Meetup 40: When he knew about the game.
Property of Momo_Ayren
Date updated: November 30,2015(Nike's POV)
Naiihi na kinakabahan naman ako pagdating ko ng S10 room. Nagtaka naman sila sa inasal ko. "Oh, What happened to you couz? Is the principal mad at 'ya?" Tanong sa akin ni Irene. "What happened? Why are you sweating like hell?" Tanong ni Edzel. Tumango-tango naman silang lahat. Teka, nasaan si Loki?
"Nothing happened. Really. It's just that, it's so hottin' here." Sabi ko. "Should I leave?" Tanong ni Joshua. E di wow. Hot daw siya.
"Sariwang sapatos? Gusto mo?" Tanong ni Irene sa kanya. Hindi naman iyon naintindihan ni Yuki at Edzel pero ipinag-walang bahala nalang nila iyon. Alam na kasi nila ang sasabihin ng pinsan ko paghumirit si Joshua. Ahahaha. Lul. "So what did the principal told you?" Tanong ni Drake. "Nothing. Really." Sagot ko.
Wala naman siyang pakialam sa sagot ko at inakbayan nalang niya pinsan ko. Ang tae mo Drake. Walang hiya ka. Promise, sisiraan talaga kita sa pinsan ko. Sasabihin ko sa kanya na two timer ka para iwanan ka niya. Tae mo.
Napa-shrug naman silang lahat except kay Drake at Ivan at nagpatuloy nalang sila sa mga pinanggagawa nila kanina. Nasaan kaya ang amerikanong hilaw na iyon? Nawala nalang bigla? Eh? Napansin ko namang nakatitig sa akin si Joshua kaya tiningnan ko siya. Napa-iwas naman siya ng tingin. Eh?
I shrugged.
An'yare kay Juswa?
"WELCOME BACK TO MEEEEEE!" sigaw ng isang maingay na babae. Si Trixy. Tumawa naman siya bigla. "Wala bang palakpakan diyan?!" Sigaw niya. Pumalakpak naman ako, si Ella, Irene at Cherry kaya naman nung nakita kami ni Yuki at Edzel na pumapalakpak ay pumalakak na rin sila. Hindi naman pumalakpak si Joshua at Ivan pati na rin si Drake. "Utot mo. Ikaw? Papalakpakan ko? E di wow." Sabi ni Joshua.
Nainis naman si Trixy at tinapunan niya ng sariwang sandal si Joshua. Ayun. Headshot as always. "Arayyy!" Sigaw ni Joshua. "Hoyyy Juswa! Kapag aawayin mo'ko siguraduhin mo lang na makakailag ka sa mga flying sandals and shoes!" Sigaw niya tas susugurin na sana si Joshua nang humarang ako sa harapan niya. Humarang din si Cherry.
Hinaplos haplos naman ni Ella ang ulo ni Joshua. Ayieee. WALANG POREBER! Lul.
"Calm down, Trixy. Calm down." Sabi ni Cherry. "I can't calm down not until Joshua can't taste my revenge!" sigaw pa ni Trixy. "You already threw your sandal to his head." Kalmang sabi ni Cherry. "Hmph!" yun nalang nasabi ni Trixy at nagsimula nang gambalain ang buhay ni Ivan.
Lumapit naman ako sa kanila. "Trixy, nasaan kuya mo?" Tanong ko. "Nasa puso mo." Sabi ni Trixy. Sarap batukan eh. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Hehe. Bakit mo ba siya hinahanap?" Tanong sa akin ni Trixy. "Wala lang. Nawala nalang kasi siya bigla eh." Sabi ko.
"Huwag kang mag-alala. Lilitaw lang yun mamaya na parang kabute." Sabi niya at niyakap si Ivan. Medyo nainis naman si Ivan sa ginawa ni Trixy pero take note...nakita kong nag-blush si Ivan. Tae. Ang bakla pakinggan pero oo. Ahahaha. Nag blush si Ivan dahil kay Trixy. Ahahaha!
Kaya naman umupo nalang ako sa sofa. Hindi ko parin mapigilang isipin 'yong sinabi sa akin ni TITO Carlo. Ano ba naman 'yan?! Uwahhh~ Si Nikko. Pupunta dito sa SoKor! Kasama kaya niya si Aphrodite? Diba nagkabalikan naman sila? Walang ngang forever pero kay Nikko at Aphrodite lang meron. Huhuhu~ Kaiyak.
Sana ako rin. May forever.
Tae. Ang korni ko.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at dahil sa likas na wifi dito ay nag facebook ako. Ha! May facebook ako! Ha! Si Cherry na worker ni tita ang gumawa ng facebook ko. Medyo matagal na rin akong hindi nakaka-facebook. In-open ko ang account ko at nagulat nalang ako ng may 557 friend requests naman ako. Tae. Ang dami.
Napansin ko namang puro lalaki ang nag friend request sa akin. Yung iba gwapo yung iba naman panget. In-accept ko yung mga gwapo at yung mga panget naman ay hindi. Kabilang na dun sa mga hindi ko in-accept ay mga arabu. Tae. Ang dami.
Accept ng accept lang ako ng mga wafung lalaki ng may isang account akong nakita na nag friend request sa akin at dahil doon napatigil ako. Nikko Partson. Ni-kko Part-son. Nikko Partson?!
Natawa naman ako sa DP niya. Derp picture ng barkada. Ahahaha. Clinick ko ang account niya. Hindi ko pa din clini-click ang 'accept' button. Nakita ko naman ang cover photo niya. Picture nila ni Aphrodite. Tae.
Scrinoll down ko, nakita ko ang isang album na 10 minutes in-upload simula nung in-upload niya. Kasama niya pala ngayon ang barkada pero wala si Aphrodite. I guess, nagkabati na sila. Tiningnan ko ang caption.
Having fun with them. and I want her to be here.
❤ PuddingxPuds.The sht? PuddingxPuds? Ang tae niya. Pudding? And Puds? As in? Gusto niyang nandun ako? Tae niya. Eh? Baka naman Pudding and Puds DIN ang endearment nila ni Aphrodite? Huwag assuming Nike. Hindi ka na niya mahal. Hindi mo na siya mahal. Okay?
Nag-scroll down pa ako. Napatawa naman ako ng makita ko ang derp na mukha ng barkada. Tawang-tawa naman ako dun sa derp pic ni Artemis. Ahahaha. Tae. Ahahaha. May caption pang...
Artemis's face. Derp derp derp!
Tawang-tawa naman ako sa caption ni Nikko. Kelan pa siya naging ganyan? Pinost niya iyon...kahapon? May nakita naman ako sa comment box. Nag comment si Artemis.
Walang hiya ka Nikko! Walang hiya ka! Papatayin kita kahit pulis ako, handa kong suwayin ang batas basta mapatay lang kita! Walang hiya ka!
2,500 likes lang naman yung comment ni Artemis. Hahahaha. Lol. Nag scroll pa ako pababa at nakita ko ang isang picture ng ultrasound at andun si Aphrodite na nakahiga sa isang higaan tas naka-smile.
It's a boy.
In-upload niya ito ilang month na ang nakakalipas. Tae.
"Kala ko ba naka-move on ka na?"tanong ng isang kabuteng amerikanong hilaw. Inikot ko nalang ang mga mata ko at hindi ko nalang siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-scroll. "Kung naka-move on ka na talaga eh bakit mo tinitingnan ang facebook niya?" Tanong pa niya. Again. Hindi ko siya pinansin.
Nainis naman siya sa ginawa ko at hinablot niya ang cellphone ko galing sa kamay ko. "Akin na nga 'yan!" Sigaw ko. "Ayaw! Akala ko ba naka-move on ka na?" Tanong niya. "Naka-move on na nga ako eh! Tae!" Sigaw ko habang sinusubukang kunin ang cellphone ko. "E bakit mo tinitingnan ang facebook account niya?" Tanong ni Loki. "Ang tae mo! Tinitingnan ko nga lang! Ang OA mo!" Sigaw ko.
"Talaga lang huh?" Sabi niya at hinulog niya ang cellphone ko sa sahig. Namilog naman ang mga mata ko. Napatingin naman ang lahat sa amin. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa sahig. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na ok naman.
Pero kahit ganun. Galit ako sa ginawa niya.
"Fck off Loki! I moved on! Don't act like you are a jealous boyfriend because I know all of this is part of your game! Sht!" Galit kong sigaw kay Loki. "Game? What game?" Tanong ni Joshua. "He wanted me to fall in love with him and then if he succeeds he'll just leave me behind like nothing happend. He want me to be punished because of what I did to you, Joshua." Sabi ko habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa beywang ko.
-Ayrenxx
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...