Meetup 20: Surprised.
Property of Momo_Ayren
Date updated: October 30,2015(Irene's POV)
1 month had passed. Naglalakad ako. Naglalakad. Walking. Walk. Papunta ako ng S10 room. May binili kasi ako sa canteen. Pagkain. Nagutom ako sa mga sinabi ni Yuki eh. Sabi niya magfa-fun run daw kami sa great wall of China. Juk. Hindi ano!
Wala lang. Nagutom lang ako tas naubusan na kasi ng pagkain dun sa fridge ng S10 room kaya eto. Hayyyy. Habang kumakain ng chicherya habang naglalakad...napaisip ako.
Ang ganda ko talaga. Juk. Hindi. Paano ba naman kasi! Si Drake! Hindi na niya ako pinapansin! Parang...nakakapanibago. Ini is-snob niya lang ako. Putspa. Si Ivan naman, kinausap na niya ako. Ok lang daw siya. Napapansin ko naman na mabuti na ang pakikitungo niya kay Trixy kahit sobrang ingay talaga ni Trixy paminsan. Nagmana talaga sa dalawang kuya. Lalo na kay Loki! Mga Lee talaga! Masyadong maiingay!
Habang naglalakad, nagulat nalang ako ng makita ko si Ivan na nagd-dribble habang naglalakad tas nakita ko rin si Trixy na nasa tabi niya na nagb-balance na naglalakad sa parang semento. Ewan ko kung anong tawag jan. Nagtago ako sa isang bench at sinilip sila. Bumilog naman ang mga mata ko ng makita ko si Trixy na mahuhulog na sana pero agad siyang nahawakan ni Ivan.
Putchaza! Kinilig ako. Ewan ko kung bakit. Nung nakabalance na si Trixy ng maayos ay naunang naglakad si Ivan tas napansin kong...napangiti siya. Wow! Srsly?!
That time, I realized...may pag-asa nga para sa TrIvan. I think, Ivan is starting to like Trixy. Go Trixy! Ivan for the win!
Dali-dali naman akong tumakbo pabalik sa S10 room at binalita 'yon. Mga wala naman silang paki. Bahala sila. Busy rin kasi sila. Busy sila sa ewan. Si Joshua at Ella, nagc-cellphone. Si Loki naman at Elle, naghaharutan. Si Drake, nagbabasa ng librong horror. Si Yuki, busy sa pagbabasa ng mga papeles. Tas si Edzel at Cherry sumasayaw. Asan si Ersa-nim?
Lumapit ako sa pinsan ko. Biglang natulala. Anyare? "Huyyy." Sabi ko sa kanya. "Tae." Mura niya. Hahahahhaha. Nagulat siya eh.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya. "W-wala."
Tiningnan ko naman si Loki na nasa tabi niya. Nakangiti na parang asong ulol. Abot tenga 'yong ngiti eh. Sinapak ko naman si Loki. "Anong ginawa mo sa pinsan ko ha?!" Galit kong tanong sa kanya.
"ANO BA! Bakit ka ba nanapak? Ang erps mo naman!" Sigaw niya sa akin. Ang ingay talaga nitong si Loki. Ewan ko ba kung paano kami naging magbestfriends. Sarap i-stapler 'yong bibig niya. Ayy, nalalasahan?
Nilakihan ko naman ang mga mata ko para matakot siya. Natakot nga siya. "Hinalikan ko siya." Sabi niya. Para naman akong hihimatayin sa sinabi niya. Putspa! Tengene. Aba, sinuntok ko na siya braso. "Gago ka? Bakit mo 'yon ginawa?"
"Ang ganda kasi ng pinsan mo eh." sabi niya. Nilapitan ko naman pinsan ko. "Okay lang ako." Sabi niya.
"Ginusto mo naman?" Sabi ko. "Halika nga. Mag-usap tayo ng MASINSINAN." sabi ko at hinila ko siya papunta sa labas ng S10 room. Nagcross arms naman ako at itinaas ko ang isang kilay ko. "Ano 'yon?"
"Hinalikan niya ako." Sabi niya habang nakayuko. "Couz, remind ko lang ha. Ano ba 'yong sabi ni mommy sa'yo? Diba sabi niya, isang lalaki nalang at pupunta na siya dito?"
"Wala naman akong gusto kay Loki eh." Sabi niya. "Eh di sabihin mo sa mokong na 'yon. Gusto mo ba maulit 'yong nangyari kay Joshua? Never pa na-inlove si Loki sa isang babae. Never rin siya nagkaroon ng crush. Hindi siya basta bastang humahalik ng babae." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Playgirl Named Nike
Teen FictionItaas ang bandera ng mga heartbroken! Oo, heartbroken ako. Malungkot. Mas pinili nga ng Gangster yung ex niya. Ako? Nganga. Akala ko mahal talaga ako ng Gangster na yun, pero yun pala...kaiyak. SAGLIT LANG! Teka, may gwapong lumapit sa akin. FLIRT...