wow. May gasgas. Bigla namang umandar ang sasakyang nakabangga sa kotse ko. Aba. Tatakas pa ha.

    Nainis ako kaya tumakbo ako para makapunta sa harapan ng kotse para maharangan ang pagtakas ng driver. Nag-expect ako na hihinto ang kotse sa pag-andar pero nagpatuloy pa din ito. Nanlaki naman ang mga mata ko. Baka eto nang katapusan ko.

    Akala ko at mamatay na ako ng biglang huminto ang kotse. Halos ilang inches nalang ang pagitan ng tuhod ko at harapan ng kotse. Naka-posisyon naman ako na babaeng masasagasaan. Idinilat ko ang mga mata ko. Sht. Ang daming tao pala ang nakatingin sa akin.

     Nainis naman ako sa drayber at sinipa sipa ko ng ikatlong beses ang kotse. Sa pangtatlo na pag-sipa ko ay lumabas ang isang lalaki na naka-shades at nagyo-yosi. Nabigla naman ako. Familiar siya.

    "B-Black sheep este. . . Nikko?"

     At first nagulat siya na nakita niya ako. Baliw. Sino namang hindi magugulat kapag ang taong sinaktan mo 7 years ago ay makita mo ulit? But then he smirked nung na-realize niyang. . .ako talaga ito.

"Long time no see, Nike."

     That time naaalala ko na nagbabalik tanaw  lang pala ako. Andito na ako sa altar. Kaharap ang gangster na nagpatibok ng puso ko. Sa oras na ito ay magpapalitan na kami ng 'Yes'. Lahat ng tao dito sa simbahan pati na rin ang Poong Maykapal ang saksi sa pagmamahalan namin ni Nikko. Mula sa mga pagsubok at masasayang alaala namin. . . sila yung naging kasama namin. Hanggang dito nalang siguro.

ITAAS ANG BANDERA NG MGA MASAYA SA LOVELIFE!

Ang playgirl at btch na Nike. . . naka-off na!

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon