Meetup 2

2.4K 69 4
                                    

Meetup 2: Cousins be like.
Property of Momo_Ayren
Date updated: October 2,2015

(Nike' s POV)

Nagising ako na naka-sandal sa isang balikat. Ewan ko kung kaninong balikat yun basta umalis nalang bigla. Pinu-punaspunasan ko naman ang laway sa gilid ng bibig ko. Ayun, ang dami. Inayos ko din ang sarili ko. Hayyy. Tumingin ako sa bintana. Omoygash! Nandito na ako!

I quickly get my baggages and quickly got down from the plane. Wala na akong pakialam sa nakakabangga ko. It's just that I'm so excited. Nung nakatapak na ako sa lupa ng South Korea...ang sarap sa pakiramdam. Nice nice. Nagulat ang mga tao ng makita nila akong hinalikhalikan ang lupa. Wala na akong pakialam. Think what they do wanted to think. Taena. Sobrang saya ko!

"AI LAB YO SOUTH KOREAAAA!" sigaw ko. Nabigla nalang ako ng mau biglang humila sa akin palabas ng airport at iniwan ako bigla. Naka-beanie siya. At dahil dun nalaman ko na siya yung lalaking sinabihan ako ng panget. Ayy. Nagkita pa kami? Lels. Nakakainis siya! Kitang kita naman niya na feel na feel ko yung unang pagtamak ko sa lupain ng South Korea tapos grabe siya makasira ng moment. My middle finger salutes you Mister!

Ang sabi ni Tita, hintayin ko daw yung pinsan ko dito sa labas ng airport. Kinabahan naman ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang itsura niya. Ni hindi ko nga alam kung babae ba siya o lalaki. Nae-excite ako na kinakabahan na naiihi na ewan. Tae. Ampupu naman nito oh!

Habang naghihintay, nakita ko uli yung naka-beanie na lalaki. May kasama siyang dalawang lalaki. Puro pogi. Mga chinito yung mga kasama niya samantalang siya amerikano yung mukha. Hayyyst. Pakialam ko ba dun. Hindi na naman rin kami magkikita eh. Haller! Ang laki kaya ng South Korea! Imposible naman na magkita pa uli kami. Pero may isang lalaki na kasama niya ang naka-catch talaga ng mga mata ko. Gawd. Ang pogi niya! I want to flirt that guy! Hayyst. Ang tae.

Di katagalan umalis na sila habang ako nilalangaw na sa kakahintay sa pinsan ko. Nasaan na ba yung taeng pinsan ko?! Nagtaka nalang ako ng biglang may papalapit sa akin na babaeng pink ang buhok. Spell Anghel. S-I-Y-A. Siya. Ang ganda niya! Pero haller spell dyosugh. A-K-O. Ako. Bleeh.

Bigla siyang nag-bow sa harapan ko at ngumiti. "Annyeonghaseyo, choneun Airin imnida." Sabi niya bigla. Takte, ang alien niya. Nasaan na ba ang korean dictionary ko! Google translate please!

Bigla naman siyang napa-tawa ng mapansin niya sigurong napa-praning na ako sa kaka-kapa ng bulsa ko. Tupa. Nasaan na ba ang korean dictionary ko? Ang tae naman nito. Sana imbes na nakipag-landian ako sa halos isang daang lalaki sa loob ng tatlong buwan ay eh di sana nag-aral nalang ako ng Korean language. Tofu. "Hello, ako si Irene. Ikaw si Elle diba? Long time no see couz kahit hindi pa tayo nagkikita." Sabi niya.

Na-badtrip naman ako. Alam naman pala niyang mag-tagalog eh. Ang tae niya.

Teka?

Siya ang pinsan ko? The fudge.

"Ikaw ang pinsan ko?"

"Hindi, cousin...gusto mo?" Pamimilosopa niya. Natawa naman ako. "Loka ka couz. Ako 'to. Hindi ba ako nai-kwento ni mommy sa'yo? Tupang tea." Sabi niya tapos inayos ang bangs niya then she flipped her hair at nag-posing. Natawa uli ako. Loka loka pala 'tong pinsan ko.

----

"So Elle, this is my house and tig-iisa tayo ng kwarto. Suppose to be kay mommy talaga yung isang kwarto pero since dito ka na titira eh ikaw na ang gagamit nun." Sabi niya. Namangha naman ako. Akala ko magdo-dorm lang kami pero yun pala. Emeged. Ang ganda ng bahay tas ang linis.

"Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko sa kanya. "Noon pero ngayong andito ka na...tinatanong pa ba yan?"

"Ang linis ng bahay ah. May hi-nire kang maid ano?"

Napakunot naman siya ng noo. "Maid? Duh. Wala ako nun noh atsaka thank you sa pag-puri sa kalinisan ng bahay ko. Perst taym ko kayang mag-linis dito sa bahay." Sabi niya. Ngeek.

"Ilagay mo na kaya yang mga bagahe mo sa kwarto mo?" Pagsa-suggest niya. "Gagawa muna ako ng meryenda." Sabi niya at dumiretso na sa kusina. Ang cute ng bahay. Hindi naman siya masyadong maliit. Hindi naman rin masyadong malaki. Tama-tama lang naman. Pumasok ako ng kwarto ko. Nalaman kong kwarto ko kasi may sticky note. Planado talaga 'to ni Irene ah.

Ang ganda ng kwarto ko. Promise. It's so ughhh. Ang ganda tsaka ang linis!

Nag-ayos na ako ng gamit ko. Nilagay ko sa mga tamang lalagyan ang bawat gamit ko. Hayyy, ang sarap sa pakiramdam. Medyo maginaw dito pero keri ko siya. Pansamantala akong nag-aayos ng nga gamit ko ng biglang bumukas ang pinto. Wow. Hindi ata uso ang kumatok?

"Tapos ka na bang mag-arrange diyan couz? Eto nga pala. Meryenda. Wala ka bang jetlag?" Pag-aalala niyang tanong.

"Wala eh. Ok lang ako." Sabi ko. Ngumiti naman siya. "So couz, kwento ka naman sa sarili mo. Lack of info kasi ako sa'yo eh. Si mommy may nalalaman pang pa-thrill thrill daw. Nasobrahan ata sa kakabasa ng mga pocketbooks. Btw, may boyfriend ka na?" Tanong niya.

"Marami." Sabi ko. "Ay play girl ka teh?"

I smirked. "Yep."

"Nice nice. Hoy couz, more info pa?" Tanong niya. "Nakakapagod mag-kwento. Ikaw nalang muna. Sige nga. Bakit ka dito sa SoKor nag stay?" Tanong ko sa kanya. "Eh kasi naman si mommy gusto niyang dito ako mag-aral since grade 8. Malaki na daw ako kaya alam niyang kaya ko naman daw na maging independent that time." Sabi niya.

"Kume-k pop ka?" Tanong ko. "Oo." Maikli niyang reply. "Nag-audition ka?"

"Soon. Kapagod pa kasi mag-audition ngayon eh. May banda pa kasi ako."

"Banda?" Tumango naman siya. "Yas." Maikli niya uli na reply. "Anong name?"

"Dyosa si Irene. Joke. No name." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. "Walang pangalan ang banda niyo?"

"No name." Sabi niya.

"No name? Answer me please."

"No name nga."

"No name?"

"Hindi. Gusto mo...walang pangalan? No name nga ang pangalan ng banda namin." Sabi niya. Natawa naman ako sa pamimilosopa niya. "Why 'No name'?" Tanong ko. "Wala kaming maisip na pangalan eh."

"Mga gagi nga yun eh at hindi sila pumayag sa suggestion ko na gawing The Journey ang pangalan ng banda namin. Ang sabi nila, mukhang dadaigin daw namin si Dora sa journey journey na iyan. Ang korni nila ano? Napa-sobra talaga yung mga yun sa pag-kain ng mais." Sabi niya.

"We were composed of 4 members. Nag-iisa lang akong babae sa banda. Vocals ako." Sabi niya. Napa-'ahhh' naman ako.

"Dalian mo na iyan at pupunta yung mga iyon dito mamaya. Mag-ayos ka ah. Ayaw kong masabihan na mukhang losyang na tae ang pinsan ko. Sige. Kainin mo na 'yang sandwich tas inumin mo ang juice. Maliligo uli ako. Ka-ketch!" Sabi niya at umalis na. Ang ganda, ang bait, at napaka-joker ng pinsan ko. Sobrang kalog niya. Hayyy. Hindi na ata ako mamo-moblemang mag-move on nito. Pinsan ko lang sasakit na yung panga ko sa kakatawa. Gagi yun eh. Hindi halata sa mukha.

Darating yung mga ka-band mates ni Irene? Gawd. Kailangan ko nga itong dalian para makapag-ayos ako. Mga lalaki pa naman ang mga ka-band mates niya. Landiin ko ata ang isa sa kanila? What'd you think? Excited na me! Btchy Nike Elle Forteza...naka-on na!

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon