Meetup 44

1.1K 41 7
                                    

Meetup 44: Still with him.
Property of Momo_Ayren
Date updated: January 30,2016

(Nike's POV)

   Parang ice naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ang lalaking matagal ko nang gustong makita. Ang lalaking pinakamamahal ko. Parang lahat ng alaala namin ay nag flashback sa utak ko. Mahal ko pa pala siya...

   "Nike..." sabi niya. "NIKKO?" shock na sabi ng pinsan ko. Nilapitan naman niya si Nikko at sinuri ng mabuti ito. "Teka, bakit ka andito?" Tanong ng pinsan ko sa kanya. Ako, tulala lang. "Andito ako para malaman ang kalagayan ni Nike mula nung sa nangyari kagabi." Sagot ni Nikko. Tinaasan naman siya ng kilay ng pinsan ko.

   "Kagabi? Paano mo nalaman ang nangyari kagabi?" Mataray na tanong ng pinsan ko sa kanya. "Hinatid ko siya dito."

Shoot.

   Sabi ko na nga ba. "ANO?! IKAW YUNG NIKKO NA NAKAUSAP KO KAGABI?! LUMAYAS KA NA! CHUPEEEEEE!" sigaw ng pinsan ko sa kanya. I guess, alam na nang pinsan ko.  "Teka. Ano ba!" Sabi naman ni Nikko habang nagpupumigil na umalis. Tulala lang ako. Wala pa ring nagbago sa kanya.

   "Nikko..." bigla kong sabi. Napatigil naman ang dalawa. "Umalis ka na. Huwag ka nang magpapakita sa akin." Sabi ko at pumasok na nang bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon umiyak lang ako ng umiyak. Ano ba Nike! Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Bakit ka umiiyak-iyak ngayon? Bakit?

   "Bwisit ka Nikko Partson! Ang puta mo!" Sigaw ko habang nagtatapon ng unan sa kung saan saan. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ganito? Diba dapat wala na akong mararamdaman? Diba dapat hindi ako umiiyak ngayon? Diba dapat...hindi ko na siya mahal?

  Patuloy naman ako sa pag-iyak nang biglang pumasok ang pinsan ko sa kwarto ko. "Nike...tahan na." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya. "Pano? Pano ako tatahan sa pag-iyak ng dahil sa sitwasyong 'to? Paano?" Tanong ko sa kanya. Nilapitan naman niya ako at niyakap

"Tahan na couz. Tahan na."

Monday...

  Nakarating kami ng Partson. Mugtong-mugto ang mga mata ko. Iyak lang ako ng iyak. Masakit kasi eh. Mahal ko pa pala siya. Bwisit. Naka-shades naman akong pumasok. Nagtaka nga ang S10 kung bakit. In-explain naman ni Irene. Makakapasok na nga pala si Joshua pero si Loki, bukas pa ang expiration ng suspension niya. Andito si Joshua. Kasama niya si Ivan pero hindi naman naguusap yung dalawa.

   Umupo ako sa sofa. Gusto kong umidlip. Ang sakit ng mga mata ko. Humiga naman ako doon sa isinara ko ang mga mata ko pero naudlot iyon ng may isang babae ang namalo sa'kin. Si Irene. "Hoyy. Parating na si Ersa-nim. Bumangon ka jan. Pumunta ka na sa seat mo." Sabi niya at ayun. Sinunod ko naman siya.

   Maya-maya ay dumating na nga si Ersa-nim at ayun. Klase lang. Pagkatapos ng morning schedule ay umupo ako sa sofa nang may isang lalaki ang lumantad sa harapan ko. Si Joshua. "Can we talk?" Tanong niya. Kahit wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya ay pumayag ako.

  "What do you want?" Tanong ko. "I'm sorry." Sabi niya. "Na naman ba?" Tanong ko. "Look,--"

  "Saan?" Tanong ko. Nainis naman siya sa pamimilosopa ko. "May na-realize ako." Sabi niya. "Ano?"

  "I realized na...mahal na mahal ko pala si Ella."

  Biglang gumanda naman ang mood ko sa narinig ko. "Talaga?" Tanong ko. Tumango naman siya. "So please, can you please tell them that I'll go to Ella's house cuz I want her to be with me right now." Sabi niya at dali-dali niyang kinuha ang bag niya at kumaripas na nang takbo. Gumanda ang mood ko doon ah. Infernes.

   Pumunta naman kami ng S10 sa cafeteria. Nagtaka sila kung bakit nawala si Joshua. In-explain ko lang sa kanila ang sinabi sa akin ng Juswa na iyon. Tumango-tango naman sila. So, I guess napatawad na nga nila si Joshua. Naglalakad ako habang dala-dala ang isang cup ng iced tea ng may nakabangg akong lalaki.

   "Hi  Nike." Sabi niya. Realization hitted me. Nikko? What the fck?

   Hindi ko naman siya pinansin at paalis na sana ako ng hinila niya ang kamay ko. "Where are you going?" Tanong niya.

   "What are you doing here?"tanong ko. He just smirked. "I want you to be mine...again." him? Me? He want me to be his again? What the hell. "Get lost and die." Sabi ko. He just laughed. Pero yung pilit.

   "Kahit ilang beses mo'ko itaboy...hinding-hindi kita tatantanan, Nike lalo na't ngayo'y alam ko na kung nasaan ka." Sabi niya. I just rolled my eyes then I was just about to leave when he grabbed my hand...again. "Can you please let go of me?!" Irita kong sabi.

   "No. I will never let go of you. Never again. Because I love you so much, Nike. Please don't leave me." Sabi niya. Na-estatwa naman ako dahil doon. Mahal? Eh bakit niya ako sinaktan? Kung mahal niya talaga niya ako eh sana noon pa, hinabol na niya ako. E di sana noon pa siya nag explain.

   Tiningnan ko lang siya mula ulk hanggang paa. Naka-uniform siya ng Partson. "You're going to study here?" Tanong ko. He nod. "Pathetic." Sabi ko. "I don't love you anymore so please...leave me alone." Dagdag ko pa. Sometimes people needs to lie.

  
--

   "NikKe for the win!" Sigaw ni Edzel. "Sht." Pagmumura ko. Kanina pa 'to dikit ng dikit si Nikko. Nakaka-bwisit. "Puds...say you love me too." Sabi niya. "Get lost." Sabi ko tas tinutulak siya kaso napakalakas niyang tao at hindi ko siya maalis sa braso ko. Hinalikan naman niya ako sa cheeks.

    Humiyaw naman ang buong S10 except kay Irene. Nakataas lang ang isang kilay niya. Aaminin ko, kinikilig ako sa mga ginagawa ni Nikko kaso...mali 'to eh. Sila na ni Aphrodite. Ayoko maging number 2. Ayoko maging kerida.

   Nag-pout naman yung gago. Dinilaan ko siya. Hinalikan naman niya ako sa cheeks...uli. "Yieeeee! NikKe for the win!" Sigaw pa ni Cherry. "I hate you guys." Sabi ko nang nakayuko. Feeling ko kasi ang pula-pula ko na. Nike, stop it. Mali iyang ginagawa mo. Sobrang mali.

   "Puds, what's wrong? Are you sick?" Tanong niya. "Yes. I'm sick. I'm really sick of you. Can you please leave me alone?" Sabi ko sa kanya nang nakayuko pa din. Itinaas naman niya ulo ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. "You're blushing, puds." Sabi niya with nakakalokong ngiti.

   "No, I'm not!" Pagdedeny ko. "You're always in denial." Sabi niya. Nainis naman ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinilit kong alisin ang braso ko galing sa pagkakahawak niya.

   "Please, would you leave me alone? Past is past. You already did what you did. You cheated on me. And when everytime I remember what you did to me, I keep on crying because of the pain that you gave me. Please, I'm trying to move on. Would you please, leave me alone?" Sabi ko at nag-walk out. Hindi ko na kaya. Mukhang iiyak na ako. Ewan ko ba.

   Nung nasa garden na ako ay may biglang yumakap ng likod ko. Si Nikko na naman.

   "I'm sorry. I still love you, Nike that's why I'm here. I want you to be mine again." Sabi niya at hinalikan ako sa mga labi ko. Nang dahil sa halik na iyon ay naramdaman kong...mahal ko pa parin pala ang gangster na 'to.

-------

SHOUT OUT NGA PALA AKO DUN SA MGA SILENT READERS. I love you silent readers. Mygash. The best talaga kayo. Feel free to comment naman sa comment box guys. Gusto ko marinig ang mga hinaing niyo sa bawat UD ko. 

SHOUT OUT NGA DIN PALA AKO SA MGA WRONG TYPOS, GRAMMARS AT SPELLINGS KO. Puta. Ang galing ko talaga. XD LOVE TALAGA AKO NI TYPO. BWAHAHAHAHA. WABYU. XD XD

-Ayrenxx

That Playgirl Named NikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon